"Daniel, tamang-tama ang dating mo, may mahalaga tayong pag-uusapan." Kauuwi lang ni Daniel galing eskuwela at nang dumaan siya sa eskinita papunta sa bahay nila ay sinalubong siya ng kababatang si Hector at agad inakbayan para wala na siyang takas. "Ano'ng pag-uusapan natin?" kunot noong tanong niya, hindi naman siya interesado kaya lang ay pinagmukha na lamang niya ang sarili na interesado sa gusto nitong sabihin dahil itong si Hector ay kilalang siga sa lugar nila. "Tumigil ka muna kasi. Tumambay ka muna rito sa amin." "Salik, tagayan mo nga ng maiinom itong si Daniel." Inutusan ni Hector ang isa sa apat na lalaki na kasama nito na nakatambay sa gitna ng eskinita. Ang mga lalaking iyon ay kilalang lahat ni Daniel, dahil mga kababata niya ito at sabay-sabay silang lumaki sa eskinita