Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Jada. Ang paghihiganti kay Jacob at Sabina. Ngayon ang huling araw ng kampanya at bukas ay eleksiyon na at malalaman na kung sino ang mananalo. Maraming mga tao ang nagtungo sa campaign rally na iyon para marinig ang plataporma at pangako ng mga politiko na kakandidato. Nagsalita na ang halos lahat ng kapartido ni Jacob at ang talumpati niya ang pinakahinihintay ng mga taong naroon. Matapos ang pagsasalita ng kumakandidato bilang vice mayor ay lumakad ang emcee sa harapan ng stage, kinuha nito ang mic at sinimulan na ang pagpapakilala kay Jacob. "Mga kababayan narinig niyo na ang ating mga kandidato, ang plataporma nila at ang gagawin para mapaunlad ang ating bayan, ngayon naman ay pakinggan natin ang sasabihin ng ating susunod na alkade, ang