"Gino, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Justin sa kaibigan.
It's Saturday. Balak namin na mag-overtime ngayon sa pag-aayos dito sa shop para makapagpahinga na bukas at makapag-review sa kanya-kanya naming exams next week.
Justin looked away when I glanced at him.
"Ah, marami kasing gagawin si Gino, Cheska. Pero ikaw rin, p'wede ka naman ng umuwi, ako na lang ang tatapos--"
"Alam niya na."
"Ha?"
Ngumiti ako kay Justin at nagtaas-baba ng ulo. Wala si Alyanna ngayon dahil may family reunion pero dumaan siya kaninang umaga. Tatlo lang kami na nandito. Honestly, pwede naman na talagang umuwi dahil tapos naman na ang mga trabaho rito. Mag-di-display na lang ng mga items. Dumating na rin kasi ang coffee machine at ilang equipments na binili namin. All in all, kumpleto na ang lahat. Mag-de-design na lang para sa opening at yung tarpaulin ay hindi pa nakukuha.
"Alin?" Justin looks confused.
"Xander," tipid at kalmadong sabi ni Gino.
Mula rito sa pwesto ko ay kitang-kita ko kung gaano ka-OA ang pagbuka ng bibig nito. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Justin sa amin ni Gino.
"P-paanong..."
Natawa ako sa reaksyon niya, para kasi siyang nakakita ng multo o nakarinig ng himala. Pumasok ako sa CR at naghugas ng kamay. Pagkalabas ay kinuha ko na ang mga gamit ko.
"Umuwi na rin kayo." Humarap ako kay Gino. "Lalo ka na at may naghihintay sa'yo."
Tumalikod ako at ngumiti nang hindi nila nakikita. Bago ako makalabas ng shop ay narinig ko pa ang boses ni Justin.
"Teka, t-talaga bang alam niya na? Sinabi mo? Seryoso ka ba diyan, Gino?"
Doon ko nakumpirma na balak nga nila talagang isikreto ang bagay na iyon. They successfully did it though. Fourth year na kami at hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam ng tungkol sa anak niya.
Sabay-sabay kami nag-dinner nila mommy at hindi sinasadyang mapunta ang topic namin sa mga ka-edad ko na may mga asawa na. I remember Gino, he has a child already. Was it really hard to raise a kid?
"I would like to ask something, Mom, Dad..."
"Ano iyon?"
"Kapag ba... well, I have this friend..." Damn. I promised not to tell anyone. Pero counted ba ito? "Kapag ba nagkaanak kayo after highschool graduation, itatago niyo? I mean... what if, single parent kayo? Or like baka makasira sa image niyo yung bata, or baka hindi rin okay na ma-expose yung bata sa mga tao lalo na at ang daming chismosa sa paligid. Would you rather keep it a secret? Having a child?"
Nagkatinginan silang dalawa. Mom raised a brow at me afterwards.
"Are you pregnant, Cheska?"
"What?"
"Or do you have a boyfriend that has a child?" si Daddy naman iyon.
Napatampal ako sa sariling noo. Minsan ay nagpapasalamat ako na malalim sila mag-isip pero sa pagkakataong ito ay nakakainis iyon. Kaya ayaw ko na lang din magtanong minsan, eh. They always relate it to me or to whatever love-something-thingy.
I quickly denied it before they can add something.
"Hindi ako. Actually, napag-usapan lang namin ng kaibigan ko--"
"Oohh!!" Tumayo pa si mommy at nagtakip ng bibig gamit ang dalawang palad. "Buntis si Alyanna?" eksaherada niyang tanong na literal na pataas pa ang tono.
Halos mapigtas ang hininga ko sa mga oras na iyon. Ang bilis ng t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay aatakehin ako sa ginawa niya. Napapikit ako ng mariin.
"Nevermind."
Dad gave me a serious look, para bang may alam siya tungkol sa akin na maski ako ay hindi ko alam. You know, that weird feeling na para kang may tinatago at natatakot kang malaman nila kahit wala naman talaga.
"It was hard to be a parent, Cheska, more so a single one," ani daddy. "Should you announce it publicly or not, it doesn't matter."
Really?
Maski ba mayaman ka ay mahirap pa rin magkaroon ng anak?
Curiosity is killing me. Aish!
Wala sa sarili na bumalik ako sa park kinabukasan. Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin at dito ko pa talaga binalak mag-review, like after what happened? Weird pero...
Here I am.
Maganda ang panahon ngayon, hindi maaraw at hindi rin naman makulimlim, medyo mahangin nga lang. Ibinaba ko ang laptop sa may bench bago umupo at pumikit, marahang dinama ang hangin na malayang dumidikit sa balat ko. It is indeed a beautiful day.
Pagmulat ko ng mata ay muntikan na akong atakihin sa puso. Inayos ko ang sariling paghinga bago muling tiningnan ang bata sa aking harapan.
Guess what?
Oo, siya nga. Gino's son is in front of me, looking like a kitten who forgot his way home.
"Hello po," magiliw niyang sabi at ikinaway pa ang kamay sa tapat ng mukha ko.
Humawak ako sa bandang dibdib saka luminga sa paligid. Nasaan na naman ba ang tatay nito? Tss.
"Xander-- Cheska?"
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking hinihingal na huminto sa tapat namin. Nagulat din ako na sa halip na si Gino ay si Justin ang nasa harap ko.
Itinungko niya ang dalawang palad sa magkabilang tuhod at saka inayos ang paghinga. Tumakbo ba siya?
"Sabi ko sa'yo na 'wag kang aalis doon, 'di ba?" His tone doesn't look like he's mad though. Marahan ang pagkausap niya na para bang babasaging bagay ang kaharap.
Of course, he shouldn't shout at the kid.
"Ikaw ang kasama niya?" tanong ko kay Justin.
Umupo si Justin sa damuhan. "Oo. May nilakad si Gino." Tumingin siya sa akin. "Bakit ka pala nandito?" Lumipat ang tingin niya sa bag at laptop na dala ko. "Dito ka mag-aaral? Seryoso ka ba?"
"I used to study here. Bakit?"
"Ah..." Tumango siya pero kunot pa rin ang noo, tila nagtataka na nawe-weirdo-han sa akin. "Nakita ka yata kaya tumakbo rito," tukoy niya kay Xan.
"Hello, baby," I greeted the kid.
His baby teeth are so cute!
"Play!"
"Ah?" Pinanlakihan ko ng mata si Justin. I'm not here to play. Nandito ako para mag-aral kaya--
"Oh, bakit? Play daw kayo," anito.
What the heck!? Hindi niya man lang ba nakuha ang gusto kong sabihin?
Tinuro ni Xander ang swing na hindi kalayuan sa pwesto namin. "Du...yan..."
Pasimpleng humagikhik si Justin kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Paano ba iyan? Ikaw na muna ang magbantay diyan at magluluto pa ako."
"I have to study," mariing sambit ko sa mahinang tinig upang hindi marinig ni Xander.
"Oh?" Ngumisi siya. "Amin na ang mga gamit mo at ilalagay ko muna sa bahay ni Gino. Pakihatid na lang si Xan mamaya..." I was about to say something when he spoke again. "Lulutuan ko kayo ng lunch. Magaling ako magluto--"
"Oh my gosh, no! Justin--"
"Xan, punta na kayo ni ate Cheska mo sa may duyan."
Ha! Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon. Did he just tricked me? I was supposed to study... Damn it.
Bakit ba dito ko pa kasi naisipan--
Huminto ako sa pag-iisip nang may maliit at malambot na kamay na humawak sa palad ko. It was as if his hold warms a part of me. Nakatingala ito sa akin at nakangiti. Wala sa sariling ngumiti ako pabalik sa kanya. I guess it's true, nakakahawa nga ang ngiti ng bata. That's why they are the light and happiness in one's home.
"Lagi ka bang naglalaro rito?" tanong ko matapos ko siyang maipaupo sa may duyan. Gusto ko rin maupo sa kabila kaso natatakot ako na baka malakasan nito ang pagduyan at malaglag. I might as well stand beside him.
Habang tumatagal ay mas lalo kong napapansin na kahawig nga nito si Gino. Paano kaya si Gino sa anak niya? He's cold to almost everyone, how... like how can he make his child laugh and giggle? Are they getting along well?
"Tito brings me here po."
Tito? Is he referring to Justin?
Pwede kaya akong magtanong ng tungkol sa mom niya?
"Close ba kayo ng Tito Justin mo?"
Maybe it's the reason kaya close na close sina Justin at Gino? Because Justin knows Gino's secret?
"He buys me chocolates and play with me," anito na medyo bulol pa sa ibang salita. "May playmate ka rin po ba?"
"Ah?" Sinikop ko ang buhok at saka tinali. It's becoming more and more windy. "Wala, eh..."
Because I'm no longer a kid to play.
Nagulat ako nang bumaba ito sa duyan, agad akong umalalay sa pag-aakalang nalaglag siya. He stood up in front of me and I have no choice but to sit in front of him. Nakakangawit naman ang yumuko upang matingnan siya at ganoon din ito, nakakangawit na tumingala sa akin.
"Ako na lang playmate mo," bibong-bibo na sabi nito sa harap ko.
I wonder what he'd call me. Tita? I shrugged away the thoughts. Hindi naman kami magkaibigan ni Gino at isa pa, baka mabwisit lang iyon kapag nalaman niyang iniwan sa akin ni Justin ang anak niya.
"Baby, ang nag-p-play na lang ay ang mga bata, kagaya mo. At ako, matanda na ako to have a playmate."
His pokerface reminds me of someone. Mas lalo silang nagiging magkamukha kapag seryoso itong si Xander.
"But Tito Justin plays with me, too. And other kids won't play with me."
Kinagat ko ang ibabang labi. May nasabi ba akong mali? Masyado ba akong harsh as an adult? I don't know. Hindi ako sanay makisama sa bata lalo na at ako ang bunso sa pamilya.
I don't know what I am doing...
"How about let's sit here and talk." I gave him a big smile. "Ano'ng gusto mo paglaki mo?"
He seems interested with the activity I'm giving. Umupo ako at sumunod siya.
"Gusto ko po yung nagda-drive ng car."
"Oh, you love cars?"
"Opo! Marami akong toy cars sa kwarto. Mahilig din po kayo sa cars? Ay! Pang-boy lang pala iyon."
I chuckled. "Actually, may car ako. So, ano'ng favorite mo na car?"
"Basta po yung malalaki para hindi ako matatalo kapag may bumunggo sa akin."
I laughed so hard that I almost forgot that my company is a kid.
Kung saan-saan napunta ang usapan namin. He loves cartoons, too, which is reasonable since most of kids do.
Lumalakas na ang hangin at may halo ng ambon. Tumayo ako at nagpagpag ng pantalon saka siya tinulungang tumayo.
"Umaambon na, baka magalit ang dada mo kapag nabasa ka."
Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami papunta sa sasakyan ko. I opened the passenger seat for him before I turn to the other side and sat on the driver's seat.
Pumalakpak siya habang manghang tiningnan ang kabuuan ng sasakyan ko.
"Ang ganda po ng car niyo!"
Ginulo ko ang buhok niya at inayos ang seat belt nito.
"Paglaki mo makakabili ka rin ng sarili mong car."
"Kapag big boy na po ako?" I nodded. "Gusto ko yung malaking car para maraming sakay."
Ngumiti ako pero agad nawala ang ngiti nang maalala na hindi ko alam kung saan ang bahay nila Gino. I'm sure it's somewhere around but I don't know where it is exactly.
Wala akong mapagtanungan dahil walang katao-tao sa daan. It's exactly why I want to study here, tahimik kasi ang paligid, mistulang walang nakatira hindi katulad sa subdivision namin na maingay.
"Xan--"
I stop midway. How could a three-year old (turning four) know the way from the park to their house? Ako nga elementary na no'n ay hindi ko pa alam.
I hesitated but I have no choice. Wala akong numero ni Justin kaya si Gino ang tinawagan ko. Sinagot niya sa pangatlong ring.
"Hello, Gino? Sorry sa istorbo pero p'wede bang ituro mo yung daan papunta sa bahay niyo."
(Bakit?)
"Kasama ko si Xander. Ihahatid ko na sana dahil mukhang uulan na."
(Hindi ba't si Justin ang kasama niya?)
"Yeah, well, mahabang kwento. Just tell me the direction please."
I heard him sigh from the other end before giving me the direction. Madali lang naman sundan iyon lalo na't malapit lang siya talaga sa park.
Bumaba ako ng sasakyan kasama si Xander saka nag-doorbell. Justin, in his apron, opened the gate for us.
"Bakit umuwi na kayo agad?"
Itinuro ko ang langit. "Baka umulan."
"Huh? Ambon lang iyan."
Tiningnan ko siya ng masama. "Ayaw mo lang yata na umuwi kami, eh."
"Hindi, ah. Pero teka, buti natandaan mo yung mismong bahay ni Gino?"
"I called him."
"HA?" Literal na napanganga ito sa sinabi ko. "Sinabi mo sa kanya?"
Pinaningkitan ko siya ng mata. Looks like he will have his fair share of sermon later. Aba! Dapat lang. Kung ako si Gino ay magagalit din ako. Paano kung may masamang mangyari kay Xander? Not that I have a motive but what if?
"Nakaluto ka na?"
Tulala lang siya habang naglalakad kami papasok sa babay. Pasimple kong pinupuri sa isipan ang bakuran ng bahay ni Gino. The grass, plants, beautiful pots, and even the landscapes. Maayos ang lahat. Simple pero kaaya-ayang tingnan. Exactly like how his house is.
"Bakit hindi na lang ako ang tinawagan mo?"
"Duh! Hindi ko alam ang number mo."
"You should have asked Alyanna."
"No thanks. Pahihirapan ko pa ba ang sarili ko?"
"Patay ako kay Gino," bulong nito sa sarili na malinaw kong narinig.
I laughed at the back of my mind. That's what he gets for making me a babysitter.