Imbes na sa kanilang bahay ay sa condo dumiretso si Jacob, para puntahan si Sabina at kunin dito ang anak na si Justin. Hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaan na magagawa ni Sabina ang ganu'n. Mabibilis ang mga hakbang niya na lumabas ng elevator. Pagdating sa harap ng pinto ay agad niyang pinindot ang passcode at agad namang bumukas iyon, pagpasok niya sa loob ay nadatnan niyang umiiyak ang kaniyang anak at hindi mapatahan ni Sabina. Naagaw ng pansin niya ang iba't-ibang pagkain sa ibabaw ng center table. Sa tingin niya ay iyon ang mga ipinakain ni Sabina sa kaniyang anak. Agad siyang lumapit kay Sabina at inagaw si Justin. Nang makita siya ng anak ay tumigil na ito sa pag-iyak. "What do you think you're doing, Sabina? Hindi mo ba alam kung ano ang ginawa mo? You kidnapped my son!"