Pag-uwi ni Jada nang bahay ay hindi niya inaasahan na naroon si Jacob. Masama ang tingin nito sa kaniya na tila ba galit. "Bakit hindi ka umuwi kagabi? Saan ka nanggaling at sino ang kasama mo?" sunod-sunod na tanong sa kaniya nito, hinabol siya hanggang sa makaakyat siya ng hagdan kaya naman tumigil siya sa paghakbang at hinarap ito. Bumaba siya ng hagadan at sumunod naman sa kaniya si Jacob. Nagtungo siya sa likod bahay, alam niya na sa hindi maganda mapupunta ang usapan nilang ito, kaya naman minabuti niyang lumayo para hindi marinig ng mga kasama nila sa bahay ang pinag-uusapan nila at lalong ayaw niyang makita ng kaniyang anak na nagtatalo sila. "At bakit mo tinatanong kung saan ako galing at sino ang kasama ko? Matagal na tayong hiwalay, Jacob! Hindi ko pinakikialaman ang mga whe