Napuno ng tawanan at asaran ang hapon na iyon. Medyo nahihiya pa si Alyanna noong una kay Justin pero kalaunan ay naging komportable rin naman ito. Alam kong malalapasan nila ang misunderstanding na iyon at masaya akong naging parte ng pag-aayos nila. "Are you happy?" "Hmm?" Nakangiti kong sinulyapan si Gino na ngayon ay nagda-drive na pauwi sa amin. Hindi niya na ako pinag-drive dahil gabi na raw. Masyado kasi kaming nawili sa pagku-kwentuhan kanina. Iniwan namin ang sasakyan ko sa may parking lot sa may shop. "You look so happy," he sounded amuse. "Sana ganyan ka palagi." Naglalakasang tambol na naman ang ipinamalas ng puso ko. Hindi ako nakasagot sa kanya at nahihiyang tumingin sa kabilang gawi. Bakit naman kasi ganyan siya magsalita, eh. Hindi na siya bumaba nang dumating kami s