"Like seriously? Anak niya talaga iyon?" Pang-limang beses niya ng sinabi iyan.
Sa akin pa talaga siya sumabay para lang mang-usisa. This girl! Kaya pala lumapit kay Justin kanina para magpaalam dahil sa akin sasabay. She's really something.
Sa muling pagkakataon ay nagbuga ako ng hininga.
"Kamukha niya naman talaga yung bata. Pero sino raw ang nanay?" I shrugged. "Hindi mo alam? Hindi mo man lang tinanong?"
"Ano ka ba? Kailan lang naman kami naging okay ni Gino sa isa't isa. Saka isa pa, hindi ko rin naman kaya magtanong ng mga ganoon ka-personal na tanong, ano!"
"Kahit na! Nag-research ka man lang sana. O nagtanong-tanong."
"Ewan ko sa'yo."
She groaned. "Paano na kayo?"
Sinilip ko siya. Mahaba ang nguso at mukhang problemado. Umiling-iling ako. Ano bang pinaglalaban ng babaeng ito? Gino and I are just project partners and friends. Wala na.
Bumalik sa isipan ko kung paano niya ako niyaya kanina. Oo at sinabi niya na dahil kay Xan pero hindi ko maiwasang hindi mapaisip na gusto niya rin akong isama sa lakad nila bukas. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang ngisi dahil masyadong tsismosa ang kasama ko ngayon.
Great. Hindi dapat lumalim ang paghanga na nararamdaman mo sa taong iyon, Cheska. Don't ever fall for him. Hindi ka no'n sasaluhin. Isa pa, baka naka-bakasyon o nasa ibang lugar lang ang nanay ni Xan, Gino's girlfriend. Ayaw ko naman maging panggulo sa relasyon ng iba, ano!
"Ayusin mo na ang mga dala mo, malapit na tayo."
"Pero open ka naman sa mga lalaki na may anak na?" Napanganga ako sa sinabi niya. Bakit wala man lang connect sa sinabi ko?
"Shut up, Alyanna."
"You can mother his child," aniya na hindi ako pinapakinggan. Para siyang nag-i-imagine at may sariling mundo. "Mukha naman kayong close nung bata. Carbon copy rin naman ni Gino kaya hindi na nila malalaman kung anak mo man iyon o hindi. Isa pa, past na iyon, hindi naman na importante. Ang mahalaga ay maging masaya kayo sa relasyon niyo. Tanggap--"
I hit the break and she stopped talking nonsense.
"What the heck, Cheska?" bulalas niya sa pagkagulat.
Ngumisi ako. "Salita pa, ha?"
"Sinasabi ko lang naman na--"
"Labas na."
Umirap siya at kinuha ang mga gamit. Pagkasara ng pinto ay dumiretso na siya sa loob. Great, akala ko ay may sasabihin pa siya na wala naman talagang sense.
Pag-uwi ko ay dumiretso ako sa closet para mamili ng isusuot bukas. I don't think I can sleep without a final dress for tomorrow.
Nanny dress
I rolled my eyes when I hear his voice inside my head. Nanny dress, huh?
Mag-dress kaya ako? Yung agaw-pansin talaga? But I don't want the attention especially tomorrow. Baka hindi mag-enjoy si Xander kung marami ang nakatingin sa gawi namin, especially that Gino is very attention-magnet. Attention-magnet na nga siya makikisali pa ba ako?
Sa huli ay pinili ko na lang ang off shoulder with ruffled sleeves ending just some inch past my elbow. White iyon at tube-style. Pa-partner-an ko na lang ng mom jeans. Mas okay na rin ito para komportable ako sa sarili ko.
Nag-alarm ako ng four thirty. Too early, 'di ba? Kasi baka hindi rin ako magising ng ganoon kaaga. I will probably snooze my alarm over and over.
I was right. Alas-singko na nang maisipan kong bumangon matapos ang ilang beses na pag-snooze sa alarm na s-in-et ko.
Bumangon ako para mag-cereal sa baba. Dad is reading a newly published newspaper and mom is busy eating her food.
"May lakad ka?" tanong ni mommy. "Ang aga mo, ah? Linggo ngayon," paalala niya.
"Mom naman. May lakad ako pero uuwi rin ako ng maaga. You promised to have steak with me, right?"
"And wine?" Daddy.
Humalakhak ako. Umupo na ako sa pwesto ko at nakisabay sa kanilang kumain. After eating my fair share of breakfast, umakyat na akong muli sa kwarto para makapaghanda na. Naligo at nagbihis ng inihanda kong damit kahapon. Pearl earrings at cartier bracelet lang ang isinuot kong aksesorya. Hindi kasi ako mahilig mag-kwintas lalo na kung alam kong pagpapawisan ako.
And speaking of pagpawisan, nagbaon na rin ako ng cropped shirt in case.
Hindi ako nagsuot ng make-up. Naglagay lang ako ng sunscreen at colored lip balm. Pinanatili kong nakalugay ang buhok at nag-flat sandals lang.
"Mom, Dad, punta na ako," sigaw ko bago lumabas ng bahay dahil nandoon na ang sasakyan ni Gino.
I opened the passenger seat, I assumed na dito ako uupo, at napatunayan ko iyon nang makita si Xander sa likod na nakapikit ang mata at nakahiga. Nakabihis naman na ito pero mukhang masyadong maaga.
"Inistorbo mo ang tulog niya," sabi ko.
"Siya ang nang-istorbo ng tulog ko," sagot ni Gino.
Naiisip ko kung paanong nagising si Xan at ginising nito si Gino. How cute!
Honestly, hindi ko alam kung anong way itong tinatahak ni Gino. Nagugutom ako pero nahihiya naman akong mag-request na dumaan sa fastfood kaya sinarili ko na lang. The silence between us is deafening that's why I decided to take a nap. Hindi niya rin naman ako kinakausap so ayos lang siguro.
Nagising ako nang maramdaman na huminto ang sasakyan. I immediately wiped all the particles on my face. Umayos ako ng upo at narinig ang boses ni Xander.
"We're here!" he sounds so cheered up. "I can't open the door, dada!"
Tinanggal ko ang seatbelt, bumaba sa sasakyan at tinulungan si Xan na buksan ang pintuan niya. He jumped out of the car excitedly. Kinabahan pa ako sa ginawa niya pero napangiti na rin kalaunan nang makita itong masayang nagtatatakbo.
Well, the scene is not what I expected it to be. Tahimik ang buong lugar, marahil siguro ay dahil maaga pa. Malamig ang simoy ng hangin at buti na lang ay hindi ako nag-sleeveless bagaman off-shoulder ang suot.
"Ano iyan?" Gino walk passed me holding a basket and a mat. "Magpi-picnic ba tayo?"
Sinundan ko siya agad kahit hindi niya ako pinansin. We're in a hill. Hindi ko lang alam kung nasaan ba kami specifically. The cold breeze is unusual, parang hindi naman ganito kaninang umalis kami sa Manila, or are we still in Manila?
Kinuha ko ang mat kay Gino at hindi naman na siya nakipagtalo pa. Inilatag ko iyon bago binalingan ang anak niya na masayang nagliliwaliw mag-isa. Kinuha ko ang cellphone at lumapit dito.
"Xander," tawag ko. Lumapit naman siya agad. "Picture-an kita. Smile at the camera ha?"
Ngumiti ito at pinakita ang maliliit na ngipin. Natutunaw ang puso ko habang nakatingin sa kanya. The kid is disciplined and kind. I salute Gino for raising his kid like this. Kung nasaan man ang nanay nito, swerte rin siya, for having a kid like Xander wala ka ng mahihiling pa.
"Come on, let's eat." Hinawakan ko ang kamay niya at pasayaw-sayaw kaming bumalik sa pwesto ni Gino.
Medyo nahiya ako nang makita ang mga pagkain, ni wala man lang akong naiambag. Hindi ko naman kasi alam na picnic pala.
"Coffee?"
"Nagdala ka ng kape?" kuryosong tanong ko at namataan nga ang medyo may kaliitang thermos.
Inihagis niya sa tapat ko ang tatlong pack ng coffee na iba-iba ang kulay. "Instant lang. Pili ka na lang."
"Thanks!" I chose the original flavor. Naglagay ako sa styro cup at naglagay na rin ng tubig. "Saan mo nahanap itong place na ito?"
Bumaba ang tingin ko sa tinitimpla niya nang mapansin na hindi iyon kape. He's making a chocolate drink for Xan. Pagkatapos ay itinabi niya iyon at kumuha ng pinggan para sa pagkain ng anak.
Small things that I hope Xan would appreciate someday. Alam kong ganito rin sa akin sila dad and I can't help but to appreciate them more today.
Habang kumakain si Xan ay nakaalalay si Gino. Nanguha na rin ako ng akin at lumapit ng kaunti sa gawi nila. Kumakain si Xan gamit ang kamay, mukhang hindi pa sanay gamitin ang kutsara pero ang cute lang dahil hindi na siya masyadong umaasa sa ama.
"P'wede ba akong magtanong?"
"Nagtatanong ka na."
I rolled my eyes. Kailan ba siya magiging matino kausap?
"Where is his mom?"
Kinabahan ako nang hindi siya agad sumagot. Did I touch a sensitive topic? I looked at his son who's busy eating his food. Sinadya kong hinaan ang boses para hindi marinig ng bata. I wonder, hindi niya kaya hinahanap ang mom niya? Surely there is Gino and there is also his uncle Justin but... iba pa rin kapag may nanay.
"She's gone."
Two words but I can definitely hear the pain from his voice.
"Anong ibig mong sabihin? Did she... left you?"
He sighed. "Yeah, something like that."
