Naging mas magaan na ang buhay ni Jada simula nang magkaroon sila ng mga kasambahay, at may katu-katulong na rin siya sa pag-aalaga kay Justin. Kaya naman nakakaalis na siya kung kailan niya gusto. Ibinigay ni Jacob ang buong tiwala nito sa kaniya. Ngayon nga ay inaasikaso naman niya ang kaniyang trabaho, maraming nag-i-inquire sa kaniya at interesado na kunin siya bilang interior designer. May nakausap na siya na isang beauty clinic na gustong ipa-design sa kaniya ang bago nitong branch na malapit nang magbukas. Tinanggap niya ang trabaho dahil maayos namang kausap ang may-ari at nagkasundo rin sila pagdating sa kaniyang professional fee. Ngayon nga ay paalis siya, papunta siya sa clinic upang makita mismo ang aktuwal na itsura nito para makagawa na rin siya nang design plan na ipapa-app