"OMG! OMG! Totoo ba? Nagpunta si fafa Gino sa room mo?"
Nagtaas ako ng kilay kay Alyanna at kalmado siyang tinalikuran. Sumabay naman agad siya sa akin sa paglakad. Kakalabas ko lang ng classroom at ito na naman ang bubungad sa akin.
Minsan naku-curious ako kung alam niya ba ang tungkol kay Xan. Hindi ko naman magawang magtanong dahil baka hindi nito alam, and Justin was the only person who knew about it so... baka nga gusto lang nila na i-sikreto ito?
"Anong ginawa niya roon? Friends na kayo? O more than friends na?"
Nagbingi-bingihan ako at hindi siya pinansin. Minsan talaga masyadong OA ang pag-iisip niya.
Pagdating sa cafeteria ay um-order na agad ako ng pagkain. Magkasunod lang kami ni Alyanna kaya maski pagdating sa table namin ay nakasunod siya.
Agad akong nag-iwas ng tingin nang humalik si Alyanna sa pisngi ni Justin. Bakit ba ang PDA nila masyado?
"Sorry, guys, wala ako last Saturday. Dadaan ba kayo roon mamaya?"
Umiling ako. "Magre-review pa ako."
"Ikaw Gino?" si Justin ang nagtanong.
"Kailangan ko umuwi."
Of course. Walang kasama si Xander. Speaking of... wala bang yaya iyon? Sino ang nag-aalaga o nagbabantay sa kanya kapag nasa school si Gino o kaya si Justin?
"Kami na lang muna ang dadaan doon. By the way, Ches, active na ba yung website? Pa-send naman ng mga promotional posters para ma-i-post."
"Email ko sa'yo mamaya. Yung website, hindi ko na na-u-update lately. Baka after exam ko na iyon magalaw."
"Grabe! Buti na lang hindi ako naging matalino."
Minsan hindi ko alam kung napi-pressure ba ako sa mga expectations nila o ako na lang mismo ang nang-p-pressure sa sarili ko. It's kind of hard and exhausting pero nandito na ako, eh, ilang buwan na lang ay ga-graduate na ako, but I'll have to take the boards after.
"Una na ako, Ches, mangongopya pa ako ng assignment."
I chuckled. Kumaway ako kay Alyanna at pinanood siyang tumakbo paalis. Si Justin ay sa ibang way na nagpunta. And now, kami na naman ni Gino ang natira.
"Do you do study groups?"
"Hm?" Bakit ba bigla-bigla na lang nagsasalita ito?
"Group study?"
"Ah... minsan kapag nabasa ko na lahat, yung review na lang talaga. Bakit?"
"We can study together later. Kung... kung gusto mo lang naman."
Natulala ako sa kanya kaya hindi agad nakakilos o nakapagsalita. Is this really Gino Sanderson? The man beside me? Come on, he wouldn't do this. Nanaginip ba ako?
"Kung ayaw mo, ayos lang din naman. Kanya-kanya--"
"Teka... Teka..." Hinawakan ko ang braso niya saka naglakad patungo sa harap nito. Nauna siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
Nahihiya ba siya?
"So, pwede magpaturo?" Kinagat ko ang ibabang labi at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
He remained poker face though. Ekspertong-eksperto sa pagtatago ng emosyon. I wonder what's going on in his mind? Nagsisisi na ba siya sa offer niya?
"Just don't ask a lot."
Yes! Nauna na siyang maglakad palayo at hindi ko na rin siya sinundan pa. Ngiting-ngiti ako na pumasok sa loob ng room.
"Saya, Cheska, ah? Ngiting ready na sa exam."
"Uy, hindi ah. Pero sana nga maganda ang result ng exam para sa ating lahat."
"Good luck, girl!"
"Good luck din. Good luck sa ating lahat."
Hindi ko alam kung anong espirito ang sumanib sa akin at pagka-dismiss ng klase ay ako mismo ang naunang lumabas. Medyo madami nga lang ang naglalabasan na mga estudyante sa floor namin kaya siksikan at medyo mahirap makalabas agad ng building.
I checked the time. Hihintayin ba ako ni Gino? Or did he expect na ako na lang ang pupunta sa place niya? Wait... sa bahay niya ba kami mag-aaral? Hindi niya man lang nilinaw. Sa kabila ng confusion ay nakangiti ako. I probably look stupid.
"Hi, Cheska!"
I awkwardly smile at some students. "Hello."
"Ang ganda mo po sa malapitan..."
"Thanks."
"Uhm, pwede bang--"
"Sorry, girls. Nagmamadali kasi ako, eh."
Nagmamadali akong umalis doon dahil medyo lumuwag na ang hallway. Nagulat ako sa dalawang nag-approach kanina dahil mula noong nagkagulo kami ni Aira at naging partner kami ni Gino sa project ay halos wala ng nag-a-approach sa akin na ganoon. Ni hindi ko nga napansin na wala na pala masyadong lumalapit sa akin, ngayon ko na lang ulit naisip.
Which is, on my part, good. Mas gusto ko yung tahimik lang. I live my life and they'll live theirs, too. Ayaw ko na tinuturing nila ako na parang artista na naligaw sa campus nila. And I don't wanna make other girls insecure by that, too.
Lalong lumapad ang pagkakangiti ko nang mamataan si Gino na nakasandal sa sasakyan niya, nakapamulsa at walang pakielam sa paligid. He has really this cool image that makes girls swoon by his mere existence.
Lakad-takbo ang ginawa ko para makalapit sa kanya.
"Tara na?" tanong ko.
Tumango lang siya at sumakay na sa sasakyan niya. I assumed na susundan ko na lang siya?
Naglakad ako patungo sa sasakyan ko. It took some minutes before he started his car's engine. Pinaandar niya na iyon at agad akong sumunod. Ayos din pala na magkaiba kami ng ginamit na sasakyan, or else, talagang magtatagal pa ang usap-usapan tungkol sa amin.
Walang traffic kaya nakarating kami agad sa bahay nila. Dire-diretso siya sa loob, ni hindi man lang ako inimbitahan, pero nagpatuloy na lang din ako. What a cold guy!
"Can you wait there for a moment? I'll just wash up."
Tumango ako. "Sige, ayos lang." Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong makita ni anino ni Xan. "Nasaan si Xander?"
"Grandparents. Nandoon siya kapag may pasok ako."
"Hindi siya umuuwi?"
"Minsan. Kapag nandoon ang mga pinsan niya ay hindi na siya umuuwi."
Umupo ako sa couch at inilabas na isa-isa ang mga gagamitin ko. Book, notes, highlighters, and pens. Habang naghihintay kay Gino ay inilabas ko muna ang phone ko para mag-scroll sa f*******:, ilang araw na ba mula noong huli akong nag-online?
Ending, nag-log out din ako agad dahil wala naman matinong makikita roon. Karamihan ng lumalabas ay mga kung ano-anong rumors lang tungkol sa buhay ng mga tao, and memes.
Tumayo na lang ako at naglakad palabas ng bahay. Ilang beses na ako nakapunta rito pero hindi ko pa lubusang nakikita ang bakuran nila, sure, I know na maraming plants, pero bukod doon ay wala na ako masyadong maalala sa memorya.
Medyo maluwang ang bakuran, hindi naman sobrang luwang pero sapat ang espasyo at medyo maluwang pa. Maraming halaman, sino kaya ang nag-aalaga sa mga ito?
Mayroon siyang garage na kasya ang dalawang sasakyan. Nakita ko rin ang isang motor doon na naka-park. Nagmo-motor siya?
"Anong ginagawa mo diyan?"
Lumingon agad ako sa pintuan, hindi ko namalayan na nadiyan na pala siya. May hawak itong puting tuwalya na siyang ipinapamunas niya sa basang buhok. He's wearing a gray shirt and white sweatpants.
"Ah? Wala."
"Let's start," anito sinenyasan na akong pumasok.
I looked back again at his garage. Sigurado ako na halos walang nakakaalam sa school namin na nagmo-motor siya. I find it cool, actually, men riding a motorcycle. Ngayon pa lang ay nai-imagine ko na siya na naka-full gear at nakasakay sa halatang mamahalin na motor na iyon. I bet, girls would scream their hearts out.
"Coffee or tea?"
Medyo malamig naman ang panahon kaya... "Coffee."
Naglakad siya patungo sa kusina at ako naman ay sumalampak na ng upo sa floor. Ilang minuto lang ay dumating na rin siya at may dalang dalawang tasa ng kape. Ibinaba niya iyon sa mesa at tumabi sa akin. Napausog ako ng kaunti at tumikhim. Why do I feel awkward all of a sudden?
"Anong topic ang nahihirapan ka?"
Kinalma ko ang sarili bago binuklat ang libro sa topic na hindi ko masyadong maintindihan.
"This one. Hindi ko kasi ma-gets kung ano ba ang ibig niyang sabihin dito sa part na ito. And medyo contradicting sila nung isang book."
"Nasaan ang isang book?"
Inilabas ko iyon at hinayaan siyang basahin sila pareho. He didn't took long though, mukhang nabasa niya na rin iyon. Well, malamang.
"Look at this..."
Gamit ang ballpen ay itinuro niya sa akin ang ibig sabihin nung nasa isang book, at nung nasa isa pa. Habang binabasa ang mga information ay dinidiretso niya na sa example kaya mas lalo kong naintindihan.
"That's the general rule, 'di ba? So paano kapag na-delay yung payment or na-delay yung shipment?"
"In that case..." Pinaliwanag niya ang posibleng senaryo sa ganoong sitwasyon.
Natapos naming i-discuss ang topic na iyon sa loob ng twenty minutes, kasama na ang time niya na nagbasa, at isang problem na pinasagutan niya sa akin.
Paanong ang dali lang intindihin ng explanation niya?
"Natapos mo na review-hin lahat ng topics for this exam?" kuryosong tanong ko.
"I think so."
"I think so? Anong I think so?"
He shrugged. "May ibang topics pa ba?"
Sinulit-sulit ko na ang pagtatanong sa kanya ng mga topic na nage-gets ko naman pero para sure na rin at review ko na rin ay tinanong ko sa kanya. I can't believe the amount of patience he has right now. Parang hindi si Gino na snob ang kasama ko ngayon. He's not friendly but he's not being snobbish or rude today.
Habang nag-aayos ako ng gamit, nagliligpit, at naghahanda ng umalis ay dumating si Xander. Naka-bagpack ito at mukhang masaya base sa ngiti nito. I looked past him, agad umalis ang sasakyan na naghatid sa kanya. Tumakbo si Xan kay Gino at niyakap ito.
Gino messed his son's hair.
"Nag-shower ka na roon?" Gino asked the kid.
Tumango ito. "Magpapalit ng damit," iyon ang naintindihan ko na salita mula sa bibig niya.
Baka ang ibig niyang sabihin ay magpapalit na lang ng damit. Tumingin si Xan sa gawi ko. His eyes widened. Tumakbo ito papunta sa akin.
"Cheska," he said in the sweetest way a kid would ever say my name.
"He's not used to call people 'ate' or 'tita'. Unless you'll correct him," Gino explained.
I nodded. Nabanggit na rin yata ito ni Justin last time. At ayos lang naman. Nararamdaman ko pa rin naman yung respeto niya sa akin bilang ate or tita kahit pangalan lang ang binabanggit niya.
Lumuhod ako para magpantay ang paningin namin.
"Hello, cutie boy!"
"Hello po!" Kinaway niya pa ang kamay.
"Saan ka galing?"
"Lola," sagot nito na may tono pa na parang nagre-recite sa klase.
Napangiti ako lalo. Pakiramdam ko ay nawala ang stress na nafi-feel ko kaninang nag-aaral kami. Like the last time, a warmth feeling embraced my system. A child feels like a thick and comfy blanket in a cold weather.
"Come on, magbihis ka muna at kakain na tayo." Kinuha ni Gino ang kamay ni Xander. "Dito ka na kumain ng dinner. I'll order. Bihisan ko lang siya."
Ngumiti si Xan sa akin at kumaway. Pinanood ko silang dalawa na maglakad at umakyat sa hagdan patungong second floor.
Dati may nararamdaman akong disappointment pero ngayon maski kaunti ay wala na. Ang kaso...
Mukhang may pumalit na kakaibang pakiramdam.
Nanghihina akong umupo sa sofa at pinakiramdaman ang sarili. No, this is nothing. Baka masyado lang akong nata-touch sa life story ni Gino kaya ganito. He is a responsible and sensible man, the way he protects and take care of Xander, the way he held his hand...
Ayaw kong magtanong pero pakiramdam ko ay wala naman ang presence ng mom ni Xander sa buhay nila. Or else, she should be here, right? Kung hiwalay man sila ni Gino at gusto niya pa rin ang anak, pwede niya namang ipaglaban ang karapatan niya bilang ina, or pwede naman ang co-parenting. It's common nowadays.
Pero dahil din doon ay lalo akong humanga kay Gino. Paano niya nagagawang pagsabayin ang pagiging tatay at pag-aaral? Salute to the guy, hindi niya itinakwil o id-in-eny ang bata. In-ako niya ng buong puso at inaalagaan niya sa abot ng makakaya.
Alam kong ang pagiging magulang ay mas mahirap kaysa sa nai-imagine ko. He's tough, too tough to handle it all with calmness on his face.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang may mag-doorbell. Dahil wala pa sila Gino ay ako na muna ang tumayo at nagpunta roon. Deliveryman ng Jollibee.
Really? Jollibee for dinner?
"Magkano po?" tanong ko. Nasa loob ang wallet ko.
"Ah, nabayaran na po, Ma'am. Hindi po ba kayo ang nagbayad?"
"Oh. Baka yung kasama ko po. Sige, kuya, salamat."
"Welcome po, Ma'am."
Pagpasok ko ay nakaabang silang dalawa sa akin. Kapwa magkakrus ang dalawang braso. I find them cute.
Itinaas ko ang dalawang paperbag na may logo ng Jollibee.
"Dinner?"
"Chicken joy!!" Xander jumps in glee.
Nakangiti ko silang pinagmasdan habang patungo kami sa kitchen. Kung may makakakita lang sa amin, para kaming happy family. And I hope Gino can find someone, in the future, to be Xan's mom. Someone na kayang alagaan si Xan at mahalin na parang tunay niyang anak. Someone who would not take Gino and his son for granted.
May inis pa rin ako sa kanya pero hindi ko na kayang i-deny pa.
This man is a good one. Swerte ang babaeng mamahalin niya kaya sana maging swerte rin siya sa babaeng pipiliin niya.