Chapter 77-Paalala*

1224 Words

"Oh, anak dumating ka na pala. Magbihis ka na at sumabay ka sa akin sa pagkain, masarap ang ulam natin ngayon. Nakita mo 'to? Lechong manok!" may pagmamalaking sabi ni Aling Belen, habang itinuturo ang isang buong lechon manok na nakahain sa lamesa kasama ng umuusok pa sa init na kanin sa bandehado. Nakataas pa ang isang paa ng ginang at maganang kumakain. Nangunot ang noo ni Daniel. "Saan galing 'yan?" tanong ng binata, kauuwi lang nito galing eskwelahan. Halos magkasunod lang silang dumating ni Aling Belen, nauna lang ng konti ang ginang. "Hindi saan, kanino?" Pagtatama ni Belen sa tanong ni Daniel. "Bakit, sino ba ang nagbigay niyan sa inyo?" Ibinaba ng binata ang suot na backpack sa sahig at pagkatapos ay hinatak sa ilalim ng lamesa ang bangkuang kahoy na walang sandalan, naupo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD