Twelve

2227 Words
Nagising ako nang may tumapik sa balikat ko. "Hmm," I groaned. Salubong ang kilay na tiningnan ko ang nanggigising sa akin. "Let's go home na. I'm sleepy na rin," aniya. Nahihiya akong tumayo at inayos ang sarili. Karamihan ng mga tao roon sa backstage ay nagliligpit na ng gamit. It's past nine already, mabuti ay medyo maagang natapos ang event. I was expecting it to continue until ten or eleven. "Ches, magda-drive ka?" I nodded. "Baka makatulog ka sa daan." "Sumabay ka na sa akin, anak, at si daddy mo na ang kukuha ng sasakyan mo," sabi ni mommy. "Kay daddy na lang ako sasakay," sabi naman ni ate. Ganoon nga ang nangyari. Nag-take out kami ng pagkain sa nadaanang restaurant bago dumiretso sa bahay. It's a good thing that I didn't drive. Nakatulog kasi ako sa daan at nagising lang nang ma-i-park na ni mommy ang family car namin na siyang dala nila ni dad kanina. Nawala naman agad ang antok ko nang makababa ng sasakyan, at mas lalong nawala iyon dahil naalala ko na bukas nga pala ng umaga ang flight ni ate. It was supposedly tonight pero hindi rin kasi sigurado kung anong oras matatapos ang event kaya bukas na lang. "May lakad ka bukas?" tanong ni ate matapos kong iangkla ang kamay sa braso niya. "Hmm," I nodded. "Pero sasama ako sa airport." Isinandal ko ang ulo sa balikat niya habang naglalakad kami patungo sa kusina. "I'll miss you." "Make sure to spend holidays with me," sabi niya. I chuckled. "Duh! You don't have to tell me." Hindi rin naman papayag sila mommy na hindi namin kasama si ate lalo na sa New Year. Kaya nga medyo busy silang dalawa ngayon dahil tinatapos nila ng maaga lahat ng mga posibleng trabahuin nila sa mga araw na iyon. "Steak for our beautiful ladies," sabi ni daddy habang hinahanda ang mga pagkain. "I love you, daddy," malambing na sabi ni ate at pumunta sa gilid ni dad saka siya niyakap. May kirot na lumulukob sa puso ko. Ngayon pa lang ay parang inaatake na ako ng separation anxiety. Bakit ang bilis ng araw kapag magkakasama kayo pero ang tagal ng oras kapag magkakahiwalay? "By the way, Ches," nag-angat ako ng tingin kay ate. "Any plans after grad?" Umupo na kaming lahat. Nasa akin ang tingin nila. May mga plans ako pero wala naman doon ang talagang concrete plan, wala pang sigurado, wala ring nangunguna. Sumubo muna ako at nginuya ang pagkain bago sinagot ang tanong niya. Alam ko na gusto niya na sumama na lang din ako sa kanya sa abroad para makapag-migrate na rin sina mom at dad doon na walang iniisip na maiiwan dito. Our grandparents have dual-citizenship so it's no longer a problem on their part. Ako lang talaga ang hinihintay nila. But Philippines is my home. Hindi ko alam kung ano bang mayroon sa bansa na ito na parang ang hirap iwan. Kung tutuusin pwede namang sa abroad na lang din ako nag-aral. But why I didn't? Was it because of my friends? Was it because I'm not used to cold weathers and snow? Hindi ko alam. Pero ngayon na malapit na akong grumaduate, I'm considering going abroad, too. Kung gusto ko talaga ng sariling career na hindi related sa family business namin, mas okay nga na sa abroad na lang ako magsimula. But then... "Depende sa mga opportunities by that time." "So, corporate job na talaga?" I chuckled. "Come on, sasayangin ko ba yung apat na taong paghihirap ko? Of course I'll seek a job related to my course." "Here in PH?" I shrugged. "Hindi ko pa alam, ate. I have no concrete plans yet. Isa pa, I still have to think about the board exam next year so..." "Huwag mo na i-pressure ang kapatid mo. Wala na ngang oras maghanap ng boyfriend iyan at mukhang tatandang dalaga." "Mom!" I grunted. Humalakhak naman si dad at si ate. Makatawa itong kapatid ko parang may boyfriend siya, ah? Eh, kung asarin ko kaya siya tutal ay kaka-break lang nila ni Kuya Jim last year? Yep. She ended a four-year relationship. Reason? Honestly, hindi ko talaga alam kung ano ang totoong rason. Both of them have a decent job. Kuya Jim is still single up to now, I think. Pareho silang nag-concentrate sa mga careers nila na kinailangan nilang maghiwalay. Pero ayaw ko rin magbiro tungkol doon. My sister might not say it nor express it but I know her heart is still as broken as it is last year. Both of them loved each other so much. Kung ano man ang rason no'n, sana ay parehong nakabuti sa kanilang dalawa ang naging desisyon. "You have to call me!" Nakanguso kong sabi. "Hep! At 'wag mo sasabihin sa akin na 'oo' kung hindi mo naman gagawin. Don't tell me you're busy. You can call me while you're showering, while resting, while eating so stop giving me that excuse." "Oo na, oo na." Yumakap siya sa akin. "Ma-mi-miss kita, Ches." "I love you, sis." "I love you, too." Yumakap din siya kila mommy bago kinuha ang maleta at kasama ang manager at ilang body guards ay naglakad na siya papasok sa airport, palayo sa amin. Bumuntong-hininga ako bago hinarap sila mommy. "Let's go home?" Umiling ako at sinilip ang relo. "Kailangan ko dumiretso sa shop, mom." "Hindi ka pa nag-breakfast, Cheska," ani daddy. Talagang hindi niya palalampasin iyon. Si dad kasi ang talagang mas maalaga kumpara kay mommy, I mean same lang naman, pero si dad ay talagang ipapaalala ang mga ganyang bagay. "I'll order--" "Fastfood again?" Salubong na ang kilay niya at medyo natakot na akong magpaalam. He sighed afterwards. "Make sure to go home early and don't eat outside." Ngumiti ako at kumaway sa kanila bago pa magbago ang isip niya. "Bye, mom. Bye, dad!" Patakbo kong pinuntahan ang sasakyan ko. Gosh! Pagdating ko roon ay bukas na ang pintuan ng shop. Ang sabi ko kina Alyanna ay kahit hindi na sila pumunta ngayon pero hindi ko alam na pupunta pa rin sila. And they are quite early, huh. Nagulat ako nang pagpasok ay sa halip na sina Alyanna at Justin ang makikita ay si Gino. He's standing in front of the wall as if he's looking for something on it. Nang mapansin na may kasama siya sa loob ay lumingon ito sa gawi ko. Napaawang ang labi ko nang mapansin na bagong ligo lang siya. Kararating niya lang din siguro. He's wearing a casual outfit. Plain shirt and male jeans. Nakatago ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. "Bakit ka nandito?" was the only question I can ask. My heart's beating is very fast. Pakiramdam ko ay sasabog na iyon sa sobrang bilis. Tila nag-slow motion ang paglingon niya sa akin kanina na naging dahilan ng panghihina ko. Damn. Why does he looks so fresh and handsome in the morning? "Hindi ka pa nag-breakfast?" Bumaba ang tingin niya sa pagkain na ibinaba ko sa mesa. Right. Dumating na ang mga supplies. The furnitures that we needed and as well as the coffee and other supplies from our confirmed local suppliers. "May hinatid kami sa airport kaya dumiretso na ako rito." I realized I only bought one sandwich. "Coffee," I offered. "Isa lang ang nabili kong sandwich, hindi ko alam na nandito ka." "At dalawang kape ang binili mo?" He asked in an amused tone. Inilapit ko ang isang cup sa kanya. Lumapit naman siya at umupo sa tapat ko. I sighed. "In case I dozed up today." Humikab ako pagkatapos sabihin iyon. Hindi pa namin nakakalahati ang kape ay dumating na ang dalawa kaya nagsimula na rin kami agad. Ngayon ay magkakabit na kami ng wallpaper at mga ilaw. May kinuha rin ako na gagawa ng CR, I want it to be clean like the ones they have in the Mall or Hotels. Sa may counter, though may naka-built na, pinaayos ko na rin. "Ches!" Damn, I'm so sleepy. "May package ka." Mistulang zombie na naglakad ako palapit sa may pintuan ng shop. The sun is already setting. Kailangan na naming tapusin ang mga ginagawa lalo na't lunes bukas. We are all students here, fourth year to be exact. Mas ayos na na makatulog kami sa paggawa rito kaysa makatulog sa klase bukas at may ma-miss na lesson o 'di kaya ay mapagalitan. "Papirma na lang ako, Ma'am," the delivery guy said. Kinuha ko ang inaabot niya at pinirmahan. Pinaiwan ko iyon sa tabi ng pintuan at medyo lutang pa rin ang isip ko. Pagkaalis niya ay saka ko lang naalala na wala naman akong binili o in-order na kahit na ano. Well, I ordered something from Zalora pero sa bahay iyon naka-adress at hindi rito, isa pa, hindi ko ginagamit ang real name ko kapag umo-order. "Ano iyan?" "Huh?" Nalilito kong sabi kay Justin. "Gamit dito?" tanong niya ulit. "Uhm..." I gulped. "Hindi ko alam." "Come on, Ches, imposibleng hindi mo alam, hindi ka naman mahilig mag-online shopping para makalimutan mo if ever na may binili ka," sigaw ni Alyanna na kasalukuyang nagwawalis. I shrugged. "Wala nga akong in-order. Isa pa, kung mayroon man, bakit ko naman dito ipapadala?" "Baka gamit dito sa shop?" Umupo si Justin at binasa ang kung ano sa may karton na malaki. "Jim," anito. "Huh?" "Yung sender," sambit niya. "Jim ang nakalagay." Halos lumuwa ang dalawang mata ko nang ma-realize kung sino marahil na Jim ang tinutukoy niya. I only know one person. Excited kong tiningnan ang pangalan ng sender. Walang apelyido at talagang Jim lang ang nakalagay. Nakangiti kong binuksan ang box at tinulungan naman ako nila Justin. Si Gino ay abala sa ginagawang kung ano at mukhang walang pakielam sa pinagkakaabalahan naming tatlo. "Omooo!! Bean bag?" Alyanna's eyes twinkled in glee, mirroring mine. Mamahaling bean bag iyon na mixture of beige and pink ang kulay. Medyo malaki at bagay na bagay sa corner nitong shop. My smile grew even wider upon reading the note that was attached on it. Hi, lil sis! Heard about your project, I'm happy and proud of you. Keep doing well. I miss you and I hope we can meet some other time... :) - Kuya Jim It's really him! At kanino niya naman narinig ang bagay na ito? Kumabog agad ang dibdib ko sa posibleng source niya. Oh my gosh! Nag-uusap na ba ulit sila ni ate? Nagkabalikan na ba sila? Iniwan ko sina Alyanna roon sa may pintuan at kinuha ang phone ko na malapit sa pwesto ni Gino. Nagtipa ako ng chat kay ate. I want to hear it from her before I say something to kuya Jim. "I have to go." "Hmm?" Pinanood ko si Gino na kunin ang mga gamit niya at diretsong lumabas ng shop. Ngumuso ako. He's so uptight. Humikab ako at tumayo na rin. Kailangan na rin naming umuwi na tatlo. "Ches!" "Yes?" "Sasabay ba kayo ulit sa amin mag-lunch sa cafeteria bukas?" Nilingon ko si Alyanna. "Why don't you ask your girlfriend?" Binato ako ni Alyanna ng masamang tingin. Ano na namang kasalanan ko sa babaeng ito? "As if naman gagawin mo ang sasabihin ko," aniya. Napangiti ako. Alam ko naman na gusto niyang kasabay ang boyfriend niya at gusto niya rin akong kasabay. "As long as Gino can tolerate to see our faces, why not?" "Ayun!" Nag-apir pa ang dalawa na mukhang planado ang pagtatanong sa akin. Tss. Kumindat sa akin si Justin. "Ako na ang bahala kay Gino." Napailing na lang ako pero nangingiti rin. As long as my bestfriend is happy, I won't deprived her of happiness. 'Wag lang talagang makarating sa pamilya ko ito dahil paniguradong sasabihin na naman nila na tatanda na akong dalaga. Alyanna has a boyfriend already. Wala pa naman talaga sa isip ko ang bagay na iyan o dahil hindi ko pa nakikilala yung lalaking gusto kong pag-commit-an? I shook my head to let go of those thoughts. Graduating na ako at baka makasira pa ang love life na iyan sa pag-aaral ko. I should know better. Isa pa, kung sakali man na mag-bo-boyfriend ako, gusto ko ay yung nasa field din ng business ang kurso niya. I want someone who can relate to me, someone I can asked questions on regarding lessons and even work after graduation. Someone intelligent, yung mas mataas talaga ang IQ kaysa sa akin, someone responsible, yung mahaba ang pasensya, maalaga... Wait... Why am I even fantasizing about it? Ayaw ko na umasa na may taong ganoon. Matalino, mabait, maalaga, responsable, mahaba ang pasensya... Meron siguro isang quality sa isang tao pero lahat ng iyan sa isa lang? At kung mayroon man, tiyak na taken na iyon. Imposible na single siya at walang nagkakagusto. When it comes sa looks, wala naman ako masyadong tipo rito. Siguro ayos na sa akin yung cute lang, hindi kagwapuhan. Why am I even talking about my ideal guy? Someone asked me before, wala raw bang nagkakagusto sa akin o mapili lang ako? Honestly, it's both. Wala akong gusto sa kanila pero wala rin namang may lakas ng loob na lumapit sa akin at umamin ng harapan. All of them are just messaging me online, sending letters, sending gifts... "Ches!" Someone snapped her fingers in front of my face. "Bakit ka ba tulala diyan? Tara na!" I guess I like someone who has courage and real nice intention towards me. Sincerity...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD