Mahigit isang buwan na na-confine sa ospital si Jacob bago ito tuluyang nakalabas. At sa mga panahon na nasa ospital ito ay matiyaga itong inalagaan ni Jada. Papasok siya sa trabaho sa umaga at pagkatapos ng maghapong trabaho ay diretso na sa ospital para naman alagaan ang kaniyang asawa. Simula ng ma-operahan si Jacob ay nawalan na ito ng kakayahan na makalakad. Nagkaroon ito ng nerve damage at dahil doon ay nagbago ng husto ang ugali nito, naging bugnutin ito at mainitin ang ulo. Ngunit matiyagang inintindi iyon ni Jada. Pinagtiyagaan niya itong pabalik-balik na dalhin sa ospital para sa kaniyang therapy. "You see, with a little more patience, you'll eventually be able to move your feet," tuwang sabi ni Jada. Sa bawat theraphy session ni Jacob ay nanunuod siya at nakikita niya ang prog