Napaatras ako nang makita si Gino sa tapat ng pinto ng room namin. Nakahalukipkip at madilim ang tingin. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. The lips that Cali kissed yesterday. Hindi ko yata siya kayang makita ngayon dahil ang tanging nasa isip ko ay ang nakita kong eksena sa garage ng bahay niya. "What's wrong with you?" agad na tanong niya nang makalapit sa akin. "Iniiwasan mo ba ako?" He's so blunt, huh. Ang daming nakatingin sa amin. Pinilit kong magpakawala ng matamis na ngiti. "Hindi naman, ah?" "Talaga?" Ang sarkastiko niyang boses at pagtaas ng kilay ang siyang nagpawala ng ngiti sa labi ko. He doesn't even look sorry. "Mamaya na tayo mag-usap. Tara na sa cafeteria---" "Bakit hindi mo na lang sabihin ngayon kung ano ang problema mo?" Humalukipkip ako at inirapan siya. Naw