29

2182 Words
May nakita akong malaking nest na may upuan sa loob, magandang spot din iyon lalo na at mataas ang pwesto namin. Maya-maya lang ay lulubog na ang araw, hindi ko alam kung magandang spot din ito for sunset pero kahit na hindi gaanong makita iyon dito ay maganda pa rin naman. I can see from here some houses, a large number of trees, some cars, the Taal Lake, and some beautiful things that I can hardly describe on. Umupo ako sa may upuan. Naghahanda naman sila Justin doon para sa hapunan namin. Mag-iihaw sila ng isda, talong, okra, at barbecue. Nagdala rin kami ng beer pero sapat lang na tig-iisa kami. "Mind if I join you?" Buti na lang at naka-braid ako kaya hindi humaharang ang buhok sa mukha ko. Masarap ang simoy ng hangin, perfect for a coffee and calm music. Nilingon ko si Gino at nginitian. He took it as a sign to sit beside me. Kapwa na kami nakatingin ngayon sa magandang tanawin sa aming harapan. "Ang ganda, ano?" sabi ko. "You love this kind of sceneries?" tanong niya. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata. It has been a while. Nang hindi ako sumagot ay nagsalita itong muli. Nakapikit ako pero ramdam ko na nasa akin ang tingin niya. I don't know why but bittersweet feelings crept inside of me. Hindi ko alam kung alin doon ang mas matimbang, kung nasasaktan ba ako o masaya lang talaga. "Anong iniisip mo?" Dumilat ako at sinalubong ang mga mata niya na ang tagal ko ng hinahangaan. Back then, his eyes are as cold as ice, blank, and sometimes scary. Pero ngayon iba na. His eyes are deep set, lots of emotions, I can hardly name each. Para bang ang daming sinasabi ng mga mata niya, ang daming pinaparating, at sa dami no'n ay maiiwan kang nalilito kung ano ba talaga ang gusto niyang ipakita. Tss. Pinigilan kong matawa sa dami ng malalim na iniisip ko ngayon habang nakatitig sa kanya. "At bakit ko naman sasabihin sa'yo?" pang-aasar ko gamit ang seryoso at masungit na tono pero bahagyang nangingiti. "Ganoon naman ang magkaibigan, ah?" Ngumiti ako at pasimpleng binangga ang balikat ko sa kanya para asarin. "Naks! Parang dati lang ang sungit-sungit mo sa akin." Humarap ako sa tanawin sa aming harapan pero agad ding ibinalik ang tingin sa kanya at humalukipkip. "I choose my friends wisely, huh?" I mocked. Taliwas sa inaasahan kong reaksyon ay tumawa siya. It was short but memorable. Bakit ang gwapo niya kapag seryoso pero ang gwapo niya pa rin kahit nakatawa? Seriously? Kailan ba hindi gagwapo sa paningin ko ang isang ito. "Sorry about that," sabi niya bigla. Thinking about those days, hindi pumasok sa isipan ko na darating kami sa araw na ito. "Inis na inis ako sa'yo no'n." Naalala ko bigla yung letter na siya ang nakapangalan bilang sender. "Anong impression mo sa akin noon? I mean before or after we were assigned to do the project together. Kilala mo na ba ako before that? O mga author ng libro lang ang kilala mo?" Inilagay niya ang dalawang palad sa kanyang magkabilang tuhod. Hindi niya ako tiningnan, nakatingin lamang siya sa kanyang kamay na nasa tuhod. Pinanood ko ang bawat galaw niya. His body and looks are perfect for a model. Tiyak na makukuha siya agad at maraming magiging fans. Heto na naman ako sa pamumuri sa kanyang itsura. I should stop fantasizing too much. "I think you're cool even back then." "Weh? Hindi ako naniniwala." "Napansin na kita noong second year pa lang tayo. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa'yo? Halos lahat ng lalaki sa department natin ay ikaw ang pinag-uusapan at tinitingnan." "You're lying," saad ko. "I'm not. At paanong hindi kita makikilala kung tayong dalawa na ang naglalaban noon pa man sa ranking?" "Well, that makes sense. But really? You think I'm cool?" Ngayon lang nag-sink in sa akin ang sinabi niyang cool daw ako. Hindi ko na napigilan pa ang malaking ngisi sa aking labi. I want hear more of it, his impression towards me. "While everyone's having fun, you're studying. Hindi ko alam kung alam mo na ito pero you stand out, Francheska. Magaling ka magdala ng sarili, sa pananamit, sa pakikipag-usap, sa pagtatanggol sa sarili mo at sa ibang tao... There is this something about you that will always make guys turn their heads towards where you are." Kinikilig ako, aaminin ko. Totoo bang naririnig ko ito mula sa bibig niya? Para akong nananaginip. This is Gino Sanderson... hindi ako makapaniwala. "You sound like you're having a crush on me," biro ko. Diretso ang tingin niya sa akin na sa sobrang lalim ng mga emosyon sa mata niya ay ako na ang naunang pumutol no'n. "Bakit ang sungit mo sa akin, kung ganoon? Don't you wanna be friends with me?" "I was like that normally." Umiling ako. "Hindi kaya! Mas masungit ka sa akin kaysa sa ibang mga lumalapit sa'yo," giit ko dahil iyon naman ang totoo. "Alright. Hindi ko alam kung paano ka pakikitunguhan. Plus I'm not used to having friends, Francheska..." "You could have tried though." "Ikaw? Alam kong limitado lang din ang kaibigan mo, si Alyanna nga lang ang madalas kong nakikita. Anong pumasok sa isip mo at nag-offer ka ng friendship sa akin?" "Duh!" I rolled my eyes. "Wala akong choice." Humalakhak siya. "You did not even sugarcoat it." Ngumiti ako. "I was shock back then, when you offered me that. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko lalo na at alam ko na hindi ka basta-basta nakikipagkaibigan." "Oh pala? Sana ay hindi mo na lang ako pinahiya, 'di ba?" "Okay, sorry." Tumawa siya. "That day..." Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala na nagkaroon nga siya ng emergency noong araw na iyon. "Si Xan ang nasa hospital. High fever." My lips parted. Nag-stay siya roon kahit na dapat ay umalis siya... Now I'm feeling guilty for all of it. "Sino ang kasama niya?" "Justin took him in the hospital." "Sorry sa mga harsh words na nabitawan ko noon. You see, I tend to say what's on my mind without even thinking." Isinandal ko ang dalawang siko sa aking tuhod at tumingin sa harapan. Hindi ko na siya kita ngayon, I feel uneasy. "Reasonable naman. Noong mga una ay sinadya ko talagang sungitan ka o hindi pansinin. Akala ko ay gagawa ka ng paraan para hindi matuloy yung joint project natin. You did otherwise though. Sa halip na si Ma'am ang kulitin ay ako ang ginulo mo." Ngumuso ako. "Ikaw na sana ang tumanggi sa project kung hindi mo gusto." "Hindi naman sa ayaw. I guess, I was just curious of what you'll do." He chuckled. "Bakit ba nandito ang usapan natin? Tinatanong lang kita kanina kung ano ang iniisip mo, ah?" Umayos akong muli ng upo at humalukipkip. I glanced at him for a moment. Lumingon siya at nagtamang muli ang mga mata namin at mas lalong hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagngiti. "Ang dami mong sinabi ngayong araw na ito, ah? Anong nakain mo?" His eyes narrowed, amusement is dancing on his beautiful charcoal eyes. "I guess I'm like this to someone I'm comfortable with." Natigilan ako at tuluyang natulala sa mukha niya. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ang lakas ng t***k ng puso ko pero sana ay hindi. It feels like my ribcage was about to get cracked because of it. Nanlambot ako at hindi ko na alam ang susunod na gagawin o sasabihin. Talaga bang sinabi niya na komportable siya sa akin? The sides of his lips rose. The wind blew his hair which made it more messy making him look so lovely. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Stop it, heart, masasaktan ka lang sa dulo. "Bakit nga pala hindi ka na lang kumuha ng business courses?" pag-iiba ko ng usapan. Ramdam ko pa rin ang mga mata niyang mainit na nakatitig sa akin. "Since may business ka naman na, bakit pinili mo pa yung mahirap na kurso?" "A business needs an accountant. Gusto ko na alam ko ang trabaho ng halos lahat ng magiging empleyado ko. Isa pa, gusto ko rin mag-focus sa investments, gusto kong mapag-aralan ang lahat." "Kung nag-business ad ka na lang sana ay ako ang una sa listahan ng dean's list ngayon," biro ko. Hindi naman mabenta pero narinig ko ang pagtawa niya. "It sounds so easy for you though. It's not on me." Bumuntong-hininga ako habang naalalang muli ang iniisip ko kanina bago siya dumating. I've been under stress lately. Hindi ko alam kung normal pa ba o hindi na healthy ang nararamdaman ko. "Bakit? Mataas naman ang mga grades mo, ah?" Pilit akong ngumiti. "Medyo nahihirapan na ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit. At kahit hindi ko gusto ay hindi maiiwasan yung pressure sa paligid ko." "Pressure? Were you pressured? Hindi mo ba gusto ang kurso mo?" dire-diretdong tanong niya. Dahil sa interes sa boses niya ay nagawa kong magsabi ng saloobin ko na hindi ko na nasasabi kay Alyanna ngayon. She's always with Justin, we rarely had time to talk one on one like this anymore. At hindi naman din iyon issue sa akin, ayos lang hangga't masaya siya. "Ako ang namili sa kurso ko. Siguro nga ako lang din ang nagpe-pressure sa sarili ko." I sighed again. "Hindi ko alam kung alam mo pero nasa show business ang buong pamilya ko. From my great grandparents down to my parents and to my sister. Ako lang ang nag-iba ng career path. At ayaw ko na mapahiya sila o madismaya kung sakali man na hindi maging maganda ang resulta ng desisyon ko." Tahimik lang siya, hindi pinuputol ang pagsasalita ko. "Noong una ay ayos lang, mahirap pero kaya naman. Pero nitong mga nakaraan... Parang ang bigat, parang ang dami-dami kong kailangang isipin, kailangang gawin... At dumadating sa punto na maski mga basic problem lang sa iba ay nahihirapan na akong aralin. Dati naman kaya na ang isa o dalawang oras na review para sa isang linggong lesson sa isang subject pero ngayon, halos wala na akong pahinga para mag-aral pero ang hirap pa rin." Sa gilid ng mata ay tiningnan ko siya, baka kasi tulog na pala sa dami ng sinasabi ko. But no, he's looking at me intently, waiting for every single word that I'll say. "I feel pressured, that's it. Natatakot akong ma-disappoint sila. At kapag nangyari iyon ay maski ako madi-disappoint sa sarili ko. It's scary though. Ayaw ko na ganito ako, ayaw ko na nape-pressure ako, ayaw ko na nagiging negative ang thinking ko. But I can't help it. Lately... Lately, it's getting out of control." Nai-imagine ko yung sarili ko na naghihirap para lang matapos ang lahat ng ito. What if yung magiging dulo ng lahat ay hindi mangyari ng ayon sa kagustuhan ko? At sila mommy.... Kung hindi magiging maganda ang stand ko sa school o kaya ay hindi makapasa ng board exam next year, ano na lang kaya ang mararamdaman nila? Ano na lang ang sasabihin ng iba? Sigurado ang sasabihin nila ay dapat nakinig na lang ako sa mga magulang ko, na dapat ay gumaya na lang ako sa ate. Dapat ay nag-focus na lang din ako sa family business namin. "Sinunod mo pa rin ang gusto mo kahit alam mong may mas madaling way para sa'yo." Tinutok ko ang mata sa kanya habang nagsasalita ito. Ngumiti siya. "You're brave for trying. You're brave for taking the risk. And you're brave because you're here, trying to survive." Pilit akong ngumiti. "Sana nga p'wedeng sabihin iyon kapag natalo ako sa sugal na pinasukan ko. At least tumaya? Tss." Tumingin akong muli sa tanawin sa aming harapan. "Ayaw kong matalo, Gino, ayaw kong hanggang doon lang sa tumaya ako. Ayaw kong hanggang doon lang yung pinaghirapan ko. I have to finish the race no matter what. And thinking about what lies ahead of me, thinking of my current standing right now, doon ako natatakot. Na baka kahit gusto ko... ay hindi ko kakayanin." "Proud ang parents mo sa'yo magawa mo man o hindi ang gusto mo, Cheska. Stop thinking otherwise." "Oo nga pero panigurado na mayroon at mayroong disappointment silang mararamdaman, sabihin man nila o hindi." Hindi na siya sumagot pa o nakipagtalo. Bagaman mabigat ang naging topic namin ay hindi maipagkakaila na gumaan ang pakiramdam ko. Parang nawala yung kalahati ng problema ko. "Cheska! Gino! Kain na," tawag ni Alyanna. Tumayo ako at nagpagpag ng suot na marahil ay nadumihan sa pag-upo. Tumayo na rin si Gino. Nauna akong naglakad sa kanya at bago pa man kami makalapit kila Alyanna ay muli siyang nagsalita. "Take a break, then. Rest your mind and protect your peace. Never tolerate negativities inside your mind, Cheska, believe me, it's dark and scary in there." Huminto ako at humarap sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Sa paraan ng pagsabi niya no'n ay para siyang may pinanghuhugutan. Did he suffer anxiety, too? Depression, perhaps? Or a trauma? Hindi ko alam. I don't know much about his life. Ngumiti siya. "Let's go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD