"Look, dada! I have a plane!"
Nakangiti kong pinagmasdan si Xander na palapit ngayon kay Gino. Katatapos kong gawin ang paper plane niya na ngayon ay enjoy na enjoy siyang laruin.
Kinausap ni Gino ang anak at nakipaglaro sandali bago hinayaan itong magpalipad at magtatatakbo mag-isa niya. It's a bit windy, making it a better day for that kind of play. Dumiretso sa akin si Gino, ngumiti, at umupo sa katabing swing ng akin.
"Hi," he greeted. Kararating lang nito sa isang business meeting at dahil abala si Justin at Alyanna sa pagdi-date ay ako muna ang nag-alaga kay Xan. "I closed the deal."
"Wow!" Parang bata na nabigyan ng candy ang reaksyon ko at patagilid na humarap sa kanya habang medyo gumagalaw pa ang swing. "Talaga? Anong deal ba iyon? Investor? O mag-o-open ka ulit ng bagong branch?"
"Plano kong mag-open ng restaurant sa isang sikat na resort sa Palawan, recently ay naging open sila for business partnership, like restaurant sa loob ng resort and other stuffs. Ayun."
"So, mag-o-open ka ng branch sa loob ng resort?" He nodded while a cute grin is plastered on his red lips. "Wow! Iba ka talaga."
"Dinner?"
I chuckled. "Dapat lang, noh! Order ka na rin ng dessert."
"Umuwi na tayo, kung ganoon." He checked his expensive watch. "Para maagang makapagluto at hindi ka gabihin."
Maliwanag pa naman. Hinanap ng mata ko si Xander, tuwang-tuwa pa rin ito sa paglalaro at mukhang malulungkot siya kapag tinawag na agad para umuwi.
"Mauna ka na. Dito na muna kami ni Xan, nag-e-enjoy pa yung bata," sabi ko at inginuso ang pwesto ng anak niya.
Sinundan niya iyon ng tingin at kalaunan ay tumango. "Umuwi na rin kayo kaagad."
"Yes, sir!" biro ko. He stood up and went to his kid, nagpaalam siguro. Pagkaalis niya ay bumalik ulit sa paglalaro si Xan na paminsan-minsan ay kumakaway sa gawi ko.
It's the month of November. Tapos na ang midterm exams namin at ngayon ay medyo gumaan ang school works. It has been weeks since Gino and I became close. Habang tumatagal ay gumagaan lalo ang pakiramdam namin sa isa't isa. Hindi na rin kami masyado na-a-awkward. And I can already say a joke without him getting mad nor annoyed.
Sabado ay sa shop kami, kapag weekdays ng hapon ay salitan pa rin kami nila Alyanna. On Sundays, sometimes I am at home, sometimes I'm here, playing with Xan. Nasanay na rin ako na pumupunta sa bahay ni Gino, baka nga mas madalas na ako rito kaysa sa bahay.
We study together, that's one of the reason why.
"Nasaan na yung bebe mo?" Tumabi si Alyanna sa akin sa may bench malapit sa school garden.
"Sinong bebe?" Pinagkunutan ko siya ng noo kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. "Anong ginagawa mo rito?"
"Si fafa Gino, sino pa ba? Bakit? Bawal ba ako rito?"
Nagkaroon ng emergency meeting ang mga teachers sa department namin kaya naging vacant time ang oras na ito. Hindi ko nga lang alam kung hanggang uwian na ba, wala silang sinabi kaya ngayon ay kalat-kalat ang mga estudyante.
"Nasaan ang boyfriend mo?"
"Kasama nung boyfriend mo."
Inirapan ko siya. "Ilang beses ko ba ipapaalala na magkaibigan nga lang kami ni Gino."
"Kaibigan, sus! Kulang na nga lang tawagin kang Mama nung anak niya. 'Wag ako, Francheska."
Mahina ko siyang siniko. "Takpan mo nga yung bibig mo, baka may makarinig sa'yo."
She gave me an apologetic smile. Nag-peace sign pa. Magsasalita sana itong muli pero napansin niya sina Gino at Justin na papalabas na ng gate, kita kasi rito iyon.
"Saan pupunta ang mga iyon?" tanong niya sa sarili saka humarap sa akin. "Bakit hindi nagpapaalam?"
Natatawa akong umiling-iling. "Bakit sa akin ka nagtatanong?"
She hissed, obviously annoyed that her boyfriend did not text her.
"Tara nga!" Hinila niya ako at nagpatianod na lang ako sa kanya. Balak ko na rin namang umuwi kung pwede na.
Hinihingal kami pareho na huminto nang mahabol ang dalawa. Kunot ang noo ni Gino samantalang si Justin ay nanlalaki ang mga mata.
"At saan ka pupunta?" Nakapamewang na tanong ni Alyanna kay Justin.
Naghahabol ako ng hininga kaya wala akong pakielam kung mag-away sila. Gosh! Bakit ba ang bilis tumakbo ng babaeng ito? O baka kulang na ako sa exercise?
"Sa shop. Akala ko nauna na kayo?"
"Sinabi ko bang mauuna na kami?" masungit na sabi ni Alyanna.
Tss. Couple things.
Nagtama ang mata namin ni Gino. I hate how my heart skipped a bit because of it.
"P'wede na bang umuwi?" tanong ko para mawala sa puso ko ang atensyon.
"P'wede na raw."
Sabay-sabay kaming nagpunta sa shop. Kapag magaan ang schedule naming lahat ay apat kaming nagpupunta roon.
We arrived there in ten minutes, opening and cleaning the place.
"Wala ako sa Saturday, pupunta akong Palawan, I'll check the resort," anito habang nagpupunas ng mga kung ano-ano sa may counter.
"Hindi man lang magsama," biro ko.
"Gusto mo ba?" Nagulat ako sa tanong niya at hindi agad nakapagsalita. He let out a cute laugh. "Gusto nga sana kitang ayain kaso baka ayaw mo."
"You want me to come?"
Kitang-kita ko ang paggalaw ng adams apple niya, ang mabilis niyang paglunok. He's not looking at me.
"Kung wala ka lang naman gagawin..."
Nakagat ko ang ibabang labi lalo na nang marinig ang medyo nahihiya niyang boses. Talaga bang gusto niya ako sumama sa Palawan? Is he not kidding?
"Kung gusto mo sumama ay ibibigay ko ang flight ticket bukas," dugtong niya.
"Huh? Nakapa-book ka na?"
"Hmm. I booked two... just in case."
Napaawang ang labi ko. At unti-unting sumilay ang ngiti mula roon. Tell me, how could I not fall for this man? Paanong palagi na lang niyang naco-control ang puso ko?
"Sige! Sasama ako," masayang sambit ko.
Humarap siya sa akin at ngumiti rin. "May gusto rin akong sabihin sa'yo sa sabado..."
"Ano iyon?"
"Tangina!?"
Sabay kaming napalingon ni Gino nang marinig ang malutong at matigas na pagmumura ni Justin. Kasunod no'n ang pagbukas ng pintuan at pagtunog ng wind chime.
May customer.
Hindi ko na pinansin pa si Justin at agad ngumiti, sinalubong ang bagong dating.
"Good afternoon, Ma'am," bati ko na may malaking ngiti sa labi.
The lady is gorgeous. She's wearing a red flowy dress. Mas matangkad siya ng kaunti sa akin, o baka dahil lang naka-heels siya? She's a real beauty.
Nilagpasan niya ako at dumiretso sa counter kung saan naroon si Gino. Ngumiti ako at hindi na ininda ang pagkapahiya sa ginawa niya. Baka nagmamadali at gusto na um-order. Nang mahagip ng mata ko si Gino ay medyo nagtaka ako sa emosyong naglalaro sa kanyang mukha, he's back to his cold aura again.
Ganyan naman siya madalas pero bakit ngayon parang... may iba?
"Bakit ka ba nagmumura diyan?" Iritadong tanong ni Alyanna nang makalapit ako sa gawi nila.
Tutok ang paningin ni Justin sa babaeng kararating. Why is he looking at her like that? Baka ex niya? Si Alyanna ay halatang naiinis na nacu-curious.
My eyes snapped back at Gino's place. At dahil maliit lang ang pwesto namin ay dinig na dinig ang bawat magsasalita.
"Order?" malamig na sambit ni Gino.
"What's your specialty?" Ni hindi siya tumingin sa menu o sa paligid kung ano man ang pwedeng mabili. Tutok ang mata niya kay Gino na para bang mawawala ito sa paningin niya kapag nalingat siya sandali. "Nevermind. I'll buy whatever you'll make for me."
Dumaan ang pait sa lalamunan ko. May kakaibang kirot akong nararamdaman na hindi ko alam kung para saan.
Gino's jaw clenched in a tight manner. Gustuhin ko mang iiwas ang paningin sa kanila ay hindi ko magawa. Sino ba ang babaeng ito?
Lumapit si Justin sa kanila. "Ako na ang gagawa ng order niya, Gino, 'di ba may lakad ka pa ngayon?" Alam kong palusot lang iyon, pero para saan?
Iniiwasan ba nila ang babaeng ito?
"Sino siya?" bulong ni Alyanna sa akin.
I shrugged. "Malay ko."
Nagpunas ng kamay si Gino at umalis sa counter. Dire-diretso siya sa labas ng shop at agad humabol ang babae. The girl held his arm. Iniwas agad iyon ni Gino. Hindi ko na marinig ang usapan nila pero sigurado akong nag-aaway sila.
"Si Cali, ex ni Gino. First and only girlfriend," sabi ni Justin nang kaming tatlo na lang ang nasa loob.
May clue na ako kanina pero ngayong na-confirm na ay bigla akong nanghina.
"Bakit sila nag-break?" tanong ni Alyanna.
Hindi sumagot si Justin. Para bang maski siya ay hindi maproseso ang nangyari.
Base sa mga reaksyon nila, alam kong minahal ni Gino yung babae. And of course, Gino won't court or be in a relationship with someone he doesn't love, hindi ganoon ang personality niya.
"Kailan sila naghiwalay?" tanong ko nang may maisip na kung ano.
"Hindi ko alam kung bago o pagkatapos ng graduation. Basta bago mag-college."
Napaupo ako nang tuluyan sa upuang malapit. She's gorgeous and Gino's genes are great, too. Siya ba ang nanay ni Xander?
Tuwing iyon ang usapan namin ay kitang-kita ko ang sakit sa mukha ni Gino. He told me Xan's mom is gone and now... she's back.
Ilang buwan na si Xan noong mag-college si Gino kaya malamang ay iyon nga ang ina nito. Gino's reaction earlier... Ganoon din siguro ang magiging reaksyon ko kung ako ang nasa kalagayan niya.
Paanong nagawang iwan ng babaeng iyon si Xan? At ngayon babalik siya na parang wala lang?
Hanggang makauwi ay laman iyon ng isipan ko. The next morning, Gino looks normal again. Gayunpaman ay hindi nawala sa isipan ko ang nangyari kahapon. Ano kaya ang pinag-usapan nila? Gusto kong magtanong pero wala ako sa lugar.
"Kumusta si Xan?" tanong ni Justin sa kanya nang magkakasama na kami sa cafeteria.
Lalo ko lang nakumpirma na iyon nga ang nanay ni Xan dahil sa tanong na iyon.
"Ayos lang," tipid na sagot niya.
"Sinabi mo na?"
Hindi ko narinig ang naging sagot ni Gino dahil biglang umingay sa cafeteria.
A beautiful lady walked in with her red stilettos, looking so fab, obviously stealing the whole crowd's attention.
Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan nang makita ang pamilyar na mukha nito. Hindi pa siya nakikita nina Justin at Gino. Si Alyanna ay nakanganga na sa gulat. Naglakad palapit sa amin si Cali, iyon ang pangalan niya sa pagkakatanda ko sa sinabi ni Justin kahapon.
"Mind if you move?" Direktang tanong niya sa akin.
Lumunok ako at umambang aalis pero hinawakan ni Gino ang palapulsuhan ko kaya hindi ako nakatayo.
"Stay," mariing sabi niya.
Napapikit ako. Bakit ba ako nadadamay sa g**o ng dalawang ito?
"Gino," hindi makapaniwalang anas ni Cali. Bagaman naiinis ay binigyan niya pa rin ako ng matamis na ngiti. "Hi! You're Gino's friend?" I nodded. Nag-abot siya ng kamay sa akin. "I'm Cali, his ex-girlfriend."
Dinig na dinig ang pagsinghap ng mga estudyanteng kasama namin ngayon sa cafeteria. Her voice is loud and clear, ngayon ay tiyak na kakalat na naman ang balitang ito sa buong department namin.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan bakit kailangan niya pang sabihin iyon.
"Don't mind her and continue eating, Cheska," ani Gino sa tabi ko.
Hindi ko na nagawang sagutin pabalik si Cali dahil doon.
"I'll be gone for a few days. Babalik ako--"
"Tigilan mo na si Gino, Cali," dinig ko ang inis sa boses ni Justin. "Masaya na nga yung tao, ano pa ba ang kailangan mo?"
Pain crossed her beautiful eyes. "Justin..."
"Ikaw ang nang-iwan, hindi ba? Patahimikin mo na yung tao."
"Justin," Gino warned him.
Hindi na kumibo si Justin at maya-maya lang ay umalis na rin si Cali. I look at Gino, hindi ko na mabasa ang emosyon sa kanyang mukha ngayon.
"Ayos ka lang?" tanong ko.
"Why wouldn't I be?" Ngumiti siya. "Ayos lang, Cheska, kumain ka na."
Tumango ako pero hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala.
Tuloy ay lutang ang isipan ko habang nagkaklase kami ng panghapon. Sumaya lang ako nang mag-dismiss na ang prof ko para sa last subject.
Hindi ako pupunta ng shop ngayon kaya didiretso na na umuwi. I want to visit Xan but then... baka biglang dumating doon ang nanay niya or baka rin... hindi na ako papuntahin pa ni Gino.
Now that she's back and they have a son, they should work things out. Mas makakabuti iyon para kay Xan, to have a complete, happy family.
Nalungkot ako bigla.
Pag-angat ko ng tingin ay nagulat ako nang makita si Gino sa tabi ng aking sasakyan. Kumaway siya at ngumiti sa akin. Sa kabila ng dami ng iniisip ay kusa akong napangiti at nagmamadaling lumapit sa kanya.
"Nakalimutan kong ibigay kanina," anito at may inabot sa akin na kung ano.
I checked the paper and it's actually the flight ticket he was talking about.
"Saturday, right?"
"Hmm-mm." He tilted his head to look closely at me. "Pupunta ka, 'di ba?"
"Of course! Sayang ang libre."
Para siyang nakahinga nang maluwag at ngumiti. "We'll spend the night there para naman masulit ang pagpunta. Pupunta ako sa inyo para magpaalam---"
Umiling-iling ako. "Hindi na. Ako na ang bahala."
"Pero--"
"Ako na at baka kung ano pa ang isipin nila mommy kung ikaw ang magpapaalam..."
"Sure? Tawagan mo ako kung ano ang sasabihin nila."
Humalakhak ako. "Sasama ako, don't worry."