28

2183 Words
You've got to be kidding me! Ang tagal ko ng nacu-curious kung sino ang may-ari ng restaurant na ito dahil maganda ang istilo at very unique ang buong lugar, including the part that they serve different cuisines. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Gino nga ang may-ari nito. I hope he's not kidding me dahil unti-unti na akong naniniwala. Dumating na ang order namin at lahat lahat pero hindi pa rin ako nakakamove-on sa narinig. "You really own this?" tanong ko ulit habang nagpupunas siya ng kubyertos gamit ang tissue. Umangat ang dalawang sulok ng labi niya bago siya nag-angat ng ulo upang tumingin sa akin. "Bakit? Nakakagulat ba iyon?" "At yung business meeting na sinasabi mo... t-totoong business meeting talaga?" "Mukha ba akong sinungaling? Bakit lahat na lang ay hindi mo pinapaniwalaan?" I bit the insides of my cheeks. Grabe namang revelation ito. Hindi ko alam kung ano ang uunahin na maramdaman. Ma-a-amaze dahil nagawa niya ito at hindi lang minana sa parents niya o manliliit dahil siya ay may mga ganito ng achievements samantalang ako ay wala ni isa. "No, it's just that..." I gulped once again. "Hindi mo sinabi sa akin..." It slowly hit me. Kaya pala dito kami lagi, kaya pala siya ang nag-o-offer magbayad, kaya pala mamahalin ang mga gamit niya. Is he supporting himself and Justin? Tinakwil ba siya ng parents niya? Kaya ba wala akong naririnig na ano mang bagay tungkol sa kanila? May nalaman ako pero lalo lang nadagdagan ang mga katanungan. Bakit kahit ang dami ko ng alam ay nanatili pa ring misteryo si Gino at ang buhay niya sa akin. "Hindi ko sana sasabihin." He tapped his nose twice, para siyang nahihiya sa isang bagay na hindi naman niya dapat ikahiya. "But you're curious, so..." "Ikaw rin ang may-ari ng other branches niya, kung ganoon?" He nodded like it wasn't a big of a deal. "Wow!" "Kumain ka na, Cheska." Hindi yata ako matutunawan sa lahat ng nalaman ko. Si Justin lang din ba ang nakakaalam nito? At sinabi niya sa akin. Ibig bang sabihin ay may tiwala siya sa akin? Pero bakit ayaw niyang ipagsabi na siya ang may-ari nito? Kung ako siya ay baka araw-araw kong i-post ang restaurant sa f*******: para lang ma-i-promote. But he doesn't need it anymore though. Sikat naman na at malakas na ang restaurant. Maski nga sila mommy ay gustong-gusto na umo-order dito. "You're not kidding, right? Do you really own this restaurant?" Hindi ko pa rin mapigilang hindi mangulit. He chuckled a bit. "Mukha bang hindi ko kaya magtayo ng ganitong restaurant?" "Hindi naman," sagot ko. Amusement is dancing on his eyes and a short smirk is plastered on his lips. "Medyo nakakagulat lang." Dahan-dahan ang pagkain ko at maya't mayang tumitingin sa kanya. Marami pa ba akong malalaman na nakakamangha tungkol sa kanya? May anak siya at ngayon sa kanya itong restaurant na isa sa mga paborito ko? I mean, it's quite impossible. Nag-aaral pa lang siya, paano niyang napagsasabay ang lahat ng iyon? Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko. Nasa ibabaw lang iyon ng mesa kaya agad kong kinuha. From: Justin Saturday night after magbantay sa shop. Game kayo? I looked up to Gino after reading Justin's text. Ang tinutukoy nito ay ang camping na almost one month ng overdue. Hindi kami natuloy noong birthday niya dahil sa mga schedule naming hindi magkasundo-sundo. But we already handed him our gifts. Hindi nga ako makapaniwala na ang regalo pa ni Gino ang pinakanagustuhan niya. Well, they already know each other for years, alam na nila ang gusto ng isa't isa. "Ayos lang sa akin," sabi ko. "You're the busy one here." "Wala akong lakad next weekend kaya ayos lang." "Sige. Re-reply-an ko na." He nodded. "And continue eating your food." Tulad ng plano ay nagkasundo kami na ituloy ang camping activity ng sumunod na Sabado. Sa Tagaytay lang naman kami at magdadala ng dalawang sasakyan. Kay Gino ako sumabay dahil bukod sa nakakahiya sumabay doon sa mag-jowa na iyon ay nakakahiya rin naman na iwan si Gino mag-isa. Maaga kaming nagsara ng shop. Umaga ay nagpunta kami ni Gino sa facility pagkatapos ay dumiretso kami sa shop nang lunchtime at nagsara pagdating ng alas-kwatro. Tagaytay are also known for great and breathtaking views. Kaya nga hindi na kami nag-hotel o nag-rent ng mga mamahaling staycation. May alam din kasi si Justin na libre at magandang pag-camping-an doon. We just want to relax, chill, feel the peace, and to catch up with each other. Wala sa plano ang mga activities tulad ng golf, mountain climbing, swimming, o kung ano man. But of course I bought swimsuits just in case. "Saan matutulog si Xan ngayon? Kila Justin?" "Oo." "Ang tipid mo sumagot, ano?" Humalakhak siya at bahagya akong napangiti. "You know what, I don't really like you at first." Nakatagilid ako at nakaharap sa kanya. Mga limang minuto pa lang ang lumipas mula nang umalis kami sa shop kaya matagal-tagal pa ang oras namin na magkasama. "Bakit?" "Hindi ko alam." Humalukipkip ako. "Hindi naman sa hindi kita gusto. Nakakainis lang kasi kung bakit ang daming babae na lantarang nagpapakita ng pagkagusto sa'yo pero ang dami mo namang pinapaiyak. You're also too uptight. Pa-VIP ka rin madalas. Tapos---" "You sound like you hate everything about me," sabi niya at natawa. "Correction, wala akong pinapaiyak na babae." "Hep! Ilang beses kong nasaksihan iyon. Binabasted mo sila." Kalmado lang ang mukha nito. Relax na relax siya ngayon, ah? Now that I'm given a chance to see him this close with this kind of calm emotion on his face, it feels so surreal. Ilang buwan na rin naman kaming magkasama pero hanggang ngayon ay parang bago pa rin ang lahat. I still feel shy sometimes. Hanggang ngayon ay may mga bagay na gumugulo sa isipan ko tungkol sa buhay niya na hindi ko magawang tanungin. "Maayos ko silang kinausap." "How about Aira? Mukhang hindi naman maayos ang pakikipag-usap mo sa kanya." "At first. Medyo nainis na lang ako dahil halos lahat na lang ng gagawin at pupuntahan ko ay nandoon siya." "Sa lahat ng babaeng iyon, wala ka man lang bang nagustuhan? That's impossible." "I had one crush though." Tumaas ang dalawang kilay ko sa bigla niyang sinabi. Umayos ako ng upo pero nanatiling nakaharap sa kanya. Hindi niya ako nilingon, nanatili ang pokus niya sa daan na para bang walang kasama sa loob ng sasakyan. "Talaga? Sino? Nagkaka-crush ka pala?" He jokingly sighed and shook his head. "Kanina sabi mo imposibleng wala akong nagustuhan. Ngayon naman imposible na may crush ako? That seems contradicting, Francheska." "Biro lang iyon. Pero sino nga? At kailan pa?" "Tss." "Sino mas maganda sa amin?" Dahan-dahang tumaas ang magkabilang sulok ng labi niya. And then slowly the smile turned to a soft chuckle until it became a loud laugh. Ngumuso ako, nakakatawa ba iyon? Tumingin ako sa harapan, wala na kami sa highway at malalayo na ang mga sasakyan. Ang pinakamalapit na ay ang sasakyan ni Justin na nasa harap namin. Bukid na ang view namin ngayon at hindi na mga building. Hindi sinagot ni Gino ang tanong ko at may natitira pa naman akong kahihiyan kaya hindi ko na inulit pa. I don't wanna ask him about his crush again, too. Saka na lang siguro kapag naisali talaga sa usapan. May crush talaga siya? Hindi ko alam kung nacu-curious lang ba ako o nalulungkot. O baka hindi ko lang din maatim isipin na may ibang babae na siyang pagkakaabalahan sa susunod. Paano kung mag-decide siya na ligawan yung babae? Ano na lang ako? Baka pati pagkakaibigan, yung oras na kasama ko siya ay mawala. Iyon na nga lang ang tanging nagpapasaya sa akin kahit alam kong friendzone lang ako. "Tahimik ka," puna niya nang medyo makalayo-layo na kami. "Are you sleeping?" Sa gilid ng mata ay nakita ko ang paglingon niya upang matingnan kung tulog nga ba ako. "Hindi." "Gutom ka? Nagbaon ako ng pagkain--" "Hindi." Kung wala rin naman siyang balak na gustuhin ako pabalik, sana ay hindi na lang din siya maging ganito kabait sa akin. Sometimes I feel like I'm special. Lalo na at wala namang babaeng malapit sa kanya. Isa rin iyon sa rason kaya unti-unti akong nahulog. Tumikhim ako at tumingin sa labas ng bintana upang hindi niya mapansin ang namumuong luha sa mga mata ko. Love? It ain't for me. "Baka nauuhaw ka. Are you sick? P'wede mong buksan ang bintana para sa sariwang hangin." "Hmm." "Should I turn on the radio?" Bakit ba ang dami niyang sinasabi? Kanina naman ay hindi siya maingay. Hindi ako sumagot. Naramdaman ko ang paglingon-lingon niya sa akin pero hindi ko na lang pinansin. I don't wanna be rude but... Huminga ako nang malalim at pinikit ng mariin ang dalawang mata. "May tubig ka?" tanong ko, pilit pinapagawang normal ang boses at ang hangin sa pagitan namin. Tumingin siya sa akin. Lumambot ang ekspresyon niya at sinubukang kunin ang dala niyang bag sa likod. "Ako na," sabi ko. "Nasaan ba?" "Nasa loob ng bag." Tinanggal ko ang seatbelt para maabot ang bag niya. Medyo mabigat iyon at muntik kong mabitawan kaya dalawang kamay na ang pinangkuha ko. I smiled when I finally got it. Paglingon ko ay nakaharap sa akin si Gino. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. I unconsciously looked at his lips. Bahagyang nakaawang iyon. Lumunok ako at namumulang nag-iwas ng tingin. Ibinalik niya rin naman agad ang atensyon sa daan. After thirty minutes, we arrived at our destination. Nakaakyat naman ang sasakyan at mayos naman ang daan kaya hindi na kami nahirapan. "Walang CR?" Iyon agad ang una kong napuna dahil walang kahit anong bahay sa pwesto namin. Puro puno lang at dahil medyo mataas ay maganda ang view. The Taal Lake can be seen from here, too. "Wala pero pwede tayong makigamit doon sa bahay nung caretaker dito. Diyan lang sa baba," ani Justin na ngayon ay nag-aayos ng tent kasama si Alyanna. Gino, on the other hand, is also trying to put up a tent. Obvious naman siguro na dalawa kami ni Alyanna ang magkasama mamaya sa pagtulog. Nakakahiya na wala akong ginagawa kaya lumapit na lang ako kay Gino at tumulong. "Hold it," utos niya. Hindi naman ako marunong kaya sinunod ko na lang siya. Hindi ko alam kung may naitulong ba ako roon pero at least ay tumulong. Pagkatapos maitayo ang tent ay kinuha na namin ang iba pang gamit sa sasakyan. Alyanna and I took pictures afterwards. "Atras pa, Ches," sabi nito habang nakatutok ang mata sa camera. I'm wearing a cowgirl outfit with matching cowgirl hat. The boots with the brown and white overall outfit. Nagpa-braid pa ako kay Alyanna bago kami nag-pictorial. Umatras ako tulad ng sinabi niya. Medyo pababa itong lugar namin. Madaming puno at parang forest ang itsura. The clear sky is still visible though. Nag-pose ako sa camera. One fierce look, one cute style, one cowgirl kind of pose, and... "Atras ka ng kaunti, Ches, para makuha yung maraming trees." Inirapan ko siya. Mahilig ako mag-picture pero hindi sobrang haba ng pasensya ko. Padabog akong umatras, medyo nakakapagod pala ang ganito. Why did I even say yes for this pictorial? I'm not even a model nor an influencer. Last na ito. Bago pa man ako makapagreklamo gamit ang salita at tuluyang mabuo ang kung ano mang iniisip ay may naapakan akong kung anong bagay na naging dahilan kaya nadulas ang isa kong paa. My eyes widened in fear. Kumalabog ang dibdib ko lalo na nang maramdaman na tuluyan na akong nawalan ng balanse. Umangat pa ang isa kong paa at humawak sa kung ano mang bagay na malapit sa akin pero wala akong mahawakan. Shit! Pinikit ko ang mata at sa isang iglap ay naramdaman ko ang pagbagsak ko... Huh? Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Bakit wala akong maramdaman na lupa? Walang mga dahon o kaya ay mga malalaking ugat? Click! Agad akong nagmulat ng mata nang marinig ang pag-shot ng camera. Nagtataka at halos nakanganga akong nakatingin sa mukhang ilang pulgada lang ang layo sa akin. Kumurap-kurap ako at lumunok. "Ayos ka lang?" malumanay na tanong niya habang halata sa mukha ang pag-aalala. I don't get it. Why is he... here? "Cuttteee!!! Dapat mong i-post ito, Ches." Tumikhim ako at umayos ng tayo. Nasalo ako ni Gino bago pa man mahulog. Well, that's reasonable, nasa gilid lang naman sila ni Justin, just enough para 'di sila makuha sa frame. Pero ang bilis niyang kumilos, huh? "S-salamat," nahihiyang sabi ko. "Hmm. Magpalit ka na ng sapatos, why are you even wearing something with heels?" Uminit ang mukha ko sa kahihiyan. Kasalanan talaga nitong si Alyanna ito, eh. Sabi kong rubbershoes na lang, siya ang namilit na magsuot ako ng boots. At ito lang ang boots ko na bagay sa outfit ko, may heels pa. Sabay kaming lumingon ni Gino nang marinig ang muling pag-click ng camera ni Alyanna. She grinned at us like a crazy woman. "Kain na tayo?" patay malisyang tanong niya. I rolled my eyes and left. Bahala sila doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD