Isang hindi inaasahang mensahe ang natanggap ni Caleb sa kaniyang email mula kay Jada. Sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan na naman nito ang kaniyang damdamin. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan na maging emosyonal habang binabasa ang mensahe nito para sa kaniya. Caleb, Hindi ko alam kung paano sisimulan ang liham na ito. Halos ilang oras akong nakatitig sa kawalan. I hate to say this but I have to. Sa maniwala ka man at hindi, ang pagmamahal na nadama ko sa'yo noon, hanggang ngayon ay totoo. Masakit sa akin na talikuran ka, kaya lang ay ito lang ang tanging paraan para magawa ko ang nararapat. Naging napakabuti mo sa akin. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa mundo dahil minahal ako ng isang lalaking kagaya mo. Gusto kong maging masaya na kasama ka, kaya lang may mga