Habang nag uusap sina Jada at Caleb, kasama si Mrs. Ledesma ay dumating naman ang order na pagkain ng binata. Agad niya itong binayaran. Ngunit sa pagkagulat ni Jada ay bigla na lamang tumayo ang binata at hinawakan siya sa braso. "Ma'am, I'd love to try your food, but I am caught up in an important matter and can't stay long. I'll come back another day. Just give my meal to your employees. I sincerely apologize and am committed to making amends during my next visit. Also, will you please excuse Jada, I would like to borrow her to accompany me." Hindi na nito hinintay pa na magsalita pa si Mrs. Ledesma, hinatak nito ang natitigilang si Jada palabas ng restaurant. "Mr. Soverano, bitiwan mo nga ako. Ano ba'ng problema mo at bigla mo na lang akong kinakaladkad?" inis na tanong ni Jada, nagp