Ang unang pagharap ni Jada sa korte laban sa kasong isinampa niya kay Jacob ay hindi naging madali para sa kaniya. Ayaw na sana niyang makita pa ang lalaking dati niyang minahal na nagbigay lang sa kaniya ng matinding sakit sa kalooban, kaya lang kailangan niyang harapin ito para pagbayarin sa mga ginawa nito sa kaniya. Hindi niya kinakitaan ng pagsisisi si Jacob. Galit ang itsura nito nang makita siya, masama ang tingin nito sa kaniya. "Masaya ka na ba sa pagsira mo sa buhay ko?" galit na sumbat nito sa kaniya. Umiling siya. "Hindi ako ang sumira sa buhay mo kung hindi ikaw, Jacob. Masyado kang nilamon ng kasakiman mo. Kung natuto ka ba namang makuntento sana hindi gan'yan ang kinahantungan mo." Hindi umimik si Jacob, alam niya ang mga kasalanan niya kay Jada, hindi lang niya matangga