"Ca-Caleb, ano'ng ginagawa mo rito?" Labis ang pagtataka ni Jada nang makita si Caleb. Hindi talaga siya makapaniwala. Ito ang huling tao na iisipin niyang kakatok sa kaniyang pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lamang siyang kabigin ng binata at yakapin ng mahigpit. "Sa wakas, nakita rin kita. You have no idea how much I missed you," sabi ni Caleb, hindi siya binibitawan nito, nanatili lamang ito na nakayakap sa kaniya nang mahigpit. "May business meeting ka ba rito?" tanong niya, iyon lang ang naisip niyang dahilan kung bakit narito ang binata. Sunod-sunod ang naging pag-iling nito. "Nope. Honestly, I came here just for you. It drives me crazy when you're not around, and waiting for a long time without seeing you is tough. It's your fault, you didn't tell me you were le