Pumayag agad sila mommy nang magpaalam ako. Hindi naman kasi sila istrikto masyado sa mga ganitong bagay. Isa pa, sanay na sila sa akin na namamasyal ako sa ibang lugar na hindi sila kasama, sometimes mag-isa, o 'di kaya ay kasama sila Alyanna. It's nothing new. Iyon din ang sinabi ko kay Gino nang magtanong siya kung ano raw ba ang sinabi nila mommy. It's Friday. Bukas ng madaling araw ang flight namin kaya kailangan kong matulog ng maaga mamaya. "Oh, bakit pumasok ka pa? Mamaya ang alis niyo, 'di ba?" tanong ni Justin pagpasok ko sa shop. Nakaupo sila sa may upuan ni Alyanna at nag-uusap. It's been months since the two dated pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat. Hindi magaling si Alyanna sa pagtatago ng kung ano sa akin kaya nakakapagtaka kung paano n