Saturday. At the shop. The four of us with the awkward air surrounding the place. "Sino-sino pala ang invited sa birthday party ni Xan? Excited na ako," ani Alyanna na halata namang sinabi lang iyon dahil walang nagsasalita. "Matagal na rin akong hindi nakakapag-swimming," sabat naman ni Justin. Bumuntong-hininga lang ako at hindi sila pinansin. Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng mesa at hindi tumingin sa gawi ng kahit na sino sa kanila. Ito yata ang unang beses na magkakasama kami ni Gino sa isang lugar ng mahabang oras mula nang maghiwalay kami. Hindi na siya nagte-text o nanunundo. Well, of course. At kahit ayaw kong aminin ay araw-araw akong nag-aabang na magparamdam siya. Araw-araw akong umaasa na hindi niya ako matitiis. Alam ko na ang selfish no'n pero... Ewan. "Excuse me," mala