Nakahanda na ang maleta ni Jada, ngayon ang araw ng flight niya pabalik ng Pilipinas. "Are you ready to go?" tanong sa kaniya ni Caleb, nang puntahan siya nito sa kaniyang silid. Naging masaya ang mga araw na magkasama ang dalawa. Sa mga oras na nasa seminar si Jada ay matiyagang naghihintay sa kaniya si Caleb, pagkatapos ay susunduin siya nito at sabay na silang maghahapunan. Kapag wala namang seminar si Jada ay saka naman sila namamasyal sa iba't-ibang lugar sa London. Sa ilang araw na magkasama sila ay mas lalo nilang nakilala ang isa't-isa, at mas lalo pa silang napamahal sa isa't-isa. Kahit excited na siyang umuwi, may isang bahagi sa puso niya na para bang ayaw pang mapahiwalay kay Caleb. Nasanay na kasi siyang palagi itong kasama at nakikita. Ang isipin na babalik na sila sa M