"Hello po. May iced coffee din po ba?"
"Yes."
Kumukuha ako ng order at si Gino ang nagtitimpla, he's good at it so I assumed he likes the job. Isa pa, masyado siyang agaw-pansin dito sa harapan.
Katulad na lang ngayon...
May pumasok na dalawang babae, kapwa maikling skirt ang suot. They look like high school students with full make-up on. Ngumiti ang isa sa kanila at inilagay ang takas na buhok sa likod ng tainga, obvious na obvious ang pagpapa-cute.
"Hello po," she greeted me. Ako ang binati niya pero sa likod ko siya nakatingin.
"Anong order niyo?" magiliw kong tanong at pinipigilang matawa. Why am I experiencing this kind of situation?
"Ano pong pangalan ni kuya?"
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Tiningnan ko ng masama si Gino, kunot-noo naman siyang bumaling sa akin.
"Bakit hindi ka kaya mag-mask?"
Yep. Isa lang iyan sa maraming eksena sa araw-araw naming pagbabantay sa shop. Two weeks passed. Kapag nagpresinta sina Alyanna at Justin na magbantay ay siya namang pahinga namin ni Gino. Pagkauwi galing sa shop ay maliligo at mag-aaral na ulit.
I'll woke up at four to read lessons in advance and sleep at around eleven or twelve. Hindi ko alam kung paano kong kinakaya iyon pero alam ko na unti-unti ng nagiging zombie ang katawang lupa ko.
I yawned. Pipikit-pikit ang mata ko at hindi napansin ang tao sa aking harapan.
"Ouch," I murmured. Umatras agad ako at hinimas ang aking noo na nauntog sa matigas na bagay. Mapupungay ang mata na tiningnan ko kung sino iyon. Unti-unti itong humarap sa akin.
Damn. I'm really sleepy.
"Spacing out again?"
Nakahinga ako nang maayos ng marinig ang boses ni Gino. Thank God it's him. Baka mamaya ay magalit pa iyon kung ibang tao.
"I told you they're going out. See? Hindi nagalit si Gino sa kanya," I heard a voice from behind.
Ugh! Tsismis all the way.
"Inaantok ako," sabi ko.
"Yeah. Obviously," anito. "Hindi ka na sana pumasok."
"Like I can? Tss. Kailangan kong mag-attendance."
"Hindi ka babagsak sa isang absent."
"Ayaw ko sumugal, noh! Baka yung isang beses lang na iyan pa ang maging dahilan para masira lahat ng pinaghirapan ko."
He tsk'ed. "Let's go!"
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at wala sa sariling sumunod naman ako rito. Well, he's holding my wrist, ano ba ang magagawa ko, 'di ba?
Pinagtitinginan kami at hindi ko alam kung hindi ba siya aware sa paligid o sadyang wala lang siyang pakielam. And then I catch Aira giving me death glares. Hindi na masyadong nagsasalubong ang landas namin pero kung makakapatay lang ang tingin, ilang linggo na akong nakalibing.
I guess she hasn't move on. Talaga bang may gusto siya kay Gino? Noong una ay akala ko gusto niya lang si Gino dahil medyo challenging ang personality nito. He's snob, aloof, quiet... very unlikely to other boys in our batch.
"Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ko dahil sa cafeteria kami huminto.
Binitawan niya ang kamay ko at nagtungo sa counter. Mangilan-ngilan lang ang tao ngayon, most of them are having breakfast and some are having small meetings.
"Two 3-in-1 coffee, please."
Huh?
Binigyan siya ng nagbabantay roon ng dalawang pack ng 3-in-1. Sinundan ko siya nang magtungo ito sa kuhanan ng mainit na tubig. Dala-dala niya ang dalawang baso ng mainit na tubig habang naglalakad kami papunta sa pinakamalapit na upuan.
"Seriously?" Tiningnan ko ang relo. I still have fifteen minutes pero siya? "Hindi ka pa ba male-late?"
Tila natauhan naman ito at tiningnan ang sariling relo. "P'wede namang ma-late."
"Pero yung attendance mo--"
"Ako ang nagche-check ng attendance. Now, why don't you sit and help me pour this coffee on the water?"
Sinunod ko ang sinabi niya at umupo sa tapat nito. Ngayong nasa harapan ko na siya at naaamoy ang kape sa pagitan namin, parang hindi totoo lahat. Unti-unting nag-flashback sa akin ang mga nangyari nitong mga nakaraan.
How he hates having me around. How I hate him because of his attitude. Hindi namin gusto ang isa't isa at hanggang ngayon ay palaisipan sa akin ang letter na nakapangalan sa kanya. Sometimes I want to ask, but most of the time I want to keep it to myself.
Pero sa hindi inaasahang pangyayari, heto kami ngayon. Hindi man kasing close nila ni Justin, pero ako naman ang susunod kay Justin na pinaka-close niya rito. I do think that's some achievement I can definitely brag around.
"Male-late ka talaga kung hindi ka pa iinom."
Ngumuso ako. Pero madalas ay panira siya ng trip.
"Ano'ng trip mo?"
"Kapag hindi ka nakinig sa klase mo ngayon dahil inaantok ka ay sa akin ka na naman nagpapaturo. I'm helping you but I'm giving myself a favor, too."
"Ano?" natatawang tanong ko. "Nag-a-advance reading ako, noh! Kahit um-absent ako ngayon ay hindi ako mahuhuli sa topic."
"Really?" He raised a brow. He dared, huh. "Pero takot ma-absent sa attendance sheet?"
Inirapan ko siya. "Come on! Who doesn't? Ikaw man ang laging top sa klase o hindi, importante sa mga estudyante ang attendance. Of course, hindi mo iyon alam dahil ikaw ang taga-check."
"Ako ang in-assign dahil lagi akong maaga at present sa klase."
"Yeah, yeah."
Hindi rin naman epektib ang kape dahil antok na antok ako buong umaga. I managed to keep myself awake inside the class pero ang utak ko ay hindi na talaga kayang makinig pa.
Buti na lang ay nagpresinta si Alyanna na magbantay ngayon kaya maaga akong makakauwi.
I used the time to sleep. Kaya kinaumagahan ay mayroon na akong sapat na energy para sa araw na iyon.
"Hi, Gino!" Binunggo ko siya sa balikat nang mahina ng makita ko siyang naglalakad papasok sa university. Magkasunod lang kaming nag-park ng sasakyan pero mukhang hindi niya napansin ang akin.
"Good mood, huh?"
"Hindi naman. Nakatulog lang." I grinned at him. Nakasuot ako ng backpack ngayon kaya nakahawak ang dalawang kamay ko sa magkabilang strap nito.
Tumango lang siya. Ang ganda kausap talaga.
First period. Second period. Third. And fourth. I still feel so energized like half of the day hasn't pass yet.
"Francheska Guerrero looks so happy today..."
Nakipag-apir ako kay Alyanna bago umupo sa tabi ni Gino. Abala si Gino sa phone kaya hindi ko naiwasang hindi silipin kung ano ang ginagawa niya. Hindi sinasadya na makita ko ang picture ni Xander doon na nagsi-swimming kasama ang ilan pang mga bata.
"Saan iyan?" Too late when I realized that it's not appropriate to ask it. Lalo na't sumilip lang ako sa phone niya.
"Justin's house."
"Oh? Ang tagal ko ng hindi nakita si Xan."
"Come over for dinner later."
"Talaga?" Eksaherada akong humarap sa kanya. "Hindi nga? Ini-invite mo ako?"
The excitement that ignites within me is unexplainable. Dahil ba makikita ko si Xan o dahil makakasama ko si Gino? Hindi ko alam. Sa tingin pa lang ni Alyanna ay alam ko ng nawi-weirdo-han siya sa akin at sa mga actions ko. Hindi ko siya masisisi dahil maski ako ay nawi-weirdo-han sa sarili ko.
I'm not usually blunt and noisy. Sabi ko nga, introvert ako. But there's something about Gino that I always find something about myself that I don't know about before.
Or was it because I'm growing? Maturing?
"Kung hindi ka lang naman busy," sabi niya ng hindi man lang ako tinitingnan.
"Minsan lang naman. Sa susunod busy na ako."
"Pfftt--" I glared at Alyanna who's eyeing at me and trying to stop herself from giggling.
Ngumiti siya sa akin pero halata sa mukha na natatawa siya. Talaga bang ang weird ko na?
Hindi sumagot si Gino pero hindi na nawala pa ang excitement ko. I missed Xan so much. Huli kong kita sa kanya ay kulang-kulang dalawang linggo na. Hindi naman ako makatambay sa park nila these days dahil maulan.
Sa pagkakataong ito ay ako ang naunang natapos ang klase sa amin ni Gino. Hinintay ko ito at magkasunod ang sasakyan naming dumiretso sa bahay nila. Justin and Alyanna will be the one to open the shop today. Enjoy na enjoy silang dalawa roon. At pabor na rin sa akin iyon dahil medyo nakakapagod talaga ang trabaho roon kahit na wala masyadong ginagawa.
Waiting game is a hard game kaya!
"Cheska!" Tumakbo sa akin si Xan at agad akong niyakap.
I hugged him back tightly. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako tinatawag na ate o tita. Nasanay na rin ako sa tawag niya kaya hindi ko na ginawang big deal pa at hindi na rin siya itinama.
Binuhat ko ito at naglakad kami patungo sa kusina.
"Weekday ngayon, ah? Bakit dito siya matutulog?" tanong ko kay Gino na nagsusuot na ngayon ng apron.
He's a good cook. I know because I have tried his cooking once before.
"Wala siyang kasama roon ngayon," sagot niya na hindi na nasundan pa.
Umupo ako sa bar stool at inalalayan si Xander na maupo sa kabila. He's eating an ice cream.
"May tanong lang ako, Gino..."
"Ano?"
"Sino nagpangalan sa kanya?"
"Hmm?"
"Kay Xander."
"Ako."
"Bakit Xander ang pinangalan mo?"
"I like the name."
"Iyon lang?"
Tiningnan niya ako. "Bakit? Ano ba dapat?"
Ngumuso ako. "Ang boring mo talaga. By the way, anong plano mo after graduation?"
"Why?"
I shrugged. "Hindi ko pa kasi alam kung anong balak ko sa buhay ko. I mean, I wanted to work s'yempre pero... alam mo iyon, parang hindi ko sure kung saan ba dapat ako, kung saan ako okay na field..."
"Bakit mo tinatanong ang akin? Gagayahin mo?"
Umamba akong babatuhin siya ng hawak na kutsara- kumakain din kasi ako ng ice cream, nanghihingi lang naman. Ibinaba ko rin iyon pero nahuli niya na bago ko pa man magawa.
"It's not a good sight for the kid, Cheska."
"Ang pangit mo kasi kausap."
"Bakit ka sumama rito?"
"Si Xan ang gusto ko makita, ano! Ang feeling mo."
Hindi niya na pinatulan pa ang mga sinabi ko at nagpatuloy na lang sa pagluluto. We're already friends pero sa maraming pagkakataon ay hindi niya pa rin nagagawang mag-open sa akin. Katulad na lang ngayon na tinanong ko kung ano ang balak niyang gawin after graduation. Kapag mga seryosong usapan tungkol sa buhay ay hindi niya magawang sagutin ang mga tanong ko.
He's that aloof. I wonder what Xander's mom did to him for him to be like this.
"Do you want to play cars?" Xander nodded his head up and down. "Gino, akyat muna kami sa kwarto niya."
"Make sure to clean up after, okay?" bilin niya kay Xan. Pagkatapos sumagot ng bata ay sa akin naman siya humarap. "Okay, you may go now, nanny."
"What?" Bumuka ang bibig ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang sabihan ng hindi magandang salita pero kinontrol ko ang bibig dahil nasa harap kami ng bata.
He let out a playful smirk. Sa halip tuloy na mainis ay parang natunaw pa ang puso ko sa mahina niyang pagtawa. Why I find it so precious? His laugh and smile. No matter how annoying the reason was.
Pangalawang beses ko ng makaakyat sa kwaro ni Xan pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako. Hindi super childish ng design. It looks like a room of a teenage boy with a car collection. Maganda at hindi masakit sa mata ang blue na kulay nito. He also has a small corner-like library. Gusto yata ni Gino na maging kasing talino niya ang anak.
"Where's your favorite car?" tanong ko.
"Here!"
Tag-isa kami ng remote control at tag-isang sasakyan. Naglaro kami ng race na may pa-zigzag zigzag na daan.
"No, no, no, nooo..."
Natawa ako sa panggigigil niya. He obviously wanted to win at ayaw ko rin namang matalo siya kaya sinadya kong bagalan. Madali naman niya akong nalagpasan dahil kaunti lang ang agwat ng sasakyan namin.
"I won!!" Tuwang-tuwa ito at nagtatatalon. "You lose. But it's okay."
Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok nito. "Palit naman tayo ng car? Mukhang madaya yung car mo, mabilis."
Mabilis ulit siyang tumango. Honestly, he's not the only one who enjoys it. Ako rin nag-e-enjoy. I never got a chance to play something like this when I was a kid. Isa pa, natutuwa ako sa reaksyon niya kapag natatalo o nananalo. Either way, he's a sport player.
Tumigil lang kami sa paglalaro nang tawagin na kami ni Gino.
Hinawakan ko ang kamay ni Xan habang pababa kami ng hagdan.
"Dito ka rin po ulit bukas?"
Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko iyon sasagutin lalo na't sa tono at mukha nito ay nag-aabang siya sa pag-oo ko.
Nanghihingi ng tulong na tumingin ako kay Gino. Seryoso lang ang tingin niya sa akin, hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko. Tumawa na lang ako at iniba ang usapan.
"Kain na tayo..."
Nang makalapit ako sa tabi ni Gino ay bumulong ito sa akin. "It's scary. Nasasanay na siya sa'yo."
"Huh? Ano namang nakakatakot doon?"
"He might not accept my girlfriend in the future to be his mom." He smirked.
What?