Twenty

2168 Words
"Final na lahat? Pupunta ako ng maaga sa shop, make sure na na-i-post na lahat ng mga dapat i-post. I emailed the invitations already." (Noted, Ches. Matulog ka na, 'wag ka masyadong ma-stress at baka mas lalo ka lang mahirapan sa mga dapat gawin bukas. Sleep early, surely you don't wanna face people with that haggard and tired look on your face.) "Okay. Good night." Taliwas sa sinabi niya na magpahinga na ay hindi iyon ang ginawa ko. Marami akong dapat gawin kaya binuksan ko ang laptop. Pina-post ko rin ang event poster namin sa page ng university namin at hindi pa nila iyon pino-post. Nag-follow up ako sa kanila bago dumiretso sa iba pang mga kailangang gawin. Pagod at puyat ang tinamo ko sa araw na iyon pero may halong excitement sa darating na bukas. It's still four in the morning when I wake up. Ilang oras lang ang tulog ko, at pakiramdam ko nga ay halos wala dahil maski sa panaginip ay ang event ang naglalaro sa isip ko. Nag-jogging ako sa malapit lang sa bahay bago bumalik at naligo. A simple white off-shoulder and below the knee dress is my outfit for today's opening. Nilagay ko ang favorite kong gucci belt na binigay ni ate. I tied my hair up real high and wore a dangling Chanel earrings. I finished my whole look with a simple but not-so-everyday make up. And a red strapped sandals with two inches heels matching the color of my Balenciaga city bag. Pagbaba ko ay kumakain na ng agahan sila mommy. I kissed their cheeks as my morning greetings. "Hindi ka na kakain?" tanong ni daddy. "You should eat, at least. Baka hindi ka na makakain doon." I laughed with it. "Parang sure na sure kang madaming pupunta at magiging busy ako, ah?" "Who is your dad?" "Daddy!" naiiritang sabi ko pero medyo natatawa din. He sounds like bragging. He laughed. Maski si mommy ay nangingiti sa gilid. "How about we celebrate tomorrow? Steak at home?" Ngumuso ako. "With wine?" "With wine, my love." Lumapad ang ngiti ko at nagpaalam na rin sa kanila pagkatapos. It's almost seven thirty. Ten o'clock ang opening pero darating ang kinuha naming mag-se-set up for the shop's opening. Balloons and ribbons lang naman, and of course some sale. May in-edit si Gino na video which will showcase the real mission of our project. Video iyon ng mga tao na nasa cancer patients facility, yung branch na main beneficiary namin. I watched the video the other night and it made me cry. Emosyonal akong tao kaya kahit hindi ako ganoon ka-active dati sa mga ganito ay may parte sa akin na masaya na sa akin napunta ang proyekto na ito. I wanted to help them, so bad that I want to give them money for medicines from my own savings. Pero saka na lang siguro, after ng project na ito para naman hindi nila masabi na kinuha ko sa sariling bulsa ang ginamit para sa project na iyon. I parked my car in front of the shop. Tahimik ang paligid bagaman may mga dumadaan ng sasakyan. Office hours na pero sabado ngayon kaya mangilan-ngilan lang din ang pumapasok. Hawak ang pintuan ng sasakyan na hindi pa tuluyang naisasara ay tinitigan ko ang harap ng shop. Sarado iyon pero nai-imagine ko na ang magiging itsura niya maya-maya. Ngumiti ako at tuluyang isinara ang pintuan ng sasakyan. I walked with full confidence to the shop's door. Kinuha ko ang susi sa bag at binuksan iyon. Tiled floor and newly paint walls. Very aesthetic ang naging tema ng buong shop pero mayroong corner na colorful. Of course, we aimed din na maging instagrammable ang place para p'wedeng tambayan ng mga estudyante at mga grupo ng magkakaibigan. Ibinaba ko ang bag sa may cashier counter at kinuha ang walis tambo. Nagwalis ako sa paligid bagaman halos wala naman ng kalat. Inilagay ko ang mga doormat sa mga dapat nitong paglagyan. Inilabas ko rin ang mga binili ko na sabon, toothpaste, and extra toothbrush sa CR. Paglabas ko ng CR ay narinig ko ang wind chime na sinabit namin sa may pintuan. Someone entered the shop. Ang aga naman yata ni Alyanna? "Hi--" natigil ako sa akmang pagbati nang hindi si Alyanna ang nakita ko. "You look disappointed," sabi nito nang makita marahil ang reaksyon ko. "Hindi naman. Akala ko kasi si Alyanna yung dumating," I reasoned out. "Sino ang kasama ni Xander ngayon?" "Grandparents," tipid na sagot niya. "He'll come later." "Talaga?" Isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagsimulang mag-ikot sa shop. Napansin ko lang na may dala siyang Starbucks take out nang ibaba niya iyon sa isang mesa. May kinuha siyang kung ano sa bulsa at iniabot sa akin, turns out that it's a flashdrive. Nandito marahil ang video na tinutukoy ko kanina. Umupo siya sa mesa at itinungko ang dalawang palad sa magkabilang gilid. His eyes wander around the place. Kalmado at mukhang masungit pa rin talaga. Nasabi ko na ba na ang gwapo niya sa suot niya? He's wearing a black long sleeves button down polo. His pants is expensively looking. Plus his watch that probably costs way more than my car. Hindi ko mapigilang hindi mapaisip, ano kaya ang business ng pamilya niya? "Coffee." Kinuha niya ang plastic na may lamang cup ng kape at ibinaba rin sa tabi niya. "Hindi ko alam kung ano'ng klase ng kape ang gusto mo kaya pinareho ko na lang sa akin." "It's fine. Wala naman akong partikular na gusto. As long as it still tastes like coffee." May mga kape kasi na over creamy, iba na ang nagiging lasa. Kinuha ko yung kape at kinuha niya rin ang kanya. Umupo ako sa isang upuan na hindi kalayuan ang layo mula sa kanya. Pareho kaming kinakain ng katahimikan. Natigil lang iyon nang dumating ang mga magde-design ng mga balloons. The silence turned into a real chaos. Pero masaya naman. Inilabas ko ang board na may quote na nakasulat. Gusto namin maglagay ng positive quotes dito every single day para sa mga dumadaan, lalo na sa maraming pinagdadaanan. May isa pang board kung saan nakalagay ang mga available na product na p'wede nilang mainom, makain, o mabili sa loob ng shop. Tagatak na ang pawis ko nang pumasok ako sa loob, tumulong na rin kasi ako sa pag-set up ng mga balloons, ribbons, and tarpaulins sa labas. Namigay na rin ako ng pamphlet sa mga dumadaan. Namataan ko si Gino na abala sa laptop niya sa may counter. "May mga nag-e-email mula sa website," sabi nito sa akin. "Some are asking for bank details." "Wow! Talaga?" Iniharap niya ang screen sa akin at may mga emails nga roon. Hindi ko na binasa ng buo. Pinakita niya rin sa akin ang mga comments sa page na nagtatanong ng location, bank details, and product pricing. At nakakatuwa rin na sh-in-are ng mga local sellers na kinuhanan namin ng products ang official page namin which is mas nakatulong para dumami ang mga narating ng information. "Kaninong bank ang gagamitin?" I played with my lips using my finger. "May bank ako na hindi masyadong ginagamit. I'll remove my balance there na lang and put it on my other bank. Is it fine?" "Yeah. I-send mo sa akin ang details." "Re-reply-an mo sila ngayon?" "Surely you don't wanna disappoint them for having a bad customer service on your first day." "Sabi ko nga." Ibinigay ko sa kanya ang bank details ko bago tinawagan si dad para ilabas ang pera ko sa bank na iyon. It's nearly ten. Ayos na ang lahat, naka-ready na rin ang mga machine na gagamitin. We're ready to brew some coffee and to serve local foods. Naka-display na rin ang mga product sa isang corner. Balloons are all over the place, sosyal tingnan at hindi mukhang children's party even with balloons everywhere. Dumating na rin sina Alyanna at Justin, Justin said his parents will come later. Napatingin tuloy ako sa gawi ni Gino. Hindi ba pupunta ang parents niya? "Girl, congrats!" Yumakap si Alyanna sa akin at nakalimutan ko na ang kaninang iniisip. "Congrats to us. Lahat naman tayo naghirap dito." She chuckled. "Pa-humble pa. Wait, nag-picture na ba kayo?" Umiling ako. "Ang dami kasing ginawa--" "Ano ka ba! Kailangan natin ito for documentation. Wait..." Iginala niya ang mata sa paligid. "Ayun! Maganda mag-picture doon. Come on!" Wala na akong nagawa nang hinila niya na ako patungo roon. I smiled at the camera and she captured it. Nang nasa pang-apat na shot na ay tumigil siya kaya akala ko tapos na pero hindi. "Gino! Picture, dali!" Hindi siya pinansin ni Gino, nakaharap pa rin ito sa laptop. Alyanna secretly took a picture of him before screaming again. "Justin, dalhin mo na ang kaibigan mo rito at darating na ang mga bisita." May sinabi si Justin kay Gino at sabay silang nagtungo sa pwesto namin. Umalis naman ako agad para makapag-picture si Gino ng solo. But my witch and cunning friend told me to go back. "Dalawa kayo dapat." Umirap ako pero sinunod din ang gusto niya. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Picture lang ito, Ches, ano naman ang nakakakaba sa picture? "Ano ba 'yan, mukha naman kayong magkaaway. Lapit pa!" "That's how formal pictures usually are, Alyanna," sagot ko dahil alam kong iba na naman ang gusto niyang mangyari. Pinagkunutan niya lang ako ng noo na para bang naiirita sa akin. The nerve of this girl. "Akbayan mo siya Gino." Magsasalita ulit sana ako nang maramdaman ko ang magaan na pagkakadantay ng braso ng katabi ko sa akin. I felt stiff. Sino ba naman ang hindi? Nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy niya, the warmth of his body is very comforting. Gayunpaman ay ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha sa sobrang kahihiyan. "Ayan! Okay na." Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa lahat ng naroon. May mga dumating na rin na bisita kaya roon ko na tinuon ang buong atensyon. "Good morning, Ma'am, Good morning, Sir." Kabi-kabilaan ang mga bati namin sa mga prof namin na nagsisidatingan. Some of our classmates were present, too. Dumating din sina mommy bago ang cutting of ribbons. We took a lot of pictures before officially opening the shop. Tuwang-tuwa ako dahil halos ubos na ang mga supplies namin hindi pa man tapos ang araw. Lots of them commend our brewed coffee, too. It's cheap but tastes amazing- according to them. "Gino, Cheska," Ma'am Garcia called us. "The school faculty and board absolutely love your idea. Thank you for making us proud and I hope it will continue until the end of this project." "Thank you, Ma'am," halos sabay naming sabi at ngumiti sa isa't isa nang magtama ang paningin. Naging abala kami pareho sa pag-asikaso sa mga bisita. Alyanna took the initiative to take photos, hindi na kasi talaga namin maharap. Medyo masikip na nga rin dahil hindi namin inaasahan na dadagsa talaga ang mga susuporta sa opening. "Baby," mom held my back. "I love your idea. P'wede ko itong i-feature sa blog ko. Right, dad?" Daddy nodded. "Bakit ngayon mo lang naisip iyan?" Mom glared at him. Tinawanan lang iyon ni daddy saka ako inakbayan. "We're very proud of you, Cheska. Sana ay nandito ang ate mo para makita niya rin ito." "Omg!" Natutop ko ang bibig nang maalalana hindi ko nga pala nasabihan ang kapatid ko na ngayon ang opening. Noong nakaraan pa naman na nagkausap kami ay nangako ako na sasabihin ko kung kailan ang start namin. "She called yesterday," mom uttered like it has something to do with my problem. "Hindi mo nasabi sa kanya na ngayon ang opening?" I pressed my lips together. "Don't worry. Your sister will surely understand it," dad said before tapping my shoulder. "Is that your project partner?" bulong ni mommy sa akin habang nakatingin kay Gino na abala sa laptop niya. He's really not used to socializing with people but I knew he tried his best to be as welcoming and as friendly as he should be as a host. "Yes, mom." "Hindi mo man lang ba kami ipapakilala?" "He's a weirdo, mommy," sabi ko na lang dahil hindi ko rin alam kung paano sila ipapakilala kay Gino. We just recently became friends. Baka masyado na akong feeling kapag pinakilala ko pa ang mga magulang ko sa kanya. He might think I'm setting a trap or something. "Gino, right?" Umawang ang labi ko nang marinig ang boses ni mommy na ngayon ay wala na sa tabi ko. Oh my gosh! Paano ko ba nakalimutan na halos tatlong hakbang lang ang pagitan namin ni Gino kanina? The shop isn't so big. I should have stop my mom. "Yes, madame." Tumayo si Gino at bahagyang yumuko upang magbigay galang sa mom ko. Humalukipkip ako at pinanood siya sa ginawa. He doesn't look nervous. He actually looks normal, yung normal na poker face niya. But at least his tone sounds friendlier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD