Chapter 35 Cuddle Hindi naging hadlang ang away namin ni Sebe para hindi makapunta sa birthday ni Jen. Basta si Jen , walang cakes o anumang handa. Puro inumin at pulutan ang gusto nito. Nandito kami ngayon sa Alcobar. Dahil nga mainit ang ulo ko sa kanya hindi na ako nagpaalam. Kaming tatlo lamang dito sa mesa. Kakaalis lang ni Clinton na naghatid kay Kylie dito. Pinili ko ang mild na inumin sa mesa. "Sad?" Puna sa akin ni Kylie. Umismid agad ako. Wala ako sa mood. "Come on! It's my birthday! Bakit ganyan ang mukha mo?" Siguro nag break na naman sila nito ng boyfriend niya. "It’s your birthday not mine." Walang buhay na sabi ko at nilagok ang isang bote ng smirnoff.

