Chapter 34 Hindi Ako Pinigilan Lumipas ang mga araw. Naging masaya ako sa piling ni Sebastian. Sumali ako sa aming National Geographic Geo Genius Quiz and I took the top. Nakuha ko ang gintong medalya. Naging busy ako noon sa pag aaral. Si Sebastian ang naging inspirasyon ko kaya nakuha ko iyon. Apat na mga Altang Unibersidad ang aking nakalaba. Ito 'yong gusto ko. Maging inspirasyon rin ng iba. Dahil nga kilala si Sebastian sa industriya, marami ang kanyang naging paparazzi. Hanggang ngayon hindi parin mamatay matay na isyu na nag cheat daw ako. Hindi kami artista para dumugin ng mga media. They are just only interested about Sebe's life and to seek some attention, maybe.

