Nagtataka si Jada kung bakit makalipas ang halos isang oras na biyahe ay lumipat sila ni Caleb ng sasakyan. Isang campervan iyon, sasakyan na ang loob ay mistulang bahay na rin, may magandang higaan, kusina at banyo. "Kaninong sasakyan ito at bakit nakasakay tayo rito? Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Jada, habang pinagmamasdan ang kabuuan ng sasakyan. Sa mga palabas lang kasi sa ibang bansa niya nakikita ang ganitong klase ng sasakyan at talaga namang humanga siya sa loob nito para talaga itong isang bahay na maaari ng tirahan. "I've planned a camping trip for us today. The weather is great and I think this is a perfect time for stargazing." "Huh! Bakit hindi mo sinabi sa akin na ganu'n pala ang plano mo? Paano 'yan, hindi ako nakapagsabi sa bahay? Malapit nang dumilim, makakauwi ri