Nang gabing iyon ay umuwi si Jacob. Nanginginig ang katawan ni Jada sa labis na tensiyon. Gusto niyang komprontahin ang asawa. Gusto niyang malaman mismo sa bibig nito ang katotohanan na may iba itong babae, ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili. Gusto niyang makahanap muna ng sapat na ebidensiya para hindi ito makatanggi at umamin sa panlolokong ginagawa nito sa kaniya. Pinakalma niya ang kaniyang sarili at hindi nagpahalata kay Jacob. Hindi nito kailangang malaman na may alam na siya tungkol sa ginagawa nitong panloloko sa kaniya. Nang mabungaran ni Jacob ang asawang si Jada pagpasok niya sa loob ng bahay ay masayang lumapit siya rito at humalik siya sa pisngi nito. "Sweetheart, look, I have something for you. Pag-uwi ko ay may nadaanan akong tindahan nito, alam ko namang pabori