"Open ka pa rin ba na, you know, magmahal ulit kahit hindi maganda ang mga nangyari sa nakaraan?"
"Not my priority as of the moment."
Ilang taon kaya si Xan nang iwan sila nung babae? May matinong reason naman kaya? Sana ay mayroon. Hindi ko kasi ma-gets kung bakit niya iiwan ang mag-ama niya. She carried the baby for nine months, paniguradong minahal niya rin ito habang nasa tiyan niya.
Na-curious tuloy ako. Anong klaseng babae ba siya? I mean, for a Gino Sanderson to fall in love with her? That's something.
"Ano bang type mo sa isang babae?" Halos hindi ko na galawin ang pagkain sa dami ng tanong na ibinabato ko sa kanya.
"Drink your water, Xander," utos nito sa anak niya bago muling bumaling sa akin. "You were saying?"
Humigop muna ako ng kape bago inulit ang tanong. "Ano bang type mo sa babae? I mean, in time, if naka-move on ka na, and... you know, Xan needs a mother, too."
Pinaningkitan niya ako ng mata. "Are you applying?"
"Of course not!" I scoffed. "Nagtatanong lang. P'wede namang hindi mo sagutin."
Namumula ang mukha na lumingon ako sa kabilang banda. Ang feeling niya ha!
"I don't like a nosy woman," anito na para bang sinasabi na ayaw niya sa akin.
"I'm not nosy," pagtatanggol ko sa sarili at agad siyang hinarap. Nagtaas ito ng kilay at may multo ng ngiti sa mga labi. "H-hindi ko sinasabi na dapat mo akong magustuhan. I was just saying that--"
"Dada, busog na ako. Can I play?"
Nagkatinginan kaming muli ni Gino at ako ang naunang nag-iwas ng tingin dahil may pang-aasar ang tinging ipinupukol niya sa akin.
"Finish your food," sabi ni Gino sa akin saka tumayo at kinuha ang anak.
Iniwan nila ako pero nakikita ko pa rin naman sila. Wala akong ideya sa gagawin nila pero nang makita ang inilabas ni Gino mula sa trunk ng kotse ay nahulaan ko na agad. They were going to fly a drone. Tingin ko ay hindi naman iyon totoo, laruan lang.
Ang excitement na nakabalandra sa mukha ni Xan ang siyang nagpangiti sa akin.
If ever, just if ever that Gino would finally open up to someone, sana ay kasundo nung babae si Xan. I hope she'll love the kid like he is her own.
Pagkatapos nilang maglaro ay lumapit sa akin si Xander. "Taya!"
My lips parted. Nagtatanong akong tumingin kay Gino pero nagkibit-balikat lang ito. Tumakbo palayo si Xander sa akin at natatawa akong umiling.
Tumakbo ako upang hulihin si Gino. He was caught off-guard.
"Taya!"
Tatawa-tawa akong lumayo kay Gino at nagtago sa likod ni Xander. He's a bit hesitant to run after us at first but when he did, walang katapusang tawanan at takbuhan ang nangyari.
We ate our lunch on the same spot, hindi umaraw, buti na lang.
Kaya nang pauwi na kami ay talagang knock-out si Xan. Malalim ang tulog nito sa likod ng sasakyan.
"Lagi niyo bang ginagawa ito?" tanong ko.
"Alin?"
"Picnic, going out... Mukhang malapit ang loob sa'yo ni Xan. You know, boys are usually not that close to their dads at that age."
"Wala siyang choice," he chuckled but I can feel that he's hurting. "Kapag may time lang. But I always make sure to spend some time with him, at least."
"Was it hard?" Now, that's the question I've been wanting to ask. "You know, magpalaki ng bata, mag-alaga...? Tapos nag-aaral ka pa..."
"Everything is hard, Francheska." Nilingon niya ako sandali bago binalik ang tingin sa daan. "Pero kapag mahal mo ang ginagawa mo at importante sa'yo ang nakasalalay rito, you'll never think of it as a hard work. After all, family is everything to me. Xander is my everything."
Iyon na yata ang pinakamatinong sinabi niya sa akin. Coming from a man like him? Alam ko na hindi madali lahat para sa kanya. Ngayon ay unti-unti ko ng naiintindihan. Hindi siya snob na tao, he just choose his circle strictly. Nasaktan na siya noon ng babaeng mahal niya, iniwan, kaya siguro ay ayaw niya na lang na maulit ulit iyon.
I went home that afternoon and ate steak with my parents. I should be thankful I have both of them. Si Gino iniwan ng mahal niya at si Xander ay walang ina sa tabi niya. How hard could it be?
"Thank you, mom. Thank you, dad," emosyonal na sabi ko sa kanilang dalawa.
"Hindi nakakalasing ang wine na binili ko, anak," tatawa-tawang sabi ni dad.
"Daddy naman."
Ginulo niya ang buhok ko. "Whatever is bothering my daughter's mind, it will soon go away. It will soon be okay."