Awkward silence is all over the cafeteria. Hindi kalayuan sa mesa nila Gino ay ang mesa nila Aira. She's silent today, very unlikely of her. Pasulyap-sulyap ang iba sa gawi niya at sa gawi nila Gino. Nagtataka marahil ang lahat kung bakit walang eksena ngayong araw.
Huli kong nakita si Aira sa guidance office. Absent ito ng ilang araw. At ngayong muli siyang nagpakita ay mukhang wala na rin siyang balak na manggulo pa.
Ibinaba ko ang tray sa mesa nila Gino. Nasa counter pa sina Justin at Alyanna. Nag-angat ng tingin si Gino sa akin pero hindi naman nagsalita at hindi rin ako inirapan. I assumed it's okay to sit here? Or baka naman kinausap na siya ni Justin?
"Hi," I greeted.
Over the night, I thought of all the words Justin has said to me. I'll give this a chance. Mailap siya sa mga babae, even to guys actually. He doesn't accept friendship that easily. Maski nga ako na makakasama niya sa isang proyekto buong semester ay hindi niya gustong tanggapin bilang kaibigan. He must be really picky, huh?
O baka naman mayroon siyang issue sa mga tao? Was he betrayed by someone? Left by someone?
Hindi niya ako sinagot at inaasahan ko na iyon. At least hindi niya rin ako pinaalis.
Maya-maya lang ay dumating na rin sila Alyanna.
"Dadaan ka sa shop, Ches?" tanong ni Alyanna habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
"Hmm. Siguro. Pero sandali lang dahil marami akong readings."
"Huwag na. Kami na magtatapos ni Justin sa pag-aayos doon. Mag-aral ka na muna at matulog. Gosh, girl, you look so restless lately."
Ngumuso ako dahil totoo rin naman ang sinasabi niya. Late akong natutulog at maaga rin nagigising. Wala rin akong oras matulog ng tanghali at talagang laging pagod. I'm thinking about acads and I've been doing several researches for our project. It's quite tough.
Si Justin lang ang kinakausap ni Gino. Actually, hindi naman siya nagsasalita kapag hindi tinatanong. He's extra quiet today than the usual.
"Gino!" Tumayo ako at sinundan siya na ngayon ay palabas na ng cafeteria. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang paglingon ng mga naroon sa gawi namin. "Dadaan ka ba sa shop mamaya?"
"May gagawin ako," anito.
Binilisan ko ang paglakad para makasabay sa hakbang niya.
"Kumpleto na ba lahat ng kailangan natin? Pwede na siguro tayo mag-open this Saturday?"
"Okay."
I bit my lower lip. Masyado na ba akong madaldal? He seems uninterested with everything that's coming out from my mouth. I guess I'm being too nosy.
"Ise-send ko na lang sa'yo ang website link na ginawa ko. Susubukan kong gumawa ng mga posters ngayong gabi..."
He stopped walking. Agad-agad din akong huminto.
"Ako na ang gagawa ng posters. You should finish all your school stuff."
Napaawang ang labi ko. Hindi agad ako nakapag-react at saka lang gumalaw nang makalayo na siya. My heart stopped beating for a moment. At nang maibalik ang t***k nito ay hindi naman naging normal. It's wild. Extremely wild.
Narinig ba niya ang sinabi ko kanina na may mga readings ako? I didn't know he's that considerate.
"Cheska, hindi ka pa papasok?"
"Ah?" Sinundan kong muli ng tingin si Gino na malayo na ang distansya sa akin bago hinarap si Monica. "T-tara na..."
"Kasama mo si Gino?" tanong niya habang paakyat kami ng hagdan. "Sorry, nakita ko lang kanina na magkasama kayo."
"Hmm."
"Close na kayo? Magandang kaibiganin iyon," aniya at humalakhak. "Para may pagtanungan kapag hindi natin naintindihan ang topic."
I almost forgot that he's the top student in our batch. Napangiti ako at nagkaroon ng ideya kung paano maging mapalapit sa kanya.
I texted him that night, asking about a certain topic in our Auditing subject. Itinabi ko ang phone ko sa akin habang nagbabasa ng ibang subjects. Plano kong manood ng video lectures ngayon para sa mga topic na hindi ko maintindihan pero ngayong nabanggit ni Monica na p'wede naman akong magtanong kay Gino, I do think I can understand it better if ka-batch ko ang magpapaliwanag. At least, we have the same level of understanding.
Nabitawan ko ang libro nang tumunog ang phone ko. Nagmamadali kong kinuha ang cellphone at halos lumundag ang puso sa kaba nang mabasa ang pangalan ni Gino. Pero agad ding naglaho ang excitement na naramdaman ko nang makita na link ng youtube video ang s-in-end niya.
What did I even expect? Tss.
Ibinaba ko na lang iyon sa gilid at hindi na lang siya kinulit pa. Alam ko rin naman na hindi niya papatulan ang ginagawa kong pakikipag-close sa kanya.
Sighing, I continued reading the topics. Nevermind that top student.
Nagkaroon ng surprise quiz kinabukasan. Thank God I reviewed the past lessons last night. Buti na lang din at nagpresinta si Gino na siya na ang gagawa ng poster, or else, wala akong nasagot sa quiz na ito.
"Grabe naman iyon," ani Monica paglabas namin ng room. "Hindi man lang nagsabi na magpapa-quiz siya. Naka-review ka?"
Tumango ako. "Nagbasa ako kagabi."
She sighed. "Buti ka pa. Nag-advance reading ako sa other subjects. Akala ko kasi ay walang quiz lalo na't exam na next week."
Tila nagpatong-patong ang stress ko nang maalala na exam na nga pala. Fourth year na ako, I don't wanna mess anything up. Mukhang kailangan namin ni Gino i-postpone ang opening date. Alam ko naman na kailangan niya rin mag-review. Our course is not something you should take lightly. Sa isang exam, marami agad ang natatanggal sa program. And hindi ko p'wedeng isaalang-alang ang tatlong na taon kong paghihirap makarating lang dito.
"Problema mo?" Hindi ko pinansin si Alyanna. Sinipa niya ako ng mahina sa ilalim ng mesa. "You look stupid, Ches, bakit ba kanina ka pa nakasimangot diyan?"
I groaned. "Sa'yo na itong pagkain, wala akong gana."
"Ha?"
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. "Exam na next week. Kailangan kong mag-review. Punta na muna ako sa library."
"Girl! Next week pa ang exam, hindi ka na kakain ngayon? Baliw ka ba? Kumain ka na muna at mamaya ka na mag-review," sermon niya na hindi ko pinansin.
"Marami pa akong hindi naiintindihan na topics, Alyanna. I'll buy a sandwich--"
"Why don't you sit and respect the food?"
Sabay-sabay kaming tatlo na lumingon kay Gino. Nakababa ang tingin nito sa mesa. Kitang-kita ko rin kung paanong dumako sa kanya ang tingin nina Alyanna at Justin. Natahimik si Alyanna at hindi nagawang sumabat.
Gino is intimidating like he always does. Sino ba naman ang magtatangka na sumingit?
I looked at my watch. "You don't get it, Mr. Dean's lister," I said, not intending it to be a sarcasm but it resulted to that. "Marami akong topics na hindi pa naiintindihan. Calculating the time needed for my review plus the things I need to do for the shop, I can't make it. Hindi ko maiintindihan--"
"Mas lalo mong hindi maiintindihan ang mga aaralin mo kapag gutom ka, Cheska." Pinanlakihan ko ng mata si Alyanna. She dared to speak up against me?
"Bakit hindi mo na lang tanungin si Gino kung may hindi ka naiintindihan?" suhestyon ni Justin.
Ngumiwi ako. "Ha! And he'll send me a video link of a lecture," sarkastikong sambit ko.
Kunot ang noo nina Alyanna at Justin at hindi na-gets ang pasaring ko. Gino remained on his seat, looking at the table particularly on his plate.
Tiningnan kong muli ang relo. May isang oras pa ako para magbasa ng mga chapters na hindi ko masyadong naiintindihan.
"I'll go na," paalam ko at hindi na pinakinggan pa ang ilang sasabihin nila.
I have to pass this exam or else mahihirapan akong humabol. Sa library ako dumiretso dahil iyon ang pinakatahimik na lugar dito sa university. Sa medyo gilid ako umupo at doon sinimulang magbasa.
Proof of cash is a two-dated...
I slowly closed my eyes as I feel like the darkness is consuming me.
"Miss! Miss!"
"Hmm..." I groaned. Unti-unti akong dumilat at ang una kong nakita ay ang librarian. Of course I know him.
Umayos ako ng upo at niligpit ang libro. Sinilip ko ang oras at agad na nataranta nang makita na five minutes late na ako para sa first period class ng hapon.
Dinampot ko na lahat ng gamit at kumaripas ng takbo palabas ng library. Ni hindi ko na tinanong yung librarian kung bakit niya ako ginising. Nadaanan ko rin si Gino na nagbabasa sa kabilang dulo, malapit sa isang pintuan pa ng library na hindi madalas magamit. Hindi ko na rin siya nagawang pansinin dahil mas importante ang klase ko.
"Why are you late, Miss Gutierrez?"
Yumuko ako at agad humingi ng paumanhin. "Sorry, Ma'am. Nakatulog ako sa library habang nagbabasa..."
Hindi niya na rin naman ako pinagalitan at laking pasasalamat ko iyon. I was marked late, of course.
Nang dumating ang uwian ay hindi ko na hinintay pa si Alyanna. Hindi na rin naman siya sa akin sumasabay kaya ayos lang. Dumiretso ako sa may park sa isang subdivision na kasunod ng sa amin. Palagi ako rito noong high school, hindi na lang nakakapunta ngayon dahil ang madalas kong kasama dati ay si ate.
Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang park. May dalawang bata na naglalaro at bukod doon ay tahimik na ang buong park. I can read peacefully here. Ang dami kasing distraction sa kwarto ko. Isa pa, gusto ko ng sariwang hangin habang nagbabasa.
I parked my car near the sea-saw. Kinuha ko lang ang kailangan na libro at highlighter at dumiretso sa may bench na nandoon. Medyo malayo ang pwesto ng dalawang bata sa akin kaya hindi naman siguro sila makakaistorbo at hindi ko rin naman siguro sila maiistorbo.
They left after almost ten minutes though. Mag-isa ko na lang ngayon dito at ayos lang naman. The place is safe, I know because this subdivision is known on having a much strict guards with lots of CCTVs everywhere. Nakapasok lang ako dahil kilala ang pamilya ko rito, isa pa ay dahil may ilan kaming kamag-anak na dito nakatira. And the guard knows me, too.
Matapos ang ilan pang minuto ay isinara ko muna ang libro upang uminom ng tubig. I was about to get my tumbler when I saw a kid. Sunod kong nakita ang motor na mabilis ang takbo.
Shit!
Binitawan ko lahat ng hawak at tinakbo ang distansya namin ng bata na ngayon ay malapit na sa gitna ng daan. I can't even think of anything else right now. Probably because of my adrenaline rush.
Beeeeepppp!!!
I hugged the kid so tight as my heart hammered inside my chest. Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa semento. Pero hindi ko naramdaman ang sakit bagkus ay lumalo pa ang pag-aalala ko sa bata na ngayon ay umiiyak na.
Sa gilid ng daan ay nakahiga kaming dalawa. Yakap-yakap ko siya ng mahigpit pero unti-unti kong tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak ng magkabilang kamay ko.
I held his cheek. I was so mad. Sino naman ang mag-iiwan ng anak niya rito? How irresponsible.
"D-dada," he cried.
May tumulong luha mula sa mata ko. My heart is breaking seeing a child cry after he was almost hit. At ang nakakainit pa ng ulo ay hindi man lang huminto yung driver ng motor. He didn't even apologize. I'll make sure to check the CCTV's later.
"Ayos ka lang?" tanong ko. "May masakit ba sa'yo?"
He didn't answer. Patuloy lang siya sa pag-iyak kaya mas lalo akong nag-alala. I check his body parts and I saw a small wound on his arm. Kinagat ko ang ibabang labi. It must have hurt him a lot...
Pinaupo ko siya ng maayos sa semento pero hindi pa man ako nakakaupo ay may dumating ng lalaki. The little boy run to the man who I cannot see well because my eyes is slowly becoming blurry.
"Dada..." was the last words I heard before everything went blank.