"Caleb, honey, why not come with me to the party tonight? Your friends will be there, so it won't be boring at all," sabi ni Chloe, yumakap ito sa likuran ni Caleb. Ang mga labi nito ay dinala sa puno ng tenga ng binata at hinahalik-halikan iyon. Nitong mga nakaraang araw ay si Chloe ang madalas niyang kasa-kasamang lumabas. Kababalik lang nito galing France dahil naroon ang trabaho nito. Matagal na niyang kakilala si Chloe, since college pa sila. Ang relasyon nila ay matatawag na friends with benefit. Magkaibigan sila ngunit ginagawa rin nila ang mga ginagawa ng magkarelasyon. "I'm sorry, I'm not in the mood to go out right now." "But it's Gino's birthday. Do you want him to get mad at you if you don't go? How many of his parties have you skipped in the past?" Seryosong ibinaling ni