"Saan ka nagpunta kanina?" Diretsahan kong tanong nang magkita kami sa parking pagkatapos ng klase. Hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya at umaktong ayos lang. With my own two eyes, I saw them together. Hanggang ngayon ba ay hindi niya maintindihan na hindi ko kayang makita si Cali na kasama siya? Pagkatapos ng lahat? Nangunot ang noo niya. Great. Act like you didn't do anything wrong. Go on with that attitude. Mas lalo lang akong nabibwisit. "Sinabi ko sa'yo na may meeting, 'di ba?" Bakas ang pagtataka sa tono ng boses niya at ang noo ay kunot na kunot pa rin at tila nag-iisip. "Really? You didn't meet someone? Like your ex? Like Cali, perhaps?" Kung sa ibang pagkakataon ay matatawa ako sa sarili ko dahil sa mga paligoy-ligoy na tanong pero hahantong rin sa gusto kong malaman.