25

2129 Words
It's the same restaurant and same VIP room again. Tahimik kami pareho. Siya ay naghahanap ng pagkain sa menu samantalang ako ay nag-re-reminisce ng nakaraan. He was so rude back then. "Dito talaga?" patuyang tanong ko. Ibinaba niya ang menu card at pinindot ang button upang magtawag ng waiter. Pagkatapos ay sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang dalawang braso. "Why? Ayaw mo ba rito?" "I love the restaurant. Suki ka ba rito? Parang kilala ka nung waitress last time." He shrugged, not answering my question. Itinulak niya sa akin ang menu para makapili na ako ng akin pero hindi ko na ginawa. Ilang beses na rin akong nagpunta rito at kahit papaano ay alam ko na kung ano ang dapat order-in. Pagpasok ng waiter ay pinauna ko siyang manguha ng order saka ako sumunod. The waiter left right after getting our orders. Naiwan na naman kaming dalawa. Bakit pa kasi kailangang sa VIP room, eh. Kakain lang naman kami, hindi naman kami magmi-meeting or something. Now this is a bit awkward. "Lagi ka bang mag-isa kumakain?" I asked, hoping I didn't touch a sensitive issue. "I mean if Xan's not around." "Si Justin minsan." "Don't you have other friends?" "You." Umirap ako pero huli na dahil kusang tumaas ang magkabilang sulok ng labi ko. Ang sarap lang din kasi pakinggan na opisyal niya na akong kinokonsidera na kaibigan. "Maliban sa aming dalawa." He shrugged. "I guess none." "Call me kapag kailangan mo ng kasama. Huwag lang exam week ha!" "Kasamang?" "Kumain, manood, anything na ginagawa ng magkakaibigan. Stop being a loner, Gino. Ayos lang naman minsan pero hindi rin maganda sa mental health ang palaging mag-isa. Have fun." He nodded halfheartedly. Para bang um-agree lang siya para hindi na ako magsalita. Ngumuso ako dahil doon saka inikot ang mata sa kwarto. The small room doesn't look too small because of it's design. It must have been expensive. "I'll pay the food, you'll pay the room," sabi ko. "Akala ko ba libre ko?" Hindi ko alam ang buhay niya, background ng pamilya niya... He's alone at home with a kid. Simple lang din ang bahay niya. Kung ako ang tatanungin ay baka hindi rin ganoon kaganda ang buhay nila financially. Pero bakit siya may mga mamahaling relo? Mga branded na gamit? He doesn't look poor at all. Akala ko kapag naging magkaibigan kami at naging close ay mawawala na ang mga curiosity ko tungkol sa kanya pero mas lalo lang yata dumadami ang mga tanong sa isipan ko ngayon. "Okay. I'll treat you next time." Pagdating ng order namin ay tahimik na kaming kumain. Maya't maya akong sumusulyap sa gawi niya. The way he wipe off the sauce on his lips using the table napkin... "Anong trabaho ng parents mo?" Hindi ko na napigilang hindi magtanong. Natigilan siya sa akmang pagsubo ng pagkain at napatingin sa akin. Kitang-kita ko kung paanong nawalan ng kulay ang mukha niya. Lumuwag ang hawak ko sa kutsara sa kaba at takot dahil alam ko na may natanong ako na hindi dapat. But isn't that a common question? Kung ano ang trabaho ng parents niya? Kung may kapatid ba siya? Kung ilan sila sa pamilya? Kung pang-ilan siya sa magkakapatid? Ako ba ang mali? "Business," malamig na sagot niya. Nakahinga ako nang maayos. Akala ko ay magsusungit na naman siya dahil doon. "...before." "A-ah?" Anong ibig niyang sabihin? Hindi na sila nagma-manage ng business ngayon? Na-bankcrupt ba sila? Is that why he sounds offensive with my question? "I'm sorry," saad ko. "I didn't know." Ngumiti siya, hindi nga lang yung genuine na ngiti na nakikita ko sa kanya. "It's okay. Eat your food." Yumuko ako at hindi na nagtanong pa. Tahimik kami pareho na kumakain pero sobrang ingay sa ulo ko. Ano kaya ang business nila? Kailan pa nangyari iyon? How did it affect him? Lalo na ngayon na may kailangan siyang suportahan. Was it hard? I knew it. He's really rich. Pero ngayon... "Powder room lang," paalam ko. Pero hindi ako sa powder room dumiretso. Dumiretso ako sa counter at nagbayad ng room at food namin. Nagulat ako nang makita ang ilang zero doon pero ayos lang. Hindi naman ako gumagastos lately. I can't make Gino pay for it. Pambili na lang niya ng mga kailangan ni Xander ang pera niya. He can treat me for a meal some other time pero hindi yung ganito kamahal. "Nagbayad ka?" gulat na tanong niya matapos malaman na bayad na lahat. "I thought it's my treat?" Umiling ako. "It's fine. Save the money for Xander's needs." "Huh?" Ngumiti ako at hinila na siya palabas ng restaurant. Salubong pa rin ang kilay niya hanggang sa makasakay kami sa sasakyan. Despite being friends, I still feel awkward towards him a lot of times. Lalo kapag kaming dalawa lang. Katulad ulit ngayon. In a tight space inside the car with nothing but silence. "Justin's birthday is next week. Pupunta ka ba?" Nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita. He's silent for how many minutes. Birthday ni Justin? Nabanggit niya noon sa akin, nag-aaya, pero hindi ko alam na next week na pala iyon. "Saan daw ba?" "He wants to celebrate it privately, that's how it is every year. Hindi ko lang alam kung ano ba ang plano niya ngayong taon." "Are you going to buy him a gift?" "Titingin ako sa online." "Don't." Nawi-weirdo-han siyang tumingin sa akin. "Bumili ka na lang sa Mall. Mas okay kapag nakikita mo, 'di ba? And the effort of finding a gift---" "No," he said, dropping my idea immediately. "It's tiring." "Anong tiring? Maganda kaya mag-shopping for gift, ano! Isa pa, para naman iyon sa kaibigan mo. You can't just add it to cart, checkout, without looking at it personally if the receiver will really like it or he can use it." "Pareho lang iyon. Sanay na rin si Justin do'n." "Kahit na nga. Kung ako ang reregaluhan mo, mas gusto ko yung personal ka mismong namili at bumili no'n para sa akin kaysa namili ka lang sa online na baka hindi mo pa tiningnan ang reviews. It's more thoughtful if the sender will look for a gift personally." Pabuntong-hininga siyang umirap. "Yeah, yeah." Ngumiti ako at patagilid na humarap sa kanya. "So, kailan ka magsho-shopping?" "Next life." What the heck!? Akala ko naman ay matino ang sasabihin niya. He chuckled after seeing my reaction. Sa halip tuloy na mainis ay napangiti na lang ako. Napapadalas na yata ang pagngiti at pagtawa niya, ah? Or is he always like this? Hindi ko lang talaga siya nakakasama noon kaya hindi ko alam? "Bibili rin ako ng regalo ko kay Justin. Sabay na tayo." "Great. Magpapabili na lang ako sa'yo." Nagbuga ako ng hininga. "Ikaw nga ang dapat na mamimili ng regalo mo. That's thoughtfulness, sir!" Naiinis ako kaya hindi na ako nagsalita at mas naiinis ako dahil nakakaramdam ako ng pagkadismaya dahil hindi ko siya makakasama mag-shopping. Why am I being unreasonable? That's not so me. Bago ko isara ang pintuan ng sasakyan niya ay bumaling ako sa kanya. He's waiting for me to close the door so he can leave already. "Let's go to the Mall tomorrow after class. Sila Alyanna naman ang magbabantay. And don't you dare say no. Friends do shop together, too." Pagkasabi ko no'n ay agad kong isinara ang pinto ng sasakyan. Hinihingal akong pumasok sa loob ng bahay. I closed the car's door immediately because I was afraid that he might reject it without even thinking. At ako? Ano naman ang iniisip ko? Una, inaya ko siya mag-dinner. At ngayon naman, mag-shopping? Sigurado ako na iniisip na no'n ngayon na may gusto ako sa kanya. That I am making a move towards him. Pero hindi ba ganoon naman talaga ang ginagawa ng magkakaibigan? Dinner as a friend? Shopping as a friend? If I get used to us being close and having a deep bond as a friend, then maybe, I'll like him only as a friend. "Where's your car?" tanong ni daddy. "Iniwan ko sa may shop, dad. Sumabay ako sa kaibigan ko pauwi." "You mean your friend who's waiting outside?" Napaubo ako at nagtatanong ang matang tumingin ako kay daddy. Pagkatapos ay tumayo at kumaripas ng takbo palabas ng bahay. Binuksan ko ng kaunti ang pinto at kumaripas ng takbo paakyat ng kwarto para kunin ang mga gamit. Nag-brush ako sandali ng ngipin at nagmamadaling lumapit sa mga magulang ko. "Hindi ka pa tapos kumain, Cheska," ani daddy. "I have to go, dad. Bye!" Hingal na hingal ako nang makasakay sa passenger seat ng sasakyan niya. Damn. Pagtingin ko sa orasan ay sobrang aga pa. One hour before the class starts. Napanganga ako. Nagmadali ako pero maaga pa pala? Is he making fun of me? "Bakit ang aga mo?" naiinis kong tanong. "Hindi ko natapos yung pagkain ko." "Who told you not to finish it?" "Makakakain ba ako ng maayos kung alam kong may naghihintay sa akin?" "Dumaan na lang tayo--" "Hindi na. Sa school na." "It's too early though." "Oh, alam mo naman pala. Bakit kasi napakaaga mo naman na nanundo?" Wait, does he wants us to grab some breakfast meal together? "Dadaan tayo sa shop para kunin ang sasakyan mo." Bumagsak ang balikat ko at dumoble ang pagkairita. Why did I even expect? Tss. True enough to his words, dumaan nga kami sa shop at kinuha ang sasakyan ko at hiwalay ang sasakyan na pumasok kami ng university. Paglabas ko ng sasakyan ay tahimik ang buong paligid. Wala pa yata sa lima ang mga estudyanteng nakikita ko. Ito na yata ang pinakamaagang pasok ko sa mahigit na tatlong taon na pag-aaral ko rito. Naramdaman ko ang presensya ni Gino sa tabi ko. Natitiyak kong siya iyon kaya hindi ko na nilingon. Siya ang may kasalanan kung bakit napakaaga namin ngayon. "Saan ako didiretso ngayon baka nakasara pa ang room," problemadong anas ko. "Bukas na," anito sa tonong sigurado. Tiningnan ko siya ng masama. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya o ano. "I know a good spot. Come on." Kahit na naiinis ay sinundan ko pa rin siya. Lumiko siya sa may building kung saan naroon ang office ng dean. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang matayog na puno na mayayabong ang mga dahon niya. Malawak ang nabibigyan nito ng linong. At sa baba ay mayroong bench. How come I didn't know this spot? Medyo malayo nga naman kasi sa room namin. Hindi lang siya sa gilid ng office, nasa dulo siya mismo ng school. Yung boundary na pader, bago iyon ay nandoon ang puno. It's clean, the place I mean. "Oohh..." mangha kong tiningnan ang paligid. "Bakit hindi ka rito tumatambay?" "It's always noisy in there." Nginuso niya ang pader na naghahati sa school at sa kung ano mang bahay o establisyemento ang naroon. Umupo ako sa bench at t-in-ap ang space sa tabi ko para umupo rin siya. Pagkaupo niya ay pumikit ako at huminga ng malalim. I love the air here. Siguro dahil maaga pa kaya nakaka-relax, tahimik kasi talaga. Medyo mahangin din. "Can I ask you something?" Dumilat ako at lumingon sa kanya. "You're always asking if you can ask something," anito. Ngumuso ako at umirap. "Ano iyon?" "Paano mo nasasabay ang pag-aaral at pag-aalaga kay Xander?" Out of the blue ang tanong dahil bigla na lang din talagang pumasok sa isipan ko iyon. "I'm having a hard time studying, paano pa ikaw na may inaalagaan?" "When it's the only choice you have, you can do anything all at once." Sabagay. Pero siya rin naman ang may choice, ano! Magkakaanak ba siya kung ayaw niya? But then, it wasn't his plan to raise his child alone, too. Kung sana ay mayroon lang nanay si Xan, maybe it will lessen the burden of taking care of a kid. "May ading ka ba?" tanong ko. Umiling siya. "So, wala kang ideya sa pag-aalaga at pagpapalaki ng bata?" "Justin helped me with it." "Bakit? May ading ba siya?" "Wala rin." Ngumiwi ako. Pero napangiti rin pagkatapos. Two men raising a kid despite of them having no experience in doing so at all. No wonder pareho silang responsable. And thinking about it, masaya ako na sa ganoong klase ng tao nahulog ang kaibigan ko. "Wala ka bang plano na magka-girlfriend? I mean, to co-parent Xan..." He shrugged. "Bakit ang dami mong tanong?" "KJ mo talaga." He smiled. "So, anong gagawin niyo ni Xan sa linggo?" "Anything. Play, read, watch..." "Ikaw rin ang nagpapaligo sa kanya?" "Yeah." "Anong paborito niyang pagkain?" "He loves chocolates. Hindi ko na masyadong binibigyan ngayon dahil baka masobrahan na siya. He doesn't like milk that much. Mas gusto niya rin ang chocolate drink." "He loves sweets," sabi ko. "Yeah," he said in almost a whisper. "Despite having a bitter life."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD