"Saan ka galing?" mom asked after I enter the house.
"Nagpaturo sa schoolmate ko, mom." Lumapit ako at humalik sa pisngi niya. "Nasaan si dad?"
"May shooting sila sa Pangasinan, nandoon pa sila, baka gabi na iyon makauwi. Nag-dinner ka na?"
"Yes. Why? Hindi ka pa kumain?"
"Mag-bi-bread lang ako."
"I'll join you. Shower lang ako."
Pag-akyat sa kwarto ay mabilisang shower lang ang ginawa ko. Mamaya na ako mag-skincare bago matulog. I looked around my room, hindi na siya kasing-ayos ng dati. Wala na ako masyadong time mag-ayos. Kapag lumuwag-luwag ang schedule ko ay saka ako maglilinis.
Inilabas ko ang phone ko para i-charge nang may mag-notif sa messenger ko.
Hindi ko sana papansinin kung hindi lang ako nagulat sa pangalan ng sender.
Gino Sanderson sent you a message.
Natitiyak ko na hindi kami friend sa f*******: kaya medyo nagulat ako rito. Wow! Sa sobrang excited ay binuksan ko iyon at halos natunaw ang buong pagkatao ko ng mabasa.
Gino: Panoorin mo ito, lecture ng topics na medyo nahihirapan ka. Madaling sundan. *Link*
Nangingiti na nagtipa ako ng reply.
Francheska: Salamat! Panoorin ko later.
Gino: Ok.
I laughed with his reply. Masyado akong masaya para mainis pa sa maiksing reply niya. Sinaksak ko na ang charger saka bumaba upang samahan si mommy kumain.
Nasa kusina na siya pagbaba ko.
"Coffee?" she offered.
"Ako na magtitimpla, mom."
Nauna na siyang umupo sa pwesto niya at ako naman ay nagtimpla pa ng kape ko.
"Kumusta yung project niyo? Nag-open kayo ng shop, 'di ba?"
Sinilip ko siya bago ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. "This Saturday pa ang opening, mom. Exam week kasi namin kaya we decided na i-postpone."
"And? Hindi mo man lang ba kami iimbitahan?"
Nagulat ako sa sinabi niya. "I know you're busy."
"Of course not, Cheska. Alam mo na pagdating sa inyo ay imo-move namin lahat ng schedule."
May gumuhit na ngiti sa labi ko at tiningnan siya. Ngumiti siya at tumango na parang sinasabi na pupunta sila at susuportahan nila ako. May mas isasaya pa ba ang araw na ito?
"Thank you, mommy."
"Of course, baby."
Natagalan kami sa pag-uusap ni mommy. Medyo nag-enjoy kaming dalawa at kung saan-saan na napunta ang topic. It's very therapeutic though. To talk to someone who knows everything about you, to open up about every single thing you want to say. Sinabi ko sa kanya lahat ng mga whereabouts ko lately, maski yung letter.
Hindi ko nga lang sinabi kung sino ang sender dahil kung dadalo nga sila sa sabado, magkikita sila ni Gino panigurado, and kahit na may tiwala ako kay mommy, she might confront him so I'd rather not say anything about the sender.
In-open ko ang laptop at pinanood ang link na s-in-end ni Gino. It is from his google drive, hindi ko alam kung sinong prof ba iyon o kung prof nga ba iyon. He mentioned Gino in the middle of the video.
So, kilala nila ang isa't isa personally?
Hindi na lang ako nagtanong. After all, isa naman ako sa magbe-benefit ng video lecture. Thanks to Gino for sending me this.
"Wala kayong work, mom?"
"May lunch interview lang later. Papasok ka na? Maaga pa, ah?"
Ngumiti ako at yumakap sa kanya bago umalis ng bahay. I feel so alive today. Thursday and Friday ang examination namin pero nabawasan yung pressure na nafi-feel ko. Siguro kasi naintindihan ko na yung hard topics na siyang kinaiinis kong basahin noong nakaraan.
Target unlocked.
Lakad-takbo akong naglakad palapit kay Gino.
"Good morning," bati ko sa kanya kasabay ng mga tingin ng mga nasa paligid na hindi na yata mawawala sa araw namin.
"Morning," tipid niyang sagot.
"Salamat nga pala doon sa link na s-in-end mo."
"Yeah. Sinabi mo na iyan sa chat."
Ngumuso ako. What a savage guy!
"Oo nga. Pinanood ko kagabi, and you're right, madali nga intindihin."
"Hmm."
"Ready ka na for exams?"
Huminto ito kaya napahinto rin ako. His hand is on the strap of his backpack. Kunot ang noo pero gwapo pa rin, bakit ganon? Ramdam ko ng magsusungit siya pero wala na lang iyon ngayon sa akin.
"Anong meron? May sumanib ba sa'yo?"
"Bakit?"
"Hindi ka naman ganyan kadaldal dati, ah?"
Lalong humaba ang nguso ko at inirapan siya. "Wow! Can't you at least try to be friendly?"
He chuckled, for the very first time with me!
Natigilan ako at natulala sa kanya. Sandali lang ang halakhak na iyon at muling nagseryoso ang mukha nito. Pero sa isipan ko ay naglalaro pa rin ang pagtawa niya, the way his teeth became visible and his lips rose from each sides. Ang gwapo lalo!
Sana na-picture-an ko. It's a rare moment kaya.
"Sometimes I hate you," he stated. "But sometimes I think you're a nice person."
"So?"
Ngumiti siya at umiling saka naglakad at iniwan ako. Pero bago siya maka-dalawang hakbang ay muli siyang nagsalita.
"Friend request accepted."
Alam ko na mukha akong tanga pero wala akong pakielam. Nakangiti akong naglakad papunta sa room namin habang iniisip ang sinabi ni Gino. Friends na kami? Seryoso ba? I mean, parang noong isang araw lang ay ang labo no'n.
Niyakap ko ang libro nang makaupo sa pwesto ko habang nakangiti sa kawalan. What's wrong with me? Friendship lang naman iyon.
Ewan ko ba!
"Miss Guerrero!"
"Yes, ma'am?"
"Sasali ka ba this year sa university pageant? Ikaw ang prospect nila na mag-re-represent ng department niyo."
Naghiyawan ang mga kaklase ko.
"Go, Cheska! I-chi-cheer ka namin ng pangmalakasang cheer."
"Si Gino dapat partner."
"Ay, bet! Pero gusto rin yata ni Aira sumali, eh 'di magkalaban sila?"
"Go, Cheska!"
"Sali ka, Ches!"
I gave all of them an awkward smile.
"Hindi po, ma'am."
"Sali ka. Sayang naman, mataas ang chance natin makuha ang title kapag ikaw ang lumaban."
Namula ang pisngi ko dahil sa papuri nito. But I politely decline it. Ako? Pageant? Beauty contest? I don't think so. Buti sana kung mag-pi-picture lang pero yung rarampa ka? I can't do it.
Ang nalalapit na foundation na ang usap-usapan pagkalabas ko ng room. Sports competition, pageants, yun naman madalas ang inaabangan. And syempre, walang klase ng one week, although required na pumasok para maki-join ang lahat sa event.
I love foundation week, too. Bagaman pumapasok, relaxing siya dahil walang klase at activities. 'Wag lang talaga na after foundation ay tatambakan ka ng gagawin.
"Wow! Prospect to join the pageant. Cheska lang malakas," pang-aasar ni Alyanna nang makarating ako sa table nila.
Sinimangutan ko siya. Bakit ba napakalakas ng signal nito kapag sa chismis? Wala pa sina Gino at Justin, baka umo-order. Inayos ko ang pagkain ko sa mesa, for some reason, nasanay na rin kami na rito kumakain ni Alyanna.
Baka hindi rin naman ako makapag-enjoy o baka ay mag-excuse na lang sa foundation week namin. Marami kasing kailangang unahin lalo na at may on-going project kami na school din naman ang nakapangalan.
May tumatambay na kaya sa usual spot namin?
"Weekend ba? Pero 'di ba every saturday kayo sa may project niyo?" Boses iyon ni Justin.
Sinundan ko iyon ng tingin at nakita sila ni Gino na nag-uusap at kapwa may hawak na tray ng pagkain. Ilang segundo lang ay nandito na sila sa tabi namin.
"Hindi ko pa alam. Kung hindi matutuloy this month ay next month na lang."
Nagkatinginan kami ni Alyanna dahil pareho kaming walang ideya sa sinasabi nila. Alyanna shrugged. Umiling na lang din ako.
"Ikaw? Ayaw mo ba mag-join?" tanong ko kay Alyanna pagkatapos naming kumain, nagpapababa na lang ng kinain.
Pageant ang topic namin ngayon dahil si Justin daw ay gusto rin ng mga prof pasalihin lalo na at last year na namin dito.
"Come on! At ano ang ita-talent ko roon?"
I chuckled. "Kanta."
"Nang-iinsulto ka ba?"
Nagtawanan kaming tatlo. Maliban kay Gino na kalmado ang mukha, hindi namin alam kung natutuwa o naiinis. Ngumiti ako nang magtama ang mata namin pero sa halip na ngitian ay tinaasan niya ako ng kilay, para bang nagtatanong kung bakit ako nakatingin sa kanya.
Natawa na lang ako sa isipan ko. I guess, dapat na akong masanay na ganyan siya. Or maybe because hindi pa naman kami ganoon ka-close?
And it's actually good. Ang weird na makikita siya ng mga tao na tumatawa at ngumingiti kasama ko. They might think something again na hindi naman nag-e-exist between us.
Bukod sa lunch ay halos hindi kami nagkakasama nila Gino sa week na iyon. Diretso uwi ako kapag hapon at hindi na nadadaan sa shop para makapag-review.
And now...
Now is the last day of exam and I'm waiting for the last paper questionnaires for the last subject. Ito ang pinakamahirap na subject kaya medyo kinakabahan ako. Pero mas nananalo yung kagustuhan na matapos na ito agad nang makatulog ako ng mahimbing mamaya.
"Okay, you might start now."
Nakagat ko ang ibabang labi nang makita ang content ng exam. Multiple choice naman pero puro computation at kailangan pa ilagay ang solution sa tabi ng question.
Ipinatong ko ang isang siko sa desk saka tinitigan ang papel na para bang magkakaroon ng sagot doon kapag ganoon ang ginawa ko. I sighed, the 3rd time in last five minutes.
Go, Cheska! Kaya natin 'to.
Yes, I'm cheering myself up. So?
Last item. Natigilan ako sa last item, sigurado ako na ito yung topic na pinag-aralan ko with Gino. Think, Ches, think.
Para bang may umilaw sa isip ko at naalala ang ilang detalye at proforma na kailangan para sa item na iyon. I solved it in the easiest and fastest way that I can. Pagkatapos ay tumayo na ako at nagpasa, hindi na ako nag-double check, hindi ko na rin naman mabubura dahil erasure means wrong, so ano pa ang sense, 'di ba?
"Wow! As expected," sabi nung prof namin. Ngumiti lang ako at kinuha na ang bag ko saka lumabas ng room.
The hallway is quiet and empty kaya feel na feel ko maglakad. Tapos na kaya si Alyanna? Plano pa naman namin magmeryenda sa labas after exam. Should I wait for her?
Habang naglalakad ay nag-text ako sa kanya, hindi naman siguro iyon tutunog.
Pagkabulsa ko ng cellphone ay natanaw ko si Gino, madali lang siyang makita, he's wearing a full black outfit today. Tumakbo ako pababa ng hagdan saka tumakbo ulit papunta sa kanya.
Hinihingal akong huminto nang makalapit. He looked at my way again like I'm a weirdo.
"Uuwi ka na?" tanong ko.
"Bakit?"
"Ayaw mo ba magmeryenda muna?"
"No."
"Ito naman. Akala ko ba friends na tayo?"
Ipinukol niya na naman sa akin ang tinging nakairap. Napakasungit talaga.
"So?"
"Anong, so? Ganoon ang friends, noh! Lumalabas after exam. Tara! Celebration."
"Celebration? Ni hindi mo nga sigurado kung pasado ka."
Nawalan ng kulay ang mukha ko sa sinabi niya. Bakit ba ganito magsalita ang isang ito? Nakakagigil, eh!
"Pasmado bibig natin, ah?"
"Hindi ako pwede," anito na hindi pinansin ang sinabi ko. "May kailangan akong i-meet."
"Sino? Girlfriend mo?"
Hindi niya ako sinagot. I pressed my lips together. Sinabayan ko pa rin siya sa paglalakad.
"Sino nga? Girlfriend mo?" pag-uulit ko sa tanong. Bakit ba kasi hindi siya sumasagot? Oo o hindi lang naman, eh.
"I'll go now--"
Humarang ako sa sasakyan niya. Bakit ba kasi hindi niya sagutin? Nakakairita, ha! Nang makita ang seryoso nitong mukha ay bigla akong nagsisi. Masyado na ba akong feeling close? Masyado na ba ako maraming tinatanong? Am I making my new friend uncomfortable?
I hope not. But I guess it's the case.
"Well, gusto ko lang naman malaman para mabigyan kita ng tips. Pero--"
"I'm meeting with an event organizer," he said.
"Event organizer?" Ayan! Dumadami na naman ang tanong, Cheska! Umayos ka nga.
"Yes. At male-late na ako, so mind if you move?"
Tipid akong ngumiti at pinadaan siya. Pagkasakay niya ay hindi niya man lang ako nginitian o kinawayan man lang. Ngumuso ako at naglakad patungo sa sariling sasakyan.
Bakit naman kaya siya makikipag-meet sa event organizer? Hindi pa naman birth month ni Xander, ah? Weird.
O baka para sa family niya?
What if para sa girlfriend niya?
Bumalik ako sa ulirat nang mag-vibrate ang phone ko at maka-receive ng text mula kay Alyanna. Tapos na raw siya at pupunta na raw dito sa sasakyan ko. Na-excite ako bigla dahil matagal na kaming hindi nagkakasama na kaming dalawa lang talaga. Ganyan talaga kapag may boyfie na ang bestfriend mo.
Hindi naman ako nagtatampo lalo na at alam kong sa matinong lalaki naman siya napunta.
It took her five minutes to arrive.
"May pina-book na ako for this restaurant," aniya na hindi man lang ako tinanong kung gusto ko roon. "Masarap diyan, promise!"
I checked the restaurant. Medyo nagulat ako dahil pamilyar iyon sa akin. Ang huling punta ko rito ay kasama ko si Gino, yung akala ko hindi siya nagbayad pero bayad na pala lahat.
Yes, the foods here are tasty. Ilang beses na rin akong nagpunta roon.
"Libre mo ha."
"KKB, Cheska!"
"Ano ba 'yan."
"Tapos kwentuhan mo ako ng love story niyo ni fafa Gino."
Hinampas ko ang legs niya ng hindi tumitingin sa gawi niya.
"Aray! s*****a ha!"