26

2080 Words
"Tara na!" Tumayo siya at tumayo na rin ako. Maaga pa pero medyo marami na ring tao. We walk side by side in silence until we reached our floor. Tumingin ako sa kanya at huminto sa paglalakad para magpaalam. "Huwag mong kakalimutan yung lakad natin, ha! And don't you dare na hindi sumipot." He closed his eyes and open it again in a slow motion. A cute smile became visible on his lips making my heart flutter. "Yes, Ma'am," anito sa tonong nang-aasar. Kumaway ako sa kanya bago tumalikod at naglakad na patungo sa room. Hindi inaasahan na makakasalubong ko si Aira bago pa man ako makapasok. Tumigil siya sa paglalakad at huminto sa harapan ko. I can see that she's gritting her teeth. Natitiyak kong nakita niya kami ni Gino na nag-uusap kanina. "Wow! Ang bilis mo nakuha ang loob, ah?" I can hear the sarcasm on her tone. "What a flirt!" "Wala akong oras sa'yo, Aira!" "Talaga ba? Ang plastic mo rin, eh, noh! Noong una umaakto ka na mabait, na walang pakielam at gusto kay Gino, pero ang totoo, gusto mong makiepal, gusto mong mang-agaw! What is it that you're after him, huh? Fame? Because he's the top student here?" "Hindi ko alam ang sinasabi mo---" "Come on, 'wag na tayong magplastikan pa rito." Naiinis kong sinalubong ang tingin niya. "Stop being desperate, tss." Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ang braso ko nang mahigpit at pinaharap ako sa kanya. Napapikit ako sa sakit nang bumaon ang matutulis niyang kuko sa balat ko. "What are you doing?" Her lips parted in shock. Agad niya akong binitawan at umatras. "She called me desperate," aniya, nagpapaawa na naman. Lumapit si Gino sa akin at hinawakan ang braso ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang tinitingnan niya iyon. Unti-unting nagsalubong ang kilay ni Gino at dumilim ang mukha. He looked at Aira after and I know immediately that he's mad. He's mad... Because of me? Ang ibig sabihin no'n ay nag-aalala siya, hindi ba? Ang ibig sabihin no'n ay ayaw niya akong masaktan. Sa halip na masaktan ay nagdidiwang pa ang kalooban ko habang tinitingnan siya na madilim ang mukha. His warm and big palm remained on my right arm. "Wala akong pakielam kung parehong lawyer ang mga magulang mo," matigas na sabi nito sa kaharap. "Hurt her again and you'll see what hell is like." Hinila ako ni Gino at nilagpasan namin si Aira. Hinatid niya ako sa mismong pinto ng classroom namin. Nananantiya ko siyang tiningnan. Baka kasi kapag nagbiro ako ay pati sa akin magalit siya. "Salamat," sinserong sabi ko. "Pero hindi mo na dapat sinabi iyon sa kanya. Makapangyarihan ang pamilya nila at..." "So?" He sighed. "Huwag mo na lang iyon isipin. Report to me if she approached you again, hmm?" Nanlalambot ako. Bakit ba sobrang bait niya sa akin ngayon? I know we're friends but... "Stop..." nasabi ko kahit na sana ay sa isipan ko lang. "Huh?" "Ah... sabi ko papasok na ako." I laughed awkwardly. "B-bye..." Stop showing me that you care. Stop making my heart flutter. Baka hindi ko na mapigilan at tuluyang mahulog sa taong dapat ay kaibigan ko lang. Ngumiti siya at tumango bago umalis. Nanginginig akong naglakad patungo sa pwesto ko. Mabuti na lang at nakaupo na ako bago pa tuluyang manlambot ang mga tuhod ko. Karamihan sa mga tao sa loob ng room ay nakatingin sa akin pero agad ding nagsiyukuan nang tumingin ako. Gino, the most aloof student in the university, in our department, is with me earlier. Maski naman ako kung hindi ako si Cheska ay macu-curious ako sa kung anong nangyayari. "May something ba sa inyo ni Gino?" Napaubo ako ng wala sa oras sa diretsahang tanong ni Monica. "W-wala..." Alam kong namumula na ang buong mukha ko ngayon. "Bakit naman kami magkakaroon ng something no'n," sabi ko na para bang isang nakakatawang bagay iyon. Kahit lihim akong umaasa na sana nga ay mayroon. But Gino's not the type of person who would fall for someone just like that. Pinagtanggol niya ako kay Aira kanina dahil nagi-guilty siya, hindi naman kami magiging magkaaway ni Aira kung hindi dahil kay Gino. Isa pa, Gino treats me as his friend, so of course, as a friend, he cares. "Bakit naman hindi? Bagay kaya kayo! Kapag naging kayo ni Gino, kayo na talaga ang ultimate duo sa accountancy department." "Tss," natatawa kong sabi. Sabay-sabay ulit kaming apat na kumain sa cafeteria. Hindi na ako humiwalay, wala rin namang sense na umiwas. Kailangan at kailangan pa rin naming magkita, mag-usap, at magkasama. I will try my best to treat him as a friend only. Kung mahuhulog, eh 'di mahulog. Iwasan ko man siya o hindi, kung doon din talaga papunta, wala na rin akong magagawa. Hindi ko na siya nakita nang uwian pero nandoon pa naman ang sasakyan niya. I texted him na sa Mall na lang kami magkita, nag-reply siya ng 'okay', overtime rin daw kasi ang prof nila. Nauna na ako sa Mall. It was the same Mall na nakita ko siyang bumili ng laruan. Ngayon alam ko na kung para iyon kanino. I think he's spoiling his kid. Hindi ba't na-bankcrupt ang business nila? Bakit may pera pa rin siya? Wait, na-bankcrupt nga ba sila? But he said his parents run a business but it's all in the past already. Ibig-sabihin no'n ay hindi na sila nag-bi-business, 'di ba? Ano na kaya ang trabaho nila ngayon? Pumasok ako sa loob ng isang chocolate store. Naalala ko kasi ang sinabi ni Gino na mahilig si Xan sa chocolate. I'll buy him a chocolate drink. "With mallows, Ma'am?" "Ma'am, baka gusto niyo rin po i-try itong chocolate chips na ito, best seller namin iyan." "Ma'am ito, chocolate with caramel." "Baka want mo ito, Ma'am, gustong-gusto ng mga bata ang lasa niya." Chocolate drink lang naman ang balak kong bilhin pero lumabas ako at nakagastos agad ng five thousand. Bakit ba naman kasi ang galing mang-salestalk nung babae, eh! Paglabas ko ay nakita kong papasok si Gino sa loob ng Mall. Luminga-linga siya sa paligid pagkatapos ay kinuha ang cellphone. Bago pa siya makatawag o makapag-text ay lumapit na ako sa kanya. "Hey!" Tumingin siya sa akin pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa hawak ko. "Ano iyang binili mo?" "Wala," I said before grinning widely. Masesermonan niya ba ako kung gusto ko ring bilhan si Xan ng chocolate? Na-e-excite akong ibigay sa kanya ito. Nai-imagine ko na ang cute na cute niyang reaksyon. "Chocolates. Para kay Xander ba iyan?" Inabot niya pero agad kong iniwas ang paperbag na hawak ko. "Sobra na sa matamis na pagkain si Xan, don't spoil him." I gave him a smug look. "As if you can stop me." Umiling-iling siya pero hindi na rin kumontra. "Saan tayo?" "Ikaw. Saan ka ba bibili ng gift mo for Justin? I'll buy him shoes na lang, magka-size ba kayo?" Hindi siya sumagot kaya tumingin ako sa mukha niya. Masama ang tingin niya sa akin na para bang may nasabi akong hindi maganda. "Did you just trick me to come here so you'll know his size?" "Hindi, ah." Ngayon ko nga lang naisip na itanong sa kanya kung magka-size sila, eh. Pinaningkitan niya ako ng mata, tila binabasa ang reaksyon ko. Hindi ko tuloy naiwasan na hindi matawa, may trust issue nga talaga ang loko. Nakangiti kong hinila ang kamay niya papunta sa may elevator. Nasa second floor kasi ang store ng Nike. Binitawan ko rin agad ang kamay niya pagdating namin sa elevator. And it is a bit awkward dahil dalawa lang kaming nasa loob nito ngayon. "Anong bibilhin mo?" "Relo." "Woah! Hindi ka man lang nag-isip. Mahilig ba si Justin sa relo?" "Hindi siya nagsusuot." Napanganga ako sa sinabi niya. Is he seriously gifting his friend something that he's not using? "Baliw ka ba? Bakit relo kung hindi naman pala siya nagsusuot?" Nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa at diretsong-diretso ang tindig. "Marami na siyang sapatos." "That means he love shoes," agad na sagot ko. Nilingon niya ako at sinalubong ko naman ang tingin niya. "Kapag marami kang pagkain pero wala kang tubig, ano ang hihingiin mo?" "Tubig malamang," wala sa sariling sagot ko. "Exactly." "Huh?" Ano namang kinalaman ng tubig at pagkain-- wait... "You know what, you have the weirdest reasoning ever." "Thanks," anito na para bang isa iyong compliment. "You should give him something that he loves." Bumukas ang elevator at nauna siyang lumabas, sumunod naman ako agad, kinukulit pa rin siya sa balak niyang bilhin na regalo. Bakit naman kasi yung hindi pa ginagamit ang bibilhin niya? Gusto niya ba na hindi gamitin ang regalong ibibigay niya? Hindi niya ako pinapansin, diretso lang ang lakad niya patungo sa store ng Nike. "Paano mo nalamang sa Nike ako bibili?" tanong ko. "I didn't know," sagot niya. "I'm planning to buy a pair for my boy." Pagkasabi niya ng 'my boy' ay alam ko na agad na si Xan ang tinutukoy niya. May mga available naman kaya na kasya kay Xan? "Turns out you're the one who spoils him though." Ngumiti siya pero hindi na ako nilingon pa. Pagkapasok sa Nike ay agad siyang nagpunta sa Kid's section. Hindi naman ako bibili roon pero interesado akong malaman kung ano ang bibilhin niya. "That blue one looks cool," suhestyon ko. Kinuha niya iyon at tiningnan. Pagkatapos ay may kinuha pa siyang isa na kulay black and red. Maganda rin iyon, bagay na bagay kay Xan. Pero mas pambata kasi ang dating nung color blue, mas malamig din sa mata. Tumingala ako ng kaunti para tingnan ang mukha niya. Seryoso ito na para bang nagsasagot ng isang importanteng exam ng buhay niya. He looks calm despite of having his serious facade. His charcoal eyes will always be one of his best features. Wholesomely handsome. Napangiti ako lalo nang makita ang ilong niya na mas perpekto pa ang hugis kaysa akin. I tilted my head to see more of him. Bigla itong tumingin sa akin, kunot ang noo, nagtataka kung anong ginagawa ko. Lumunok ako at umayos ng tayo. Damn, Francheska! Puro na lang kahihiyan, eh. "Ano'ng mas okay?" tanong niya at itinaas ang dalawang sapatos na hawak. I pursed my lips first to calm my wild heart. Hoo! Grabe yung kaba ko sa nangyari. "Blue," sagot ko. He nodded. "Good choice." "You like the blue one, too?" "Hmm. Pero maganda rin itong pula." Tumingin siya sa may counter pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin. "Akala ko ba ay bibili ka ng regalo mo?" "E-eto na nga. Titingin na. Diyan ka muna," natatarantang sabi ko at iniwan siya roon. Natawa ako sa sarili ko pagkaalis bagaman yung kahihiyan ay hanggang pagtulog ko ng mararamdaman. Wala ako masyadong alam kung ano ba ang mga bet ng mga lalaki na design kaya nagtanong na lang ako sa saleslady na naroon. She guided me and make me choose between two best designs and colors. I choose a yellow and black shoes, hindi ko pa yata siya nakita na nagsuot ng sapatos na kulay yellow kaya mukhang maganda itong ibigay. "Ito na lang po." "Size, Ma'am?" Akmang tatawagin ko na si Gino nang biglang may magsalita sa likod ko. "Size 43." Tumingin sa akin yung saleslady, naniniguro marahil kung kasama ko ba si Gino. Ngumiti ako bilang approval sa sinabing size ng kasama ko. "Sa counter na lang tayo, Ma'am." Pagkatapos magbayad ay siya na ang nagkusang nagbuhat ng mga binili namin. Pagkalabas namin ay may mga pamilyar na mukhang napapatingin sa gawi namin, our schoolmates maybe. Pasimple ko siyang tiningnan at base sa hawak niya, para kaming mag-jowa na nag-i-stroll sa mall at nagsho-shopping na magkasama. "Nakaisip ka na ng matinong regalo?" tanong ko dahil siya na ang mamimili ng regalo ngayon, I'm done buying mine. "May naisip naman na ako kanina pa, ah." "Come on, find something worth gifting naman." Dumapo ang palad niya sa ulo ko at bahagyang hinaplos ang buhok ko pero hindi naman ginulo. My heart goes wild again after what he has done. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Inalis niya agad ang kamay niya sa ulo ko. "You should give someone what they want but won't buy it himself." He winked at me and that was fvcking unexpected. Tulala lang ako dahil sa nangyari. I blinked twice only to see him walking away, probably two steps ahead of me. Tumikhim ako at nag-jog patungo sa tabi niya. What just happened?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD