Comfortable jeans and sweater is my outfit the next morning. Sinadya kong magsuot ng balot na balot na damit para hindi kita ang mga sugat ko. Buti na lang at medyo hindi rin maganda ang panahon at mukhang uulan pa mayamaya kaya hindi na weird tingnan.
"Sigurado ka bang papasok ka?"
Sigurado rin ako na pang-limang beses niya ng naitanong sa akin iyan ngayong umaga. Nangingiti si daddy sa gilid pero kita ko rin sa mata niya ang pag-aalala. Ngumiwi ako sa sakit nang tumama ang sugat ko sa may hita sa paa ng mesa. Damn.
"Ako na ang mag-e-excuse--"
"Mom," pigil ko. "Ayaw kong may ma-miss na class. Saka isa pa, uupo lang naman ako roon. Hindi naman ako tatakbo o magsasayaw. Promise, I can manage."
Nagtinginan silang dalawa, tila tinatantiya kung ano ba ang dapat gawin. I made up my mind though. Katulad ng sinabi ko ay ayaw kong may ma-miss na klase lalo na at exam na next week. As long as I can walk, write, and listen, then there's nothing wrong.
"Ihahatid na kita."
Hindi na ako nagreklamo pa sa sinabi ni dad. Bukod sa on the way naman talaga ang agency namin sa university ko ay hindi rin naman ako makaka-drive ng maayos.
"Kaibigan mo ba yung tumawag kagabi?"
"Hmm?" Nagsalubong ang kilay ko habang iniisip kung sino ba ang tinutukoy niya.
"Kagabi. May tumawag, lalaki. Kapatid ba iyon nung bata na tinulungan mo o kaibigan mo?"
"Ah..." Gino called them? Hindi niya man lang sinabi sa akin. "Schoolmate, dad. As for the kid, hindi ko po alam kung kapatid niya."
It's his son.
But it's a bit awkward to say it to my dad.
"Hindi mo alam?"
"Hindi naman kami close, dad."
"Mabuti at tumawag siya kung 'di ay tumawag na kami sa pulis."
I know. And I owe that one to him.
Pero paano niyang nabuksan ang phone ko? May password ako!
"Ano'ng sinabi niya sa inyo?" tanong ko, bahagyang kinabahan.
"May nangyari raw at hindi ka makakauwi agad dahil nakatulog ka pero ihahatid ka rin naman. He just called for us not to worry. He apologized afterwards. Sincere naman siya habang sinasabi iyon kaya..."
So, he really called them? Naisip niya pa iyon?
Saktong paghinto ng sasakyan sa tapat ng university ay siya ring pagbuhos ng malakas na ulan. Darn it! Hindi man lang ako pinaabot sa classroom. I left my umbrella.
"Bye, dad," paalam ko at nagmamadaling lumabas upang takbuhin ang distansya ng sasakyan at ng guard house.
Nasa pangalawang paghakbang na ako nang may humawak sa siko ko at pinigilan ako sa pagktakbo. It felt like a slow-motion moment. Halos nabingi ako at ang tanging pagpatak lang ng ulan ang naririnig. Sa una ay hindi ko agad nakilala kung sino ang humawak sa akin.
But when I adjusted my sight...
"Baka madulas ka, 'wag kang tumakbo," anito.
Napapaso kong inihiwalay ang braso sa kanya. Hindi na ito maganda. Why do I keep on spacing out in front of this guy?
May kinuha siya sa bag niya at inilabas ang isang payong. Binuksan niya iyon sa harapan ko at inilagay sa kamay ko at walang sabi-sabi na iniwan ako roon.
What just happened?
"Cheska, pwede makipayong?"
Tinanguan ko ang kaklase. Lutang pa rin ang isipan ko sa nangyari. That's Gino, right? Or not?
Am I seeing things? Pero hindi, eh. May payong akong hawak na siyang ibinigay niya kanina.
Tss. Bakit sa mga drama sabay dapat kayo at iisa lang ang payong? Lihim akong napangiti, why is everything about him so unique and amazing? Dapat ay naiinis ako sa kanya, after all, he's responsible for the accident. Pero bakit parang hindi iyon ang kaso ngayon?
I shook my head. This is not good.
Dumiretso ako sa cafeteria nang dumating ang lunch break. Balak kong bumili ng pagkain at bumalik sa dati kong spot, sa likod ng building. I don't want to have Gino around, at least for a moment. Hindi ko alam kung ano bang sumapi sa akin at lagi na lang akong nagmumukhang tanga sa harapan niya. Too much embarrassment isn't so good.
"Ches!" Napapikit ako nang marinig ang boses ni Alyanna.
Come on, girl, not now.
Awkward akong pumihit paharap sa kanya, kakakuha ko lang ng pagkain at paalis na ako ng cafeteria. Sa likod niya ay sina Gino at Justin na may hawak ring mga tray ng pagkain.
"Hi," I greeted awkwardly. Napapikit ako at kinagat ang ibabang labi nang maramdaman ang hapdi sa bandang likod ko.
Nagsalubong ang kilay ni Alyanna. Si Justin ay matamang nakatingin sa akin na may nanunuring mga mata. Ang katabi naman nito na si Gino ay, as usual, kalmado lang at tila walang karea-reaksyon sa mga nangyayari. Yung tipo ng tao na sumama lang para masabing nandito pero wala talagang pakielam. That's his reaction right now.
Naalala ko na naman ang payong kaninang umaga. Hinihintay niya ba na ibalik ko iyon? Naiwan ko sa room at balak ko ibigay na lang mamayang uwian kaya hindi ko na lang din muna ipapaalala sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Alyanna asked. "Doon ang table natin."
"Uhm..." Sinulyapan ko ang daan palabas ng cafeteria. May mga pumapasok at lumalabas na mga estudyante, some just finished their lunch, some were just about to eat theirs.
"Gusto ko sa mas tahimik na lugar. Doon muna ako sa dating pwesto. Enjoy your lunch."
"Ha?" She looks worried. "Samahan na kita--"
Iniling-iling ko ang ulo. Ayaw ko naman maging sagabal sa kanila ni Justin. I know she wants to hangout with him, or just talk over lunch.
"Hindi na. Ayos lang. Una na ako, medyo nagugutom na rin ako, eh."
"Sure ka?" I smiled at her.
Sanay na rin naman ako kumain na mag-isa. Hindi naman big deal iyon. At mas makakakain ako nang maayos kung wala si Gino. I want to keep my mind and my heart at peace.
"Ako na lang ang sasabay sa kanya."
Nanginig ang kamay ko at agad na nanlamig. The next thing I knew, Gino is already one step ahead of me. Humarap ito sa akin at nagtaas ng kilay.
"Let's go," anito na para bang inuutusan pa ako na maglakad na.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "What's wrong with you?" I mouthed. Hindi ko lang alam kung naintindihan niya ba.
"Hindi ko alam kung saan ang dating pwesto na tinutukoy mo, baka gusto mong ituro ang daan?"
"Gino, you don't really have to join--"
"Para maiba naman."
And he's quite talkative today, too.
Wala na akong nagawa at dinala na lang siya sa usual spot ko. May mangilan-ngilan na napapadaan doon pero mabibilang lang sila sa isang kamay.
Ibinaba ko ang pagkain sa mesa at ang bag sa isang upuan. Kaswal niyang ibinaba ang kanyang pagkain at maski ang kanyang dalang gamit. Komportable siya sa pwesto niya na parang sanay na sanay sa ganitong lugar. Ngumuso ako. Bakit ba ako lang ang nakakaramdam ng awkward air sa pagitan namin?
"Hindi mo naman talaga kailangang--"
He cut me off. "Kumusta na ang mga sugat mo?"
Naghiwalay ang baba at taas na labi ko sa tanong niya. Nagtaas siya ng kilay, nag-aabang ng sagot. My heart is beating rapidly and I can almost hear it betraying me.
"M-masakit pa rin pero ayos lang naman..."
"Nilinisan mo ba?" Binuksan niya ang bag niya at may inilabas ulit mula roon na nakaplastic. "You should apply this cream on the areas before you sleep."
Nagtataka ko siyang tiningnan. Pakiramdam niya ba talaga ay responsable siya sa nangyari? Well, he should be, but...
"Hindi mo naman kailangang bumili ng ganito pero salamat."
Tumango siya. "Kumain na tayo."
I can't believe I'm eating with the one and only, Gino Sanderson, at my usual spot. Pakiramdam ko tuloy ang haba ng buhok ko kahit wala naman talagang dapat ibigay na meaning dito.
"Kumusta pala si Xander?" pang-uusisa ko sa gitna ng pagkain namin.
"Fine," malamig na sabi nito. Ang ikli niya sumagot kapag tinatanong pero kapag hindi mo naman kinakausap ay ang daming sinasabi.
Or ayaw niya ba na pag-usapan namin yung tungkol kay Xan?
"P'wede bang magtanong?" He signalled me to go on. "Are you bribing me so I won't tell anyone about the kid?"
Muntik niya nang mailabas ang pagkain sa loob ng bibig kaya agad ko siyang inabutan ng tissue. Nakakagulat ba iyon? O nagulat siya dahil alam ko ang pakay niya? I knew it. He's here to bribe me. Kaya siya sumabay kumain at kaya rin niya ako binilhan ng cream o kung ano mang gamot iyon.
Hindi naman kailangan though. Wala naman akong balak ipagsabi iyon. I respect his privacy.
"No," sagot niya matapos magpunas ng tissue. "But I'd appreciate it if you will keep it private."
"Madali lang naman akong kausap. Four years old na siya, hindi ba?"
He smiled. "He said that?" Ngayon ko lang nakita ang ngiting iyon. Ibang ngiti iyon sa ngiti na pinakita niya noon sa mga bata sa facility. "Mag-fo-four siya this year pero tatlong taon pa lang siya."
"Oh."
Bahagya akong natulala sa sinabi niya. Kung ganoon, highschool pa lang siya noon? Woah! Medyo maaga nga siyang nagkaanak. Where is Xan's mother? Naghiwalay nga kaya sila?
Hindi na siya nagsalita o nagkwento pa sa buhay niya kaya hindi na rin ako nang-usisa pa. We ate in silence and parted ways afterwards. Akala ko ay tahimik na ang buong araw ko pero kabaliktaran ang nangyari.
"Si Gino ang kasama mong kumain kanina?"
Sinulyapan ko lang si Monica at hindi na nagbalak na sagutin ang tanong niya. Alam kong kakalat agad iyon sa buong university. Hindi ko nga lang alam kung paano haharapin o sasagutin ang mga tanong nila.
Are we friends already? Hindi ko alam.
Ano bang relasyon ang mayroon kami bukod sa partner kami sa isang special project?
Dahil ba may alam ako tungkol sa kanya ay consider na iyon as magkaibigan kami?
Hindi ko talaga alam. Ayaw ko mag-assume at ayaw ko ring magtanong. It's better to keep things private, especially those things you are not sure about.
"Oo nga, girl, sabay sila kumain kanina."
"At ito ang chika, si Gino talaga ang nagkusa sumama sa kanya na kumain doon sa likod ng building. Hindi naman ganoon ang usual na ugali ni Gino."
"So, sila na nga?"
Huminto sila sa pag-uusap-usap tungkol sa amin nang masulyapan akong nakatingin sa gawi nila. Sigurado ako na mga first year ang mga ito, hindi ko lang sigurado kung anong kurso.
They gave me a fake, awkward laugh.
"Hello, ate Cheska!"
Ngumiti ako sa kanila at hindi na ginawang big deal pa iyon. Baka may masabi lang ako na mas mapalalo ang issue.
Dumiretso ako sa shop nang dumating ang uwian. Inaasahan ko na nandoon sina Justin at Alyanna pero iba ang naroon ngayon. Gino is there, sipping a drink from a well-known tea shop not too far away from our university.
Halata ang gulat sa mukha niya nang makita akong pumasok.
"Nasaan sila Alyanna?" tanong ko.
He shrugged. "Kararating ko lang din."
Ibinaba ko ang bag ko sa gilid at saka naglakad-lakad. Malapit na matapos ang shop. Magwawalis na lang at magpupunas. Nakaayos na ang mga furnitures. Ang mga binili naming supplies ay kumpleto na rin pero nakalagay pa lang sa mga kahon. So far, everything's doing well in here. Mabuti na lang din at tumulong sila Alyanna or else baka matagalan pa rito.
Hinayaan ko lang siya na mag-laptop doon habang umiinom ng milk tea. Hindi ko alam kung ano ang trip niya at dito pa siya naggagawa ng kung ano mang ginagawa niya. Nakanguso ako habang nagwawalis. Akala ko naman ay tutulong siya maglinis.
"Tapos ko ng i-lay out ang logo at para sa tarpaulin. Check it out."
Ibinaba ko ang walis at lumapit sa kanya. Inayos niya ang screen ng laptop at iniharap sa akin. Lumapit ako lalo sa kanya at hindi sinasadyang maamoy ito. He smells like a woody, fresh fragrance something. Yung amoy na para kang nasa mountains tapos may view na dagat at masarap ang ihip ng hangin? That kind of scent. Very natural, very simple, and very...
"Nag-edit din ako ng iba pa para may pagpipilian. Check this--"
"Hindi na," mabilis kong sagot at tumuwid ng tayo. Nakatayo kong tiningnan ang disenyo. Wala namang mali roon at mukhang ayos na. The design is pretty nice and simple, attractive din. Sosyal ang pagkaka-design ng logo, nahiya naman ang mga naunang edit ko.
"Huh?"
"Ayos na iyan. I-send mo na sa gagawa ng tarpaulin para matapos na at mailagay na rin natin." I gulped. Naiilang akong nag-iwas ng tingin dahil sa mapanuring tingin na iginagawad niya sa akin. "Tatapusin ko lang magwalis at uuwi na rin. Hindi ka pa ba uuwi?"
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at agad lumayo sa pwesto nito.
"She's weird," he mumbled which I clearly heard.