Walang kamalay-malay si Jada na isang pagtataksil na naman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang asawa, walang katapusang pagtataksil na para bang nagiging normal na lamang dito. Sadyang marupok si Jacob at hindi kayang pigilan ang tukso. Umuwi siya sa bahay na para bang walang nangyari. Sa labas pa lang ay sinalubong na siya ni Jada. Hinintay siya nito habang ipina-park niya ang sasakyan sa kanilang garahe. "Ano'ng nangyari? Nakita mo ba si Sabina?Nakausap mo ba siya? Sinabi mo ba sa kaniya na tigilan na niya ako, na tigilan na niya ang panggugulo sa pamilya natin?" sunod-sunod na tanong ni Jada sa asawa. Ang buong akala niya matapos niyang maipaalam kay Jacob ang ginawang pananakit at pagbabanta ni Sabina sa kaniya ay kokomprontahin nito ang dati nitong kalaguyo, ngunit nagkamali siya. "No