Fourteen

2225 Words
"Check the CCTV around the area. Give me the information of the rider. ASAP!" Masakit. Mahapdi. Dahan-dahan kong iminulat ang mata at hindi na nagtaka na hindi pamilyar ang kwartong ito sa akin. Maski sa panaginip ay ang nangyari kanina ang nasa isip ko. It's like a nightmare. Hindi ko ma-imagine na nangyari na ito ngayon. Heck! Gusto ko lang naman mag-aral sa tahimik. But then... Paano kung hindi ako nag-aral dito kanina? Will the kid... I shook my head. Ayaw ko na muna mag-isip ng negatibo. Ang sakit na ng ulo ko at ng mga parte ng katawan ko. Alam ko, panigurado, na marami akong galos. Lalo na at hindi naman ako sanay na nasusugatan. "May masakit ba sa iyo?" Hindi agad ako nakakilos. Bakit... Bakit pamilyar ang boses niya? Kumurap-kurap ako habang nakatitig sa kumot na puti sa aking harapan bago iniangat ang mukha upang matingnan ang pinakagwapong lalaki sa university namin. Siya nga! "A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Am I hallucinating? I don't think so. Kung sakali man, bakit naman siya pa ang ma-i-imagine ko? I'm not into this guy or something. Bumukas ang pinto sa likod ni Gino at pumasok ang batang lalaki na sigurado kong iyon ang iniligtas ko kanina. "Dada!" Lumapit ito kay Gino. My lips parted in utter shock. Humigpit ang hawak ko sa kumot at bahagyang gininaw. Am... am I supposed to hear and know it? Tiningnan ko ang bata pagkatapos ay si Gino. Now that they are in a tight space together, I can see the resemblance. Natutop ko ang bibig nang mapagtanto kung ano nga ba itong nakikita ko ngayon. He calls him 'dada'? Imposibleng kapatid niya ito. Masyado ng malayo ang age gap at isa pa, bakit dada at hindi kuya ang tawag? I don't think it's his nephew either. Imposibleng anak ng katulong. "Nalinisan na ang mga sugat mo." "A-ah?" Now that me mentioned it... "Ouch..." May sugat ako sa tuhod, sa paa, sa braso, sa palad... Napapikit ako. Walang sugat ang ibang parte pero may pasa, ang ilan naman ay walang bakas ng kahit na ano pero masakit. Pakiramdam ko ay nabugbog ako dahil sa biglaang pagbagsak pagkatapos ay nagpagulong-gulong. May sinabi si Gino sa bata at agad naman itong lumabas ng kwarto. The whole room signifies what a hospital room looks like. All white. Ang pagkakaiba lang ay mas sosyal ito at mas malaki ang higaan, and of course, hindi naman amoy hospital. But the color and design reminds me of what a hospital room looks like. Naiwan kaming dalawa rito. Tila may dumaang anghel at pareho kaming tahimik. Define awkward? Right now. Medyo bukas ang kurtina kaya nasilip ko na madilim na. Biglaan akong umupo at doon ko lang napagtanto na masakit ang likod ko. May mas imamalas pa ba ang araw na ito? "Ouch," I cried in pain. Nakahalukipkip si Gino sa harap ko, kunot ang noo na para bang may ginawa akong masama. "Ano ba'ng ginagawa mo?" masungit na tanong niya. "Anong oras na?" tanong ko pabalik. I can't find my phone! Hinanap ko iyon gamit ang mata sa kung saan-saang parte ng kwarto pero wala. Paniguradong hinahanap na ako nila mommy. Hindi ko ugaling magpagabi ng walang pasabi. "Eight." "Ah?" Sinara ko agad ang bibig nang mapagtanto na medyo exaggerated ang reaksyon ko. "Nasaan ang cellphone ko? s**t!" Kagigising ko lang pero ang dami ko na agad problema. Una, gabi na at hindi ako nagpaalam sa mga magulang ko. Pangalawa, baka tumawag na ang mga iyon kay Alyanna at sure ako na sasabihin ni Alyanna ang totoo na hindi niya ako kasama. Pangatlo, hindi na ako nakapag-aral at matatambak na naman sa mga susunod ang dapat kong basahin. Pang-apat, hindi ko alam kung paano ako haharap kila mommy na ganito ang itsura ko. Panglima--- "Kumain na muna tayo bago kita ihatid sa inyo." Akmang tatalikod na siya nang bigla siyang huminto. "What are you doing here, by the way?" Inirapan ko siya. "Mukha bang alam ko? Nagising na lang ako na nandito--" "Sa subdivision, Miss," nahimigan ko agad ng iritasyon ang boses niya. Napakasungit talaga, eh, noh? Eh, kung tutuusin dapat ay magpasalamat siya. Bakit ba hindi niya tinitingnan ang anak niya? Hindi ko alam kung bakit sumama bigla ang pakiramdam ko nang malaman na may anak na siya. I feel like I am disappointed when I shouldn't be so. "Nag-aral ako sa may park." "Don't you have a house?" Salubong ang kilay na pinantayan ko ang intensidad ng tingin niya. He looks worried pero alam kong hindi. Malamang ay naiinis lang iyan dahil pakiramdam niya ay responsibilidad niya ang nangyari. It's true that he's responsible but it's not as if I'm asking him to take care of me. Kaya ko ang sarili ko. At isa pa, bakit ba ang daya ng tadhana, noh? Sa dami ng bata na maililigtas ay anak niya pa. "Meron. Mukha bang wala?" inis na sabi ko dahil hindi na talaga maganda ang mood ko. Pinilit kong tumayo kahit napapapikit na dahil sa hapdi ng kung saan-saang sugat. I walked past him. "Salamat." Natigilan ako. Agad na naglumikot ang mata ko at hindi na malaman ang gagawin. Nagsalita ba talaga siya o nag-i-imagine lang ako? I bit my lower lip. I must be dreaming. Sigurado ako na hindi niya iyon sasabihin. "At sorry sa nangyari." Walang pag-iisip na humarap ako sa kanya. Malambot na ang ekspresyon niya ngayon kumpara kanina. He's neither smiling nor frowning. He looks calm with a bit of guilt plastered on his face. "Hindi mo kailangang magpasalamat. Gagawin ko iyon sa kahit na sino. Ay hindi mo rin kailangang mag-sorry sa akin, mag-sorry ka doon sa bata. Muntik na siya masagasaan dahil sa kapabayaan mo." Bago ako tumalikod ay may nakita akong kislap ng luha sa mga mata niya. Tila may kumikirot sa puso ko nang makita ko ang ekspresyong iyon sa kanya. Sigurado ako sa pagkakataong ito na hindi ako nag-i-imagine lang ng kung ano-ano. Masyado bang harsh ang nasabi ko? Or did I... touch a hurtful past of him because of it? Napapikit ako sa inis dahil hindi ko talaga kayang umalis na lang at magpakain sa guilt. Humarap din ako agad sa kanya. "Sorry--" "Tara na sa baba," malamig na sabi nito at nilagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas siya ng kwarto. Likod niya lang ang nakikita ko at base sa tono niya kanina... Alam kong may nasabi ako na hindi dapat. I felt bad. Bahay niya ba ito? Simple lang ang ayos, hindi sobrang laki pero malaki na rin para sa kanila ng anak niya. Or dito rin kaya nakatira ang parents niya? How come na ngayon ko lang nalaman na sa kabilang subdivision lang sila? "Hello po!" I gulped. Pinakalma ko agad ang sarili dahil biglang lumakas ang t***k ng puso sa gulat ng bigla na lang sumulpot sa harap ko ang bata. He gave me a sweet, child-like smile. Ilang taon na kaya siya? Ngumiti ako pabalik at umupo sa kanyang harapan. Bagaman nakaka-disappoint na malamang may anak na si Gino, alam ko naman na blessing para sa kanya ito, at isa pa, napaka-charming ng anak niya. Nasaan kaya ang mommy niya? Working? O hiwalay sila? "Hello, baby. Ano'ng name mo?" Gusto kong kurutin ang pisngi niya, medyo chubby ito at talagang cute. His eyes are small, u-huh? Hindi ganito ang mata ni Gino, sa nanay niya siguro namana? Aside from the eyes, every single thing is a xerox copy of Gino. "Xander," sagot nito na hindi ko pa masyadong naintindihan noong una. "Four years old." I chuckled. "Ang gwapo naman ng pangalan mo." "Xan..." Sabay kaming napalingon ni Xander sa may baba. Nasa dulo pa lang kami ng hagdan na dalawa at dinig na dinig ang pagtawag ni Gino. Mukha ngang hindi sobrang laki ang bahay nila. I wonder why. Tingin ko ay sa mayamang angkan galing si Gino, bagaman hindi pamilyar sa akin ang pamilya niya ay nasisiguro ko iyon dahil sa mga gamit niya. Cars, clothes, watches, and even his expenses. Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni Xander. His small hand is very soft. Mas maputi pa siya sa akin, which I actually find cute. "Tara na. Hinahanap na tayo ng dada mo," sabi ko. Humakbang ako pero hindi siya sumama kaya napalingon ako sa kanya. Nag-puppy eyes ito sa akin. "Sorry po," anito at mas lalong nagpa-cute sa harap ko. Alam ko na ang tinutukoy niya ay ang mga sugat ko, it's quite visible. Nagkalat ba naman sa buong katawan ko. Inutusan kaya siya ni Gino na mag-sorry? I don't think so though. Kids are more genuine than adults. Looking at him right now, breathing and fine, I know I made the right decision. Masakit ang mga sugat ko pero ayos lang. What matters is I keep him safe. "Ayos lang iyon. Basta sa susunod ay 'wag kang lalabas ng bahay na walang kasama, ha?" Tinaas-baba niya ang kanyang ulo. "Tara na?" Tumango siyang muli kaya magkahawak ang kamay na sabay kaming bumaba. May mga nakahain ng pagkain sa mesa nila nang dumating kami. Gino looked at me. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak sa anak niya. Nag-iwas ako ng tingin. Ang swerte niya dahil may ganito siyang anak pero hindi ko maintindihan kung bakit kumikirot ang dibdib ko. Maybe because he's not someone I thought he is? Or maybe... Umiling-iling ako. There's no way I have a crush on him. "What's wrong?" Akala ko ay si Xander ang tinatanong niya pero hindi. Nakadirekta ang mata nito sa akin, as usual, kunot ang noo. "Ah?" I chewed my lower lip before answering, "Wala." "Let's eat. Xan, come here." Umupo ako at humarap sa kanilang kumain. Nagugutom ako kanina pero ngayon na kaharap ko sila ay mas gusto ko na lang silang panoorin. Ganito pala siya sa anak niya? Hinahayaan niyang sumubo ito mag-isa pero nakaalalay siya. May sariling upuan si Xan sa bahay niya at maya't maya siyang nakaabang sa kailangan ng bata. He is, indeed, a father material. "Hindi ka ba kakain?" Naiilang akong nagbaba ng tingin sa pinggan ko na isang subo pa lang ang nabawas. I find it awkward but also... comforting. Pagkatapos kumain ay hinatid ako ni Gino gamit ang sasakyan ko. Lumunok-lunok ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi naman kami magtatagal na magkasama dahil sa kabilang subdivision lang kami pero hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang bagal ng oras ngayon. Will he be mad that I already know his secret? "Masakit pa ba?" Will he be mad because-- "Ah?" gulat akong humarap sa kanya. Sumulyap siya sa akin ng ilang segundo bago ibinalik ang tingin sa daan. "Your wounds and scratches," anito. "Does it still hurt?" Nilaro-laro ko ang daliri na nakapatong sa aking hita. Nanlalamig ako but at the same time, pinagpapawisan. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Dala ba ito ng aksidente kanina? Did I hit my head or something? "Cheska?" "Ah?" Kinurot ko ang sarili. Damn. Bakit ba kanina pa ako wala sa sarili? "Sorry, ano iyon?" Nagbuga ito ng hininga. Napipikon na siguro sa akin dahil kanina pa lumulutang ang isip ko. "I'm sorry..." Nanigas na ako ng tuluyan sa narinig mula sa bibig niya. Am I hearing things? Or did he really... "Xan was so excited to go to the park that he couldn't wait for me to arrive. Hindi ko alam na lumabas na siya ng bahay mag-isa. I'm sorry for what happened and also, thank you. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kanya." Saktong pagtatapos ng salita niya ay huminto ang sasakyan ko sa tapat ng bahay namin. Tinanggal ko ang seatbelt at ganoon din siya at sabay kaming bumaba. "I'll talk to your parents--" Lumaki ang mata ko at agad nataranta. Umiling-iling ako ng maraming beses. "No!" I pursed my lips after shouting. "Uh, sorry, pero 'wag na. Hindi naman na kailangan." "Kasalanan--" "Hindi, ako ang may gawa nito. Isa pa, gabi na, umuwi ka na rin at baka wala ka ng masakyan mamaya. At... baka natutulog na rin sila mommy kaya..." "Alright then." Hinintay ko siyang makasakay ng taxi bago ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Damn. Magagalit sina mommy at daddy panigurado pero alam ko na maiintindihan din nila. "Let's go to the hospital, Cheska!" I knew it. Exaggerated panigurado ang reaksyon nila. "Let me see..." My mom is crying as if na-diagnosed ako ng cancer. "Oh my, poor baby..." Hindi sila natahimik na dalawa kaya maski gabing-gabi na ay nagpatawag pa sila ng doktor na gagamot ng mga sugat ko. Ako pa ang nahihiya dahil hindi naman na kailangan no'n. Nilinisan niya lang iyon ulit at binigyan ako ng pain reliever kung sakali raw na hindi ako makatulog sa sakit. True, it actually hurts. Mahapdi siya lalo na kapag nahahawakan pero may pain reliever naman kami rito sa bahay. "I'll talk to your teacher. Dapat ay dito ka lang muna sa--" "Mom!" pigil ko sa kanya. "I'm not dying, okay?" "But..." "It's manageable, mom. Bukas o sa susunod ay wala na rin ito." Niyakap ako ni daddy pero maingat din dahil baka may mahawakan siya na sugat ko. "I'm proud of what you've done. But next time don't do something that will scare the hell out of your mom and I, hmm?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD