Hindi ko alam kung anong sumanib sa kasama ko ngayon pero I swear ibang-iba siya ngayon. Is he in a good mood or what?
"Carbonara na lang sa akin."
He ordered for the both of us. Ako naman ay naghanap ng pwesto naming dalawa. It's still early for dinner pero p'wede a rin. Habang hinihintay siya ay bumabalik sa isipan ko ang nangyari kanina.
Pagkatapos ng ginawa niyang paghawak sa buhok ko ay dumiretso kami sa bilihan ng relo. He really did buy a watch for Justin. May punto naman siya sa sinabi niya kanina, na ang best gift ay yung alam mong gusto ng isang tao pero hindi niya binibili o hindi niya magawang bilhin para sa sarili niya.
But my mind is preoccupied of something. Hindi yata maganda ang ideya na maging mas mapalapit pa sa kanya para maituring ko siya na parang kaibigan lang talaga. Iba kasi ang nangyayari.
Habang tumatagal ko siyang nakakasama, mas nahuhulog ako. Habang tumatagal ko siyang nakikilala, nawawalan na ako ng kontrol sa damdamin ko.
What I am doing right now is setting a trap for myself. Either I'll get out of this trap all at once or I'll be doomed for the rest of my life.
"You didn't tell me your drink, I bought iced tea," anito at ibinaba ang pagkain sa mesa.
"Thanks."
Dalawang set ang carbonara with fries na nandoon. Ginaya niya ang order ko? O iyon talaga ang gusto niya? Either way, hindi na ako nagtanong.
Hindi naman likas na madaldal si Gino kaya kahit awkward para sa akin ang katahimikan matapos ng nangyari ay hindi naman ganoon kahalata iyon lalo na at abala kami sa pagkain pareho.
But when we're about to go separate ways, I don't know what to say anymore.
"Uh... bye," paalam ko saka ngumiti at kumaway sa kanya.
He gave me a nod. "Goodnight."
"S-sige... Thanks for today."
Tumalikod ako sa kanya at naglakad na patungo sa sasakyan ko. Nanginginig ang mga binti ko pero nakarating naman ako ng maayos sa sasakyan. Malaking parte sa akin ang masaya, dahil alam ko na may mga pinakita siya ngayon sa akin na hindi niya nagagawa sa iba. Pero hindi ko alam, natatakot ako.
But what makes me more stupid is the fact that I'm wearing a big smile on my face as I sleep that night.
Sabado ay kaming apat ang nagbantay sa shop. Nawili na yata ang dalawa na magbantay rito kaya halos araw-araw-in na nila. Dumaan kami ni Gino sa facility pagkatapos ay inayos ang finances ng shop. Malaki naman kahit paano ang kinikita pero may mga binabayaran din kasi kami na iba. Katulad na lang ng kuryente pagkatapos ay ang mga supplies na kailangan.
But our estimate is that we can double the required amount of fund. Iyon ay kung magtutuloy-tuloy ang mga mamimili sa pagtangkilik sa mga binebenta namin.
"Good morning!"
"Morning, mom. Morning, dad."
Magiliw akong ngumiti nang makita ang pancake sa mesa. Mom surely was the one who made it.
"Bibisita kami sa mga tita mo, sasama ka ba?"
"Hmm? What time?"
"After lunch."
"Sasama po ako pero may pupuntahan muna ako ngayong umaga."
"Saan?" tanong ni daddy at pinanliitan ako ng mata. "Makikipag-date ka ba? Ang usapan natin ay sasabihin mo agad sa akin kapag may nagtangkang manligaw sa'yo."
I chuckled. Bagaman umaasa akong sana totoo na nga lang iyon ay hindi ko na rin sineryoso pa ang biro niya.
"May ibibigay lang ako, daddy. Wait, what are you up to these days? Bakit napapadalas na late kayo umuuwi?"
Humigop siya sa kanyang kape bago nagsalita. "Nagra-rush kaming tapusin yung movie dahil magkakaroon ng international project yung main lead namin. It's an important project so everyone's rushing."
"You should still find some time for rest, dad."
"Oo naman, Cheska. Ayos na rin para makapag-leave ako sa December." Akala ko ay wala na siyang sasabihin pero bigla ulit siyang nagsalita. "Nasa Italy ang ate mo para sa pictorial niya before New Year kaya naisip namin na doon na lang tayo mag-celebrate ng holiday."
"May townhouse sila lola roon 'di ba?"
"Meron pero baka magho-hotel tayo. Medyo malayo kasi ang bahay nila sa mga magagandang spot sa Italy. You're sister specifically requested it. Ayos lang ba sa'yo?"
Kasali ang Italy sa travel bucketlist ko kaya imposibleng aayaw ako rito. There's no reason to. Wala naman akong other plans for New Year, lagi naman kami ang magkakasama.
"Of course, dad."
Sumingit si mommy sa pag-uusap namin ni dad at sinabi ang mga plano niya. Magsusulat daw siya ng travel to Italy blog niya pagkatapos naming pumunta roon. Dad is very supportive of her.
Hindi naman ako naiinggit dati pero tinatamaan yata ako ng pagka-bitter ngayong araw. Kailan kaya ako makakahanap ng lalaking katulad ni dad?
Sinara ko ang pinto ng sasakyan matapos mag-park sa tapat ng bahay nila Gino. What am I doing here? Ibibigay ko lang yung chocolates ni Xan. Pero kung aayain nila ako sa loob, bakit naman hindi, 'di ba?
Pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto at si Gino na pipikit-pikit pa ang mata ang lumabas mula roon. He looks sleepy and he keeps of yawning. Tumingin siya sa may gate at nang makita ko ang gitla sa kanyang noo ay alam ko ng nakita niya ako.
"Anong ginaga--"
Pumasok ako sa loob ng kabubukas niya na gate at dire-diretsong naglakad papasok sa loob ng bahay.
Nasa dining table si Xan, kumakain ng bread. Ngayon pa lang sila mag-aagahan?
"Hi, Xander," malambing kong sabi at ibinaba ang pasalubong niya sa mesa. "May gift ako sa'yo."
His eyes twinkled. Ibinaba niya ang tinapay na kinakain at tumayo sa may upuan. Halatang-halata na excited siyang makita ang laman ng paperbag na nasa mesa.
Naaninag ko si Gino na pumasok na rin sa dining area. Dumiretso siya sa katapat na upuan ni Justin.
"Breakfast," he offered.
"Tapos na," sagot ko at muling kinausap si Xander. "Gusto mo na buksan?" Mabilis siyang tumango at maski ako ay na-e-excite na para sa magiging reaksyon niya.
Inilapit ko sa kanya ang paperbag. Ngumiti muna siya sa akin na kitang-kita ang ngipin bago tumingin sa daddy niya. Hanggang ngayon ay dada ang tawag niya kay Gino, kailan niya ba ico-correct iyon? Well, he can use 'dad' instead when he grew up though.
Ngumiti si Gino sa anak, tila binibigyan ng permiso na buksan na ang binigay ko. Saka lang tiningnan ni Xan ang laman ng dala ko nang magkaroon ng permiso mula kay Gino. What a disciplined kid. Tuloy ay hindi lang natuon ang buong atensyon ko sa reaksyon ni Xan. Pasimple ko ring pinanood ang bawat paggalaw ni Gino. Parang araw-araw yata akong na-a-amaze ng mga bagay tungkol sa kanya. Sa kabila ng pagiging busy ay napapalaki niya ng maayos si Xander.
"Chocolatesss!!" Itinaas niya iyon at ibinaba sa mesa isa-isa ang laman. Bawat inilalabas ay tumitingin siya sa akin o 'di kaya kay Gino. "Dada, look," ipinagmalaki pa nito kay Gino ang chocolate drink na alam kong pamilyar sa kanya.
"Oh. That's your favorite..."
Nakangiti lang ako buong oras habang nakatingin sa mag-ama. The happiness on Xander's small face is priceless. I'd buy him chocolates again just to see this reaction.
"Anong sasabihin kapag nakatanggap ng regalo?"
Bumaba sa upuan si Xan at humakbang patungo sa akin. He hugged me which is unexpected. Nagulat ako at hindi agad nakapag-react hanggang sa humiwalay siya at ngumiti sa akin.
"Thank you po! Papasyal na po ba kayo lagi?"
His eyes are hopeful. Nagkatinginan kami ni Gino, maski siya ay nagulat sa sinabi ng anak niya. I was a bit worried. Baka masyado siyang masanay na madalas akong nandito. At baka tama si Gino sa sinabi niya noong nakaraan, baka masyadong mapalapit ang loob niya sa akin at hindi niya na gustuhin pa ang ibang babae sa buhay ni Gino.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Tumikhim si Gino at tinawag na si Xan, inutusan niyang tapusin na niya ang pagkain.
Xan, being a kid, didn't take what happened to heart. Parang wala lang iyon pero hindi para sa akin.
Maghapong bumagabag ang sinabi niya sa akin na maski kasama ko na ang mga pinsan ko ay hindi ko magawang makisaya sa kanila. My mind is occupied of something else.
"Ches, Singapore this weekend, sama ka?" pag-aaya ng pinsan ko na batchmate ko rin.
"Pass. May mga kailangan akong gawin."
"Sayang naman."
We're all drinking wines now. Siyam kami lahat in total. Five boys and four girls. Mga pinsan ko sa mother side. Si ate lang ang wala dito ngayon.
"I'll take a picture of you," Helen offered.
Ngumiti ako at iniabot ang phone ko sa kanya. Itinaas ko ang wine glass at bahagyang nag-fierce look. Pagkatapos ay ngumiti naman ako at nagpa-cute sa sumunod na picture. At ang huli ay nang mahuli kong nag-pho-photobomber ang pinsan kong si Paolo.
"Stop," naiinis kong saway sa kanya. Ngumiti lang siya ng mapang-asar na ngiti sa akin.
That's how the last picture looks like. Nakatagilid ako at nakaharap kay Paolo habang ito ay nakangiti sa akin. The picture turned so nice, like a candid and happy day.
P-in-ost ko iyon sa IG and sss story ko kasama na ang picture ko na nakataas ang wine at naka-fierce. We took group pictures, too, and sent it to my sister. Hindi siya makaka-reply agad pero natitiyak kong maiinggit iyon kapag nakita niya na.
Another Monday came and then another and another, and our schedule became so hectic. Habang nagbabantay kami ni Gino ay nag-aaral din kami ng sabay. Mas mukha siyang pagod at antok sa akin palagi, dahil siguro ay may inaalagaan siyang anak.
"May lakad ka?" tanong ko nang makita siyang may baon na formal clothes.
Sabado na ulit at kaming dalawa ni Gino ang magbabantay ng umaga at susublat naman sina Alyanna mamayang hapon.
"Meeting."
"Meeting? May date ka?"
He chuckled. "Mukha bang may time ako diyan ngayon?"
Ngumuso ako at sinimulan ng magligpit ng gamit.
"Bakit? P'wede naman."
"Why? May dine-date ka rin ba ngayon?" At binalik pa nga sa akin ang tanong.
"Rin? So you have?"
Nagtaas siya ng kilay sa akin. Iniwas ko ang tingin kay Gino.
"Wala, Cheska. Sino naman ang dine-date mo?"
Umirap ako habang zinizipper ang bag, hindi siya tinitingnan.
"Ikaw nga ang lagi kong kasama, sino naman sana ang ide-date ko."
Humalakhak siya. "So why are you even asking?"
"Para saan ang meeting mo kung ganoon?"
"Investor."
Investor? O baka ang ibig niyang sabihin ay balak niya nag-invest?
"Ano iyan? Networking? Baka scam iyan, ha."
"Tss. Business meeting iyon." Tumingin siya sa kanyang relo. "Let's go, sabay na tayo mag-lunch."
"Akala ko ba may meeting ka?"
"Mamaya pa namang one. I still have time."
I suggested na kung saan sila magmi-meet ay doon na lang din kami kumain para hindi na siya mahuli pa. But to my shock, sa pamilyar na restaurant na naman kami napunta.
"You must really love it here," may panunuya sa boses ko habang nagmamasid sa kabuuan ng lugar.
Hindi siya sumagot. May sumalubong na babae sa amin na mukhang nakilala siya. Hindi siya nanguha ng VIP room, nakakapagtaka. Nakisalo kami sa mga kumakain doon.
"Sir, wala na raw po kayong idadagdag sa mga ise-serve mamaya sa meeting niyo with Mr. Luz?"
"Nothing more." He eyed at me. "Anong gusto mong kainin?"
Tumingin sa akin yung babae. Medyo nagulat ako dahil manager siya, ayon sa nakalagay sa baba ng name niya sa kanyang name tag. Bakit pati manager ay pinagsisilbihan siya rito? Is he a VIP customer or what?
"K-kahit ano," sagot ko dahil hindi ako makapag-focus.
"Just give us the best seller meals. One dish for fish, meat, and veggies. Add watermelon shake and water."
"Noted, sir," sabi nung manager at muling nagnakaw ng sulyap sa akin.
Pagkaalis nito ay lumapit ako ng kaunti kay Gino. Ipinatong ko ang dalawang kamay sa mesa sa pagitan namin.
"What's that?" kuryosong tanong ko. "VIP customer ka ba rito? Bakit pati manager nauutusan mo?"
He raised a brow as he look at me seriously. "No."
"Kung ganoon, ano? Kilala ba ang parents mo rito? Why is everyone here treating you like you are their boss."
"Because I am."
Napanganga ako sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Niloloko ba ako ng taong ito.
Tumawa ako kahit alanganin ang naging dating no'n. Hindi ko alam kung nagpapatawa siya pero nang manatiling seryoso ang mukha niya ay hindi ko na alam ang sasabihin.
"Well, hindi ko alam na korni ka pala mag-joke."
Ngumiti lang siya kaya tumigil ako sa pagtawa. Unti-unti kong na-re-realize na mukhang totoo ang sinasabi niya. He's not the type who would kid around about something like that.
"Hindi nga? Sa'yo ito? Sa parents mo?"
"I owned the restaurant." Tuluyan na akong napanganga. Siya? As in kanya talaga? Hindi sa mga magulang niya? "And thanks for your compliments about it, by the way."