Chapter 91- Rupok*

1642 Words

Nang malaman ni Jacob ang ginawa ni Sabina kay Jada ay pinuntahan niya ito para komprontahin. Pagdating niya sa bahay nito ay wala ito roon kaya naman dumiretso siya sa condominium na dati nilang tagpuan na ngayon ay hinayaan na niya kay Sabina. Hindi pa rin napapalitan ang passcode ng pinto kaya ng ilagay niya ang mga numero ay agad na bumakas iyon. Hinanap niya sa sala at sa kusina si Sabina ngunit wala ito roon kaya dumiretso siya sa kuwarto. Pareho silang nagulat ni Sabina nang makita nila ang isa't-isa. Ngunit mabilis na nakabawi ang dalaga. Ang kanina ay gulat na makikita sa mukha nito ngayon nga ay napalitan ng matinding kasiyahan. "Jacob, honey, you're back! Na-realized mo na ba na ako ang mas mahal mo kaysa sa Jada na 'yon? Magsasama na ba tayo habang buhay?" excited na tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD