21

2143 Words
"I'm Francheska's mother and she actually talks a lot about you." "What?" Bulalas ko at hindi na napigilang hindi lumapit. Bigla na lang nawala si daddy. Baka nauna na sa labas dahil pauwi na rin naman sila ni mom kanina sana. "Sana ay hindi po negatibo ang mga sinasabi niya," ani Gino at nagtaas ng kilay sa akin. He has this amused and mysterious grin on his lips. Pinamulahan ako ng mukha. Imposible! Why is my mother betraying me like this? Talk a lot? That's insane! "Of course not. Hindi ko alam na ganito pala ka-gwapo ang partner mo, Cheska." Umirap ako. "Mom, stop saying nonsense. Hindi ko siya kinukwento--" "Have you tried the coffee, Madame?" Kinuyom ko ang dalawang kamao at pilit pinakalma ang sarili. Come on, patience is a virtue, Ches. Stay put ka lang diyan at hayaan mo silang mag-usap. Explain later to Gino, talk to your mom about it, too. "Yes. Bumili kami ng three packs of ground coffee. By the way, I have a proposal to make." Seryoso ang mukha ni Gino habang nakikinig kay mommy. Napatingin na rin ako sa nanay ko dahil kuryoso din ako sa sasabihin niya. "I'd like to promote your shop or your project on my blog." "That would be great, Madame. Malaking tulong din po iyon para sa proyekto namin." Paanong bigla siyang naging magalang? Humalukipkip ako at tinitigan siya, I hope he wouldn't notice since he's talking to my mom. Ilang beses ko na ba nasabi na ang gwapo niya? He has this aura that will literally caught your eye and attention in an instant. Hindi nakakapagtaka na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. I'm not one of those though. I mean, yes, feeling ko nagkaka-crush na ako sa kanya pero hindi dahil sa looks niya. What I like about him is his sense of responsibility, to his life, to his friend, and to his son. And I'm yet to know more about this mysterious man, alam ko na marami pang bagay ang hindi ko alam at hindi alam ninoman tungkol sa kanya. Napaatras ako at napaubo nang magtama ang mata namin. Mukhang nahalata niya na kanina pa ako nakatitig. s**t! "What do you think, Cheska?" "H-huh?" Humarap ako kay mommy. Sa gilid ng mata ko ay ramdam kong nakatingin pa rin sa akin si Gino. "A-ano nga po iyon?" "Sabi ko, magkakaroon tayo ng mini pictorial na siyang ipo-post ko sa blog site ko. Kailan kayo free na dalawa para ma-i-schedule natin?" "Ah..." Ibinalik ko ang tingin kay Gino. Nakaramdam ako ng hiya dahil baka hindi siya komportable sa ganitong set up. Kung um-oo man siya ay alam kong dala lang iyon ng kahihiyang tumanggi sa offer ni mommy. "Is it really necessary, mom? You know that I'm not used to spotlight and having my picture on your blog--" "Come on, Ches, hindi naman iyon ilalagay sa magazine o billboard. What's wrong with it? Hindi ba, Gino?" Gino nodded out of courtesy. "We will schedule the photoshoot, Madame." "Great!" Pumalakpak si mommy samantalang ako ay halos lamunin na ng lupa sa kahihiyan. "And you can stop calling me 'Madame', masyado ka naman pormal, hijo. Just call me 'tita'." What? Ngumiti lang si Gino at iyon na ang ginawa kong hudyat para alisin na si mommy roon. "Mom! Anong ginagawa mo?" naiinis na sabi ko nang makalabas kami. "Huh?" patay-malisyang reaksyon niya. "Hindi sanay sa camera yung tao na iyon. At isa pa, did you really mean what you just said? Call you 'tita'? Mommy baka ma-misunderstand niya iyon. Baka isipin niya ay may gusto ako sa kanya." I am freaking out because this is super ultra mega embarrassing. Natitiyak kong pareho kami ng magiging opinyon ni Alyanna o ni ate kung malalaman nila ang nangyari. Mom laughed. "You're just overthinking, baby. Oh siya, puntahan ko na ang daddy mo at uuwi na kami." Pinanood ko siyang maglakad patungo sa sasakyan ni daddy. Nang makasakay na siya ay nagdadalawang-isip ako kung dapat ba na bumalik pa ako sa loob, hindi ko na alam kung paano haharapin si Gino ngayon. Akmang papasok na ako sa loob nang may biglang tumawag sa akin. "Cheska!" Maliit ang boses at medyo maarte ang pagkakabigkas. Tumaas ang magkabilang sulok ng labi ko nang makita si Xander. Tumakbo ito palapit sa akin at agad ko siyang binuhat. "Hello, baby. Sinong kasama mo?" Doon ko lang napansin na dalawang matanda ang kasama niya. Ito siguro ang lolo't lola niya na tinutukoy ni Gino kung saan nag-i-stay si Xan kapag may pasok siya. "Lola, lolo," anito na parang nagre-recite sa harap ng teacher niya. Ngumiti ako sa dalawang matanda. Wala ni isa sa kanila ang kamukha ni Gino kaya alam ko na hindi niya magulang ang mga ito. It must be the girl's parents? "Hello po," I greeted them. "Welcome to our humble shop." ""You are Gino's partner?" the woman asked. Ngumiti ako at tumango. "We are Justin's parents. Nice meeting you...?" "Francheska po." "Nice meeting you, Francheska." Parents ni Justin? Kung ganoon doon nag-i-stay si Xan sa kanila? Nasaan ang parents nung babae? O baka hindi dito nakatira? Buhat ang anak ni Gino ay binuksan ko ang pintuan ng shop at saka iminuwestra sa mag-asawa ang pagpasok. Justin immediately spotted his parents. Lumapit ito sa amin. "Uy, Ches, ibaba mo na iyan," sabi nito sa akin. "Xander, 'di ba ang sabi kapag big boy na hindi na nagpapabuhat?" Xander made a cute face. I let out a soft chuckle. Ibinaba ko ito nang umamba na gusto niyang lumapit kay Gino. Agad siyang tumakbo kay Gino, binuhat naman siya agad nito at pinaupo sa counter. There again, his cute smile in front of his kid. Ang genuine, ano? I wonder how would it feel to have a kid. Ni wala nga akong bata na kapatid. Pinakilala ni Justin si Alyanna sa parents niya at ako naman ay nag-asikaso na ng ilang bisita. Isang oras na lang bago kami mag-close. Kinuha ko ang camera kay Alyanna at muling kumuha ng mga larawan. Justin's parents with Alyanna. Gino and Xan laughing with each other like they are the best buddies in the world. The unknown visitors. Teens on their uniforms. Masaya ako na successful ang unang araw namin dito. Balak namin na mag-open ng shop tuwing hapon, after class hanggang six ng gabi. Ilang oras lang pero at least makabenta man lang. And we'll open every weekends, including Sunday. Sana ay maisabay namin sa pag-aaral. "No coffee for you, kiddo," rinig kong sabi ni Gino kay Xan. Lumapit ako sa kanila at isinandal ang dalawang siko sa may counter. Lumingon si Xander sa akin, he's wearing his paawa face. "Dada, I'm thirsty." Aww. Cutie baby. "Thirsty raw," sabi ko. "I have water here." "Kape!" Humalakhak ako nang marinig iyon mula sa bibig ni Xander. Masarap naman kasi talaga ang kape pero hindi talaga siya recommended for kids. Dapat dito gatas. "Patikman mo na," mahinang sabi ko kay Gino. Umiling ito agad. He's too protective on his son. "Kaunti lang." "No." Mukhang nauuhaw na nga si Xan, kawawa naman. Nagpapaawa itong tumingin sa dad niya. I sighed. "Do you want buko juice, baby?" tanong ko. Masigla itong lumingon sa akin at mabilis na tumango. Tumingin ako kay Gino, nanghihingi ng permiso. Pwede naman na kami lumabas sandali dahil pasara na rin, baka huling customers na ang mga narito ngayon. "Saan kayo bibili?" He looks so serious. Para namang hindi ko ibabalik ang anak niya. "No, you're too clumsy to look after him." "Ang sama mo ha! Diyan lang sa kabilang kanto." "I want, dada!" Gino sighed. Wala na rin siyang nagawa dahil gusto rin namang sumama ni Xander. Itinaas ko ang dalawang kamay upang alalayan si Xan na bumaba mula sa pagkakaupo sa may counter. "Get your phone," utos ni Gino. Kinuha ko ang phone mula sa aking bulsa, itinaas at pinakita sa kanya. Pagkatapos ay ibinalik ko iyon at hinawakan ang kamay ni Xander at masayang lumabas ng shop. This day is exhausting but amazing. Sana talaga ay ma-meet namin yung funds na sinabi o kaya ay malagpasan. I don't want to disappoint our beneficiaries. "Anak mo, hija?" tanong nung nagtitinda ng buko juice. Nagluluto rin ito ng mga streetfoods katulad ng fishball, kikiam, hotdog, at kwek kwek. "Ah, hindi po," sabi ko at hinawakan ang baso ng buko juice ni Xan dahil baka mabitawan niya. "Hotdog!" Tinuro nito ang hotdog. "Kuya, isa pa nga pong hotdog." Gusto ko rin bumili ng fishball kaso mamaya na lang siguro dahil hindi ko na mahawakan. "Kapatid?" "Anak po ng kaibigan ko." "Oh. Napakagwapong bata naman. Saan kayo nakatira rito?" "Hindi po kami nakatira rito. Sa amin po yung bagong shop na kaka-open lang kanina." "Yung coffee shop ba, hija?" I nodded. "Punta po kayo kapag may time kayo." Ngumiti ito at nakipagkwentuhan pa. Abala naman si Xander sa pagkain ng hotdog at maya't maya ko ring tinitingnan. It's a beautiful day out here. Busy ang mga tao at the same time ay ang payapa ng lugar. May mga naglalakad na ring mga estudyante, mukhang uwian na. I checked my watch, kailangan na pala naming magsara. "Ubusin mo na ito at babalik na tayo," sabi ko kay Xan at inalalayan siya sa pag-inom ng buko juice. "Sarap!" Natawa kami ni kuyang tindero. "Let's go back na," aya ko sa kanya. Nagkusa naman itong iabot ang sariling kamay sa akin. Oh, what a cutie. Malapit lang naman ang shop kaya nakarating kami kaagad. Nag-aayos na sila ng mga gamit, wala na rin ang parents ni Justin. Is Xan going home with Gino? Well, linggo naman bukas. "Ches!" Lumapit si Alyanna sa akin. Bahagya itong natigilan at napukol ang tingin sa bata na hawak ko. Then she mouthed me, "Sino ito?" Bago pa man ako makasagot ay tinawag na ni Xander ang tatay niya. "Dada," he called and run to him leaving Alyanna dumbfounded. "Oh my gosh!" Her lips parted as she follow her gaze to Xan. "Oh my gosh, Cheska." Hindi ko maiwasang hindi matawa sa reaksyon niya. Paano pa ako noong una, 'di ba? Ni hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makapag-react gaya ng ginagawa niya ngayon. "Ayos na lahat, guys? Pack up na?" malakas ang boses na tanong ko. Nag-thumbs up si Justin sa akin. "P'wede na umuwi. Ako na ang magsasara." Tinapik ko ang balikat ni Alyanna. "Una na ako--" "Teka!" Lumapit ito kay Justin at hindi ko narinig ang pinag-usapan nila. Humalukipkip ako habang hinihintay siya, don't tell me plano niya lang na inggitin ako? As if. Habang naghihintay ay lumapit ako kay Gino at Xander. Nakaayos na rin si Gino, nakalagay na ang mga gamit sa bag at naghahanda na ring umalis. "Congrats," sambit ko rito. He gave me a small smile. "Congrats to us." "I'll go now," paalam ko. Humarap ako kay Xan at pasimpleng ginulo ang buhok nito. "Bye, baby." He waved his cute little hands to me. Aww. Ngumiti akong muli at tumalikod na. But then, someone called my name so I have to stop and turn around once again. "Francheska," he called. Pinanatili kong kalmado ang itsura kahit naghuhurumentado na ang sistema. "Xan wants you to join us tomorrow." Xan gave me a cute, puppy-like, smile. Tila ba naintindihan niya ang sinabi ng ama, of course he understands. Talaga bang gusto niya ako isama? I mean, for a kid to ask you as his companion, that's really something. "Saan?" tanong ko kahit alam ko naman na kahit saan ay sasama ako. But I have to go home early for family dinner. Naka-oo na ako kila mommy. "Some park outside the city." "Are you seriously inviting me?" I feel overwhelmed. Hindi ako makapaniwala na talagang iniimbitahan niya ako, I mean, siguro nga sinabi iyon ni Xan pero... "Xan wants you to come. Ayos lang naman kung busy ka. I can just ask Justin instead--" "Sino may sabi na busy ako?" "So, you're going?" "Seryoso ka ba na si Xan ang may gusto na isama ako?" He glared at me this time. "Biro lang." I laughed, pikon masyado. "Do you want Cheska to come, Xander?" "Yes! And we'll play!" "Pumayag ka na sumama ako?" pangungulit ko kay Gino. "Para may mapag-iwanan ako kung bigla ako nagkaroon ng emergency na lakad," anito. Ngumiwi ako at inirapan siya. I know he didn't mean it though. "Saan tayo magkikita?" "Susunduin ka na lang namin." "Okay. Ano ang isusuot ko?" "Nanny dress." "What the fvck?" Tiningnan niya ako ng masama saka pasimpleng isinenyas sa akin ang kasama naming bata. Oh my gosh, I'm sorry. Bakit ba kasi nakakabwisit siya magbiro. "Watch your mouth," mahina pero mariin na sambit nito. "Whatever!" Nagpaalam na ako ng tuluyan kay Xan at saka hinarap si Alyanna na nakatingin sa amin at nakangiti. "What?" iritadong tanong ko. "Hi, momma!" I hissed. Bakit ko ba naging kaibigan ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD