Humahangos na tumakbo si Jada papasok ng ospital kasama si Dahlia. Nasa trabaho siya noon ng mabalitaan niya ang masamang balita, kaya agad siyang sumugod sa GDS General Hospital kung saan dinala ang kaniyang asawa. Nabaril si Jacob at malubha ang kalagayan nito ngayon. Ang balita tungkol sa pagkabaril nito ay laman nang lahat ng pahayagan. Isang malaking sindikato pala ang nakalaban ni Jacob. Ang hinahawakan nitong kaso ng mayamang negosyanteng kliyente laban sa sindikato ng mga smuggled luxury cars ang kaniyang iniimbestigahan sa kasalukuyan, at sa kaniyang pag-iimbestiga ay may mga nalaman pa siyang ibang anomalya na ginagawa nito at ng mga grupo nito. Hindi nagustuhan ng lider ng mga sindikato ang ginawa pag-iimbestiga na iyon ni Jacob sa kanila, kaya naman pinagtangkaan ng mga ito