Seventeen

2127 Words
"Sino mas magandang kalaro? Ako o si Cheska?" "Cheska has a cool car, tito." Nagulat ako na pangalan ko lang ang binanggit niya. Wala man lang 'ate' o 'tita'. "May sasakyan din naman ako, ah," ani Justin na ayaw magpatalo. "She has a better car," medyo hindi ko naintindihan noong una ang sinabi ni Xander pero nang luminaw iyon sa pandinig ko ay natawa ako ng malakas at inasar pa si Justin. "Ilang minuto lang kayo nagkasama, pinagpalit mo na ako." He's so childish. No wonder siya ang pinag-aalaga ni Gino, no wonder siya ang playmate ni Xander. I laughed at my own thoughts. "And also, Cheska is my savior." Nagulat ako sa sinabi niya. I turned to him and he just looks as innocent as always. Hindi ko alam kung bakit may kakaibang saya ang dulot ng sinabi niya sa akin. Hearing from someone that I am his savior makes me feel like... I have a purpose. Lately, kahit hindi ko gusto ay nagkakaroon ako ng mga self doubts. Especially when it comes to studies, pakiramdam ko, actually hindi pakiramdam eh, nakukulangan ako sa performance ko. When it comes to dream, parang ang simple lang ng akin, wala ba akong pangarap na pangarap talaga? Why it feels like I have no purpose in here? That I was just here to live. Earn money, eat good food, sleep, and go on. A never-ending cycle that I don't know if I am living my purpose. Pero ngayon na sinabi niya ito, pakiramdam ko ay nasaksakan ako ng panibagong baterya. Ngumiti si Justin nang magtama ang mata namin. "Really? Cheska is your savior?" "Yes! She's like an angel." "At saan naman galing 'yang ideya na iyan?" He wore a smug look on his face, looking so proud yet so cool at the same time. "Dada!" May sumilay na ngiti sa labi ni Justin, para bang inaasahan niya na iyon. Pero hindi ako naniniwala. I doubt Gino would say that. Baka nga natuwa siya sa ginawa ko o na-appreciate niya iyon pero... For him to say that to his kid? I mean... wala namang mali roon pero... "Don't get fooled by how he is in front of people. I know Gino for the longest time... at sigurado rin ako na sinabi niya nga iyon." Sabay-sabay kaming lumingon na tatlo sa entrada ng kusina nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Tumingin ako kay Justin at kitang-kita ko kung paanong nawala ang ngisi sa kanyang labi. "Bakit mo iniwan si Xander kay Cheska!?" Pumaibabaw ang boses nito sa kusina. Hindi pa man niya kami nakikita. "Si Xan ang sumama sa kanya," palusot ni Justin. "Kahit itanong mo." Natigilan si Gino nang makita kaming dalawa ni Xan na nakatingin sa kanila at nakikinig. Hindi niya ba napansin ang sasakyan ko sa labas? "You're still here," mahinang sambit nito na mukhang hindi nga inaasahan ang presensya ko. Naka-suit ito, very formal ang attire at maayos ang pagkakasuklay ng buhok. Indeed, mukha siyang businessman. Or is he? Wala akong alam tungkol sa kanya kaya hindi ko rin alam kung saan siya kumukuha ng pera. I never heard a single thing about his parents. Working student ba siya? O baka nag-a-apply pa lang kaya ganyan ka-pormal ang suot niya? Kinagat ko ang pisngi ko sa loob at nagbaba ng tingin. Hindi ko alam kung dapat ba na umalis na ako. "Nandito ka na lang din naman," ani Justin kay Gino. "Sabay-sabay na tayong kumain." Tumayo ako. "Mauuna na ako." "Hindi ka pa kumain," Justin spoked. Ngumiti ako para ipaalam na ayos lang. "Baka hanapin na rin ako sa bahay. I'll go now." "Kumain ka muna." Natigilan ako at hindi agad nakasagot sa sinabi ni Gino. Nang tumingin ako sa kanya ay agad ko ring iniwas ang mata dahil may kakaibang intensidad sa mga mata nito na hindi mo makakayanang matitigan. Isa pa, hindi pa tuluyang nawawala sa isip ko ang sinabi ni Xander kanina. "No, it's okay--" "It's not. Umupo ka na diyan." Humarap ito kay Justin na bahagyang nakanganga at nakatitig sa kanya. "Nasaan na ang pagkain?" Humaba ang nguso ni Justin. "Sabi ko nga kukunin na." Gino patted his son's head before leaving the kitchen. Dahil hindi naman kalakihan- though malaki pa rin- ang bahay niya ay nakita ko itong umakyat ng hagdan. Bumalik na lang ako sa upuan at wala na ring nagawa. Ni hindi nila ako binigyan ng pagkakataon na umangal. I sighed. I feel awkward and I don't know what to do. Makakakain naman kaya ako ng maayos? And darn it. Wala pa akong nagagawa o nababasa sa mga lessons na ini-schedule kong basahin ngayon. "Chicken!" Pumalakpak si Xander. Napatingin ako sa kanya. His little hands are so cute. His innocent face makes my heart flutter. His lovely eyes and cute cheeks, plus his chubby body. Hindi ako mahilig sa bata pero bakit ako natutuwa sa isang ito? Mini me talaga siya ni Gino, walang p'wedeng umangal. No one can make me change my mind. Maganda rin ang nanay nito panigurado. Speaking of his mom... Hindi siya dito nakatira? Bakit hindi ko man lang makitaan ng bakas na may babaeng nakatira rito. And I've been here twice, sana ay nakasalamuha ko man lang siya kahit minsan. Gusto ko magtanong kay Justin na ngayon ay naglalagay ng mga pinggan sa mesa pero hindi ko na lang ginawa. I stare at the plate as my mind floats on the air. Nakasama ko na siya ng ilang linggo, nakilala ko na ang anak niya, nakapasok na ako sa bahay niya... But still he remains a mystery to me. "Ketchup or gravy, Ches?" "Gravy." Fried chicken lang naman pala ang niluto niya. Naka-apron pa naman ito at feel na feel ang pagiging chef. What did I even expect? "Bakit ganyan ang mukha mo? Masarap iyan. Hindi iyan normal na fried chicken." "Yeah. It's an abnormal one like you." Inirapan niya ako pero nakasuot pa rin ang playful na awra. "Hindi ka na lang magpasalamat." "Pinabantayan mo ang alaga mo sa akin tapos ako pa ang kailangang magpasalamat?" "Nilutuan kita." "Duh! Fried chicken? Really?" Humalakhak ito. "Alam mo, yung first impression ko sa'yo, saktong-sakto." "Tito, wings!" Kumuha si Justin ng wings at inilagay sa pinggan ni Xan. The latter looks so cute as he stare at his plate. Bakit kaya ang sarap ng fried chicken, ano? Something special about it that you'll crave again and again. Kumuha na rin ako ng akin at nagsimula ng kumain. Nakakadalawang subo pa lang ako ay bumaba na si Gino at nakisalo sa amin. This is my second meal in their house. Masusundan pa kaya? Will I ever see his son again? Dalawang beses pa lang kami nagkasama ni Xan pero pakiramdam ko ay matagal na. Siguro dahil wala ng bata sa pamilya namin at kung mayroon man ay hindi sila dito nakatira. I never thought I can be fond of kids. Pagdating sa bahay ay medyo pagod na ang pisikal na katawan ko. I rested for a bit before studying. Sa dami ng kailangang basahin at gawin ay talagang in-off ko ang phone para walang distraction at nag-aral hanggang madaling-araw. Iyon ang rason kaya hikab ako nang hikab ng sumunod na araw. "Cheska!" Hindi ko na kailangang lingonin pa para malaman kung sino iyon, it's Justin, I recognized his voice. Akala ko ay si Alyanna ang kasama niya pero si Gino pala. I lazily nodded at him to recognize his presence. "Bakit parang ang tamlay mo?" pang-uusisa pa nito na ngayon ay nasa tabi ko na. "Masakit pa ba ang mga sugat mo?" Nabigla ako nang magtanong din si Gino. Ang prsensya at boses nito ang nagpagising sa diwa ko. Tumikhim si Justin. Alam ko na agad na mang-aasar siya. "Ah? Ahm... hindi naman na." "Are you sick? Naambunan ka kahapon, 'di ba?" Lumunok ako. Why is he asking questions now? Mas lalo akong namula nang humalakhak ng mahina si Justin sa gilid ko. This freak! "Oo pero--" Agad akong umatras nang hawakan niya ang noo ko. "What are you doing?" "Sigurado ka bang wala kang sakit? Bakit ang pula ng mukha mo?" "Pfftt!" Pasimple kong pinanlakihan ng mata si Justin. Kanina pa ito, ah? May kasalanan ba ako sa kanya? "I'm not sick, okay?" Nagmamadali akong naglakad palayo sa gawi nilang dalawa. Good heavens, bakit sila pa ang kailangan kong makasabay sa umaga. "Ang aga pa, ah? Bakit ka nagmamadali?" Umupo ako sa tabi ni Monica, as usual. Wala pa masyadong tao sa classroom. Tama naman kasi si Monica, maaga pa. Lalo na ngayon na exam week, for sure maraming nag-c-cram, especially sa amin na may kailangang i-maintain na grade. "Wala," sagot ko. Inilabas ko ang libro at ibinuklat sa may nilagyan ko ng bookmark. "Pa-explain naman nito, hindi ko ma-gets." Tiningnan niya iyon at saka natawa. "Iyan nga rin sana ang itatanong ko sa'yo. Ang g**o, ano? Magkaiba kasi sila ng sinabi doon sa isang author." I sighed. "Aahh," I groaned. Dumukdok ako sa may mesa at niyakap ang libro. Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa dami ng binasa at inaral. Idagdag pa ang kaba. "Ches..." "Hmm?" "Ayaw mo ba magpaturo kay Gino? Close naman kayo, 'di ba?" I faked a laugh. Asa naman ako doon. Hindi ako tuturuan no'n. At hindi ko na rin susubukan pa magtanong dahil palagi na lang akong napapahiya sa mga sagot niya. And no, we are not close. I mean, yes... Gusto ko siyang maging kaibigan dahil kahit papaano ay alam ko naman na mabuti siyang tao pero hindi naman kami talaga close. At baka kapag siya pa ang tinanong ay sasabihin no'n na magkakilala lang kami dahil sa project. He won't even consider me as a friend. "What's wrong with her?" Nanigas ako sa kinauupuan at nagkunwaring tulog nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. "Akala ko ba wala kang sakit?" I bit my lower lip. Darn it! Ngayon pa lang ay alam ko ng kami ang magiging sentro ng chismis. Hindi ko makita ang reaksyon ni Monica pero umaasa ako na hindi niya ako ipapahiya. But then... "Ah, wala siyang sakit. Problemado lang kasi hindi niya ma-gets yung topic." Awtomatiko kong itinaas ang ulo at umayos ng upo. Tumingin ako kay Monica at bumuntong-hininga. Lumaki ang dalawang mata niya at nagtatanong kung may nasabi ba siyang hindi dapat. Argh! I wanna groan again in frustration but I acted calm. "Inaantok lang ako," palusot ko kahit nakababa na ang tingin niya sa libro na nasa desk ko. Kinuha ko iyon at tinago agad sa bag. "Ano ba ang ginagawa mo rito?" "To check if you're really fine." Sinabi niya iyon sa kalmadong boses. Na para bang walang malisya. Na para bang walang mga tainga sa paligid namin. Na para bang... hindi niya alam na may nahuhulog ng puso sa kanya. I covered my feelings and emotions by rolling my eyes at him. "Ayos nga lang ako. At kung hindi man, hindi mo naman kailangan na--" "Responsable ako roon dahil naambunan ka dahil sa akin." "Oohh..." Nakagat ko ang ibabang labi nang marinig ang mahinang boses ng mga kaklase ko. See? Tell me they are not listening! Ang ibig niya bang sabihin ay dahil kay Xan? Bakit ba ang big deal sa kanya ng naambunan na iyon, eh, ilang segundo o minuto lang iyon. At wala akong sakit, ilang beses ko ba kailangang ipaalala sa taong ito iyon? Napakamot ako ng batok at nasalubong ng mata ko ang ilang pares ng mga mata na nakatingin sa gawi namin. Gino, the freaking hot, genius, but snob guy is inside our classroom and making a fvcking scene with his project partner. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ito. And speaking of this guy, hindi ba siya natatakot na mapag-usapan? Nababaliw na ba siya? "Parating na ang prof namin, hindi ka pa ba aalis?" mahinang tanong ko, sapat para marinig niya. "Sigurado ka ba na wala kang sakit?" Nawawalan ng pasensya na nagbuga ako ng hininga. "Wala nga!" Tumango siya at walang sabi-sabi na tumalikod. Paglabas niya ng classroom ay nagkanya-kanyang buklat ng libro ang mga kaklase ko, na parang wala silang nakita o narinig kahit kanina ay nasa amin lahat ang tingin. Monica whispered, "Akala ko ba hindi kayo close?" "Sinabi ko ba iyon?" "Hindi. Pero base sa reaksyon mo kanina, oo." Umiling ako at hindi na lang siya pinansin. Isinaksak ko ang earphones sa magkabilang tainga at nagpatugtog ng music na pampakalma. This is stressing me out! Lutang ang isipan ko maski nang dumating na ang prof. Buti na lang at nakipagdaldalan lang siya sa amin at hindi nagturo. That's the thing about exam week, hindi sila nagtuturo but still, samdamakmak ang requirements. Buti ngayon exam lang talaga ang pinoproblema ko. Well, of course, yung project.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD