24

2166 Words
Nagpagulong-gulong ako sa kama. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, kung ano ang uunahing isipin. Basta ang alam ko ay wala akong nagawa ngayon dahil sa sinabi ni Gino kanina. Ayos na yung sinabi niya, eh, pero bakit ngumisi pa siya? It was as if he's having fun with it. It was as if he's happy with it. Ayaw ko na mag-assume. No, Francheska, hindi na tayo mag-a-assume. Si Gino? Magkakagusto sa'yo? Imposible. Does he like me now? I shook my head immediately after that thought. Baka mauna pang maging square ang mundo bago mangyari iyon. Baka nasabi niya lang iyon dahil gustong-gusto ako ni Xan, o baka biro niya lang pero masyado kong sineseryoso? I was running late the next morning. Ni hindi na ako nakapag-breakfast dahil sa mga gumugulo sa isip ko kagabi. Hinihingal akong umupo sa tabi ni Monica. "Late kang nagising?" she asked. "Oo, medyo." "Bakit? Nag-aral ka kagabi?" Umiling ako. "May mga ginawa lang..." This is not good. Pagdating ng lunch break ay bumili ako sa cafeteria pero hindi roon kumain. Nag-text na lang ako kay Alyanna na gusto kong bumalik sa dati naming tambayan. Tahimik doon at gusto ko ng katahimikan ngayon. The past few days and weeks has been a total rollercoaster to me. Magulo, ang daming nangyari... And thinking about it now, I'm afraid that I might end up... really falling for the guy who won't even dare to catch me. Pabuntong-hininga kong ibinaba ang mga gamit sa mesa saka umupo. I look around the place. Halos walang nagbago. Kakaunti pa rin ang dumadaan at tumatambay rito. Tahimik pa rin. Maliban sa ilang mga halaman na batid kong bago lang dito. Pinupunasan ko ang kutsara ng tissue nang may mangahas magbaba ng pagkain niya sa tapat ko, sa mismong mesa ko. Naiinis akong nag-angat ng tingin at dahil sa araw ay hindi ko agad napansin kung sino iyon. "Leave. I'm not up for some fun." "Won't you even welcome me to your favorite spot?" Kumurap-kurap ako at tiningnang mabuti kung sino ang nasa tapat. Umupo siya ng hindi hinihintay ang sagot ko. Is this... "Gino!" bulalas ko sa gulat. "A-anong ginagawa mo rito?" "Maingay sa cafeteria," anito na para bang hindi siya ilang taon na kumain doon. "I won't buy that." "I'm not selling it." "Ha! Ha! Funny..." He eyed me curiously. "What's wrong with you?" "Huh?" "You're not on your usual self." Tumikhim ako at nagbaba ng tingin sa mesa. Damn. I'm here to avoid this guy, to think quietly, to have a peace in my heart. Bakit siya nandito? Ramdam ko ang titig niya sa akin pero nagpatay-malisya na lamang ako. Alam ko kasi na kapag nagpadala pa ako sa mga nangyayari ay ako lang din ang masasaktan sa huli. I've never tried falling in love but I know when it's coming. And this is a walking red flag. No, I'm not gonna fall for this. Not to him. Mabilisan kong inubos ang pagkain saka tumayo na. "Mauna na ako, Gino, dadaan pa ako sa library," paalam ko habang sinusubukang gawing normal ang boses. "Sabay na tayo." "Ah?" pasigaw na reaksyon ko at humarap pa sa kanya. Nakabuka ang bibig ko at ang dalawang mata'y nanlalaki. Napaigtad siya sa ginawa kong pagsigaw. Mukhang nagulat din siya. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili. Sumakto pa na humangin ng malakas at humarang ang buhok sa mukha ko. Sinikop ko iyon at tinalian habang pinapanood ko siyang ayusin ang pinagkainan. Tahimik kami pareho ni Gino habang naglalakad patungo sa library. Normal naman sa kanya ang pagiging tahimik pero hindi ko alam kung bakit nininerbyos ako ngayon. Was it the air? "Anong kukunin mo?" I asked after I realized I'm really weird today. Alam kong nagtataka na siya sa mga kilos ko lalo't hindi ako ganito kapag kami ang magkasama. "Magbabalik ng libro. Ikaw? Anong gagawin mo rito?" Now... Think of an excuse, Cheska! At ano naman ang gagawin mo sa library gayong kumpleto naman ang libro mo? And I can't lie to him because we are studying the same subjects. "Ano... naalala ko uhh nakuha ko na pala noong nakaraan yung kukunin ko. Sige, ibalik mo na iyan. Bye!" Mabilis akong naglakad palayo sa gawi niya. At ganoon din kabilis ang t***k ng puso ko sa kaba. I know that's such a lame excuse. Natitiyak ko rin na nagtataka na iyon sa kinikilos ko. But what can I do? I'm scared. Kasi alam ko na masakit magmahal. Lalo na kung ngayon pa lang ay alam kong hindi niya masusuklian iyon. I'm being too dramatic, I know too. Damn it. Mag-aaral na nga lang ako. Kung gaano kataas ang sikat ng araw kanina ay siya namang kulimlim ng kalangitan ngayon. Maaga pa pero madilim na ang paligid. "s**t!" Napatalon ako ng biglang kumulog at bumuhos ang malakas na ulan. Now, paano akong pupunta sa sasakyan ko? Bakit ba kasi hindi ko ugaling magdala ng payong, eh. Siksikan ang mga estudyanteng walang dalang payong. Halos wala ng madaanan. Kaya ko naman sumingit, iyon ay kung didiretsuhin ko na ang pagtakbo hanggang sa sasakyan. But... can I really run in the rain in front of my schoolmates? No, thanks. Nakakahiya iyon. Maliban na lang kung may mauuna at susunod ako. Tila narinig ang sinabi ko at may estudyanteng tinakbo na ang distansya hanggang sa gate na nasundan pa ng ilan. Wala nga naman kasi kaming magagawa dahil mukhang hindi naman titila ang ulan. Huminga ako nang malalim at bumwelo na para sa pagtakbo. Hindi naman siguro ako magkakasakit. Magsho-shower na lang ako sa bahay pag-uwi. One... Two... Th-- Dahil sa pagbwelo ko at pagpwersa ng kung sino mang nangahas hawakan ang palapulsuhan ko ay tumama ako sa kung ano. "Ouch," I murmured. Umatras ako at tiningnan ng masama si... "Gino?" "Anong gagawin mo?" "Anong ginagawa mo rito?" Tumingin siya sa paligid. Lumagpas ang tingin niya sa akin pero bumalik din agad, kunot na ang noo sa pagkakataong ito. "Susulong ka ba sa ulan?" "Oo. Bakit? Sasama ka? Tara--" Hinila ko siya pero agad niya akong pinabalik sa pwesto. Bakit ba ang hilig nito manghila ng kamay? Ang isang kamay nito ay may kinuha sa gilid niya. I was amazed to see an umbrella in this moment. Paanong may dala siya pero ako wala? Hindi ba mas madalas na babae ang may dala ng ganyan? Binuksan niya iyon saka ako inakbayan. "Tara!" Tulala akong nagpatianod sa balak niyang mangyari. Nakaakbay siya sa akin habang ang isang kamay ay hawak ang payong. Diretso ang tingin niya sa harapan habang ako naman ay tulala sa mukha niya na ilang pulgada lang ang layo sa akin. His hair remained disheveled, giving everyone that cool-guy look. I love especially his eyes, the charcoal color that made it seem different from any other even if black is a normal eye color. Na-point out ko na dati kung gaano ka-pula ang labi niya pero iba sa malapitan. Even if it's not pressed unto you, it looks so soft. Parang ang sarap hawakan. And then his jawline that I always get jealous about. How can a man be so perfect with all the looks and intelligence? I almost cracked a laugh when I look up to see his thick brows that are always drawn together. Mas malakas pa yata ang pintig ng puso ko kaysa sa ulan. I never felt the cold because his body is warm. Lumunok ako at agad binuksan ang sasakyan nang makarating na kami. Binalik ko ang tingin sa kanya na hinihintay akong makapasok. "Uh..." Halos masugat na ang kamay ko dahil sa kung ano-anong ginagawa ko roon. "S-salamat..." He just gave me a nod. Now that seems more like him. Kung hindi lang umuulan at nagkakagulo ngayon ay natitiyak ko na nasa amin ang mata ng mga schoolmates namin. But not now... Halos walang nagtatapon ng tingin sa amin, lahat abala. "So, hindi muna tayo mag-o-open ng shop?" "I'll open it. P'wede ka ng umuwi, ako ng bahala." "Ha?" Umiling ako agad. "Papasok din ako." "Take a rest. I can manage." "Huh? Hindi. Wala naman akong sakit noh." Bumuntong-hininga siya at hindi na nakipagtalo. Sinara ko na ang pinto at nag-drive na patungo sa shop. Right. Hindi ko naman siya maiiwasan dahil may mga responsibilidad pa kami na magkasama. Magkasunod kaming nag-park sa tapat ng shop. It's a nice timing, I think. Dahil sa maulan at malamig na panahon ay baka gusto ng mga dumadaan na magkape muna. Tinanggal niya ang suot na coat at inilapag iyon sa gilid nang makapasok kami. This is not good. Bakit ba bawat kilos niya na lang ay pinapansin ko? So what if he took the apron and wear it on? So what if he's so hot-looking with it? "Aish!" I uttered in frustration. Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya at agad na napaatras nang makita siyang nakatingin. "Uh, hi?" "Sinabi kong magpahinga ka na lang," anito. "K-kaya ko naman." "Coffee?" "Huh?" Is he asking me out? "Gusto mo ba magkape? Magtitimpla ako ng akin, gagawan na rin kita kung gusto mo." Ramdam na ramdam ko ang pagkadismaya sa sinabi niya. Ano ba iyan, Cheska, pati ba naman ang pag-alok niya ng kape ay iba ang iniisip mo? Seriously, ganito ba ka-weird magka-crush sa isang tao? No. Hindi naman ako ganito sa mga past crushes ko. "Francheska?" He snapped in front of my face. "Seriously, what's wrong with you? Kanina ka pa ganyan, ah?" Hinawakan niya ang noo ko. Paanong nasa harapan ko na siya? "Hindi ka naman mainit..." "Wala. Puyat lang ito," sambit ko at saka siya nilagpasan. Dumiretso ako sa counter at nag-ayos ng kung ano-anong bagay na makita. Nanatili siyang nakatayo sa pwesto niya kanina at nakatingin sa akin. "Nasaan na ang kape ko?" He smiled. "Ito na." Damn. Bakit kailangang ngumiti? Iniling ko ang ulo at pilit winala sa isipan ang gwapo nitong mukha. Mabuti na lang at madami ang customer ng hapon na iyon. Dire-diretso kaya halos wala kaming time na mag-usap ni Gino. Nakakapagod pero mas okay na sa akin ito. Nag-overtime pa kami sa dami ng mga customer. Marami ang nag-take out lalo na at hindi naman kalakihan ang space namin. Past eight na nang maisipan na naming magsara. Pareho pa kaming may klase bukas kaya hindi na kami pwede pang lumagpas ng nine dito sa labas. "Mauna ka na. Ako na ang magsasara," sabi ko. Baka hinihintay na siya ni Xander. Kawawa naman yung bata kung hindi pa nakakain. Thinking about that, parang dapat pala ay nagsara na kami ng maaga at hindi na in-entertain ang ibang customers. "You should go first." "Huh? Baka hinihintay ka na ni Xan, Gino." "He's not home. Sa Linggo na ang balik niya sa bahay." Salubong ang kilay ko siyang binalingan. "Sino ang kasama mo sa bahay mo kung ganoon? You'll eat dinner and breakfast all by yourself?" He shrugged like it's not a big deal. "What's wrong about it?" His face is giving me the 'I'm used to it, anyway' expression. Nalungkot ako bigla. Wala ba siyang pamilya? Bakit parang wala? Sa school ay si Justin lang ang lagi niyang kasama at sa bahay... mag-isa niya lang... How could he live like that? It must have been tough for him. Kahit gaano tayo katapang, kailangan at kailangan pa rin natin ng tao sa tabi natin. Someone who will join you for lunch. Someone who'd cook you breakfast. Someone who will help you with the dishes. Paanong wala siya no'n kahit isa? "Gusto mo bang kumain muna?" Agad akong nagsisi nang bitawan ko ang linya na iyon. What the fvcking hell, Francheska! Did you just ask him for dinner? This is embarrassing. Gusto kong bawiin iyon lalo na't medyo mapang-asar ang ngiti na naglalaro sa labi niya. "Friends na tayo, 'di ba? Manlibre ka naman ng dinner." Lumapit ako sa kanya at tinulak siya palabas ng shop. My heart is pounding loudly inside my chest but I have to act normal. Act normal, Cheska. "Friends eat out together, too." He hissed. "Nilibre na kita noon." "Iba iyon. May kasamang sama ng loob." He let out a soft chuckle. "For one condition." "Ano ba iyan. Okay, ano?" Humalukipkip ako at naghahamon siyang tiningnan. If we continue being close friends, maybe this feelings will soon subside, right? "Sumabay ka na sa akin at ihahatid na lang kita pauwi. I can't let you drive this late." "Ha? At paano naman ako papasok bukas?" "I'll fetch you up. Let's go." Iniwan niya na naman ako roon na nag-iisip at dumiretso na sa kanyang sasakyan. What the hell? Bakit ba inaya ko pa siya kumain? Aish! Umirap ako at sinunod din naman ang sinabi niya. I don't usually drive this late, mas late pa mamayang pauwi kami, so I think it's a nice deal on my part. "Call your parents. Baka hinihintay ka nila." I curiously eyed him. "You sound so pro with this. Lagi ka bang may kasamang babae na ginagabi?" "Tss."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD