Ang bawat araw na lumilipas ay nagiging maayos na para kay Jada. Nabuo na niya ang kaniyang sarili at naging maayos na ang disposisyon niya sa buhay. Isang umaga nagising siya na hindi maganda ang pakiramdam. Ang ipinagtataka niya ay maaga naman siyang natulog kagabi, kaya lang kung bakit nahihilo siya? "Are you sure na okay ka lang? Kaya mo bang pumasok sa trabaho?" nag-aalalang tanong ni Dahlia. Nasa hapag kainan sila at sabay na kumakain kasama si Heidee. "Oo ayos lang ako, mawawala na rin naman ito dahil inunuman ko na ng gamot," pahayag niya. "Mabuti pa, kumain ka nang marami, baka gutom lang 'yan, parang hindi ka yata naghapunan kagabi." Nilagyan ni Heidee nang kanin at ulam ang plato ni Jada. "Ito hot chocolate, para mainitan ang sikmura mo." Inabot naman ni Dahlia ang tasa ng