Six months later "Ma'am Katrina, nakahanda na po ang tanghalian, gusto niyo po bang ipaghain ko na kayo ng pagkain?" Nilingon ni Katrina si Sonia ang isa sa kanilang mga kasambahay. Nginitian niya ito. "Mamaya na siguro, bababa na lang ako kapag nagugutom na ako, maraming salamat," sabi niya. "Sige, po Ma'am, babalik na ako sa trabaho ko," paalam nito na tinanguan naman niya. Ngayon ang araw ng pag-uwi ng kaniyang asawa at excited na siya sa pagdating nito. Dalawang Linggo rin itong naglagi sa Maynila para asikasuhin ang kanilang mga negosyo. Ngayon na nagpapagaling pa siya sa kaniyang karamdaman kaya hindi siya isinasama nito sa kaniyang mga lakad. Dahil walang magawa ay siya mismo ang naglinis ng kanilang silid, nagpalit ng sapin sa kama pati na ng mga kurtina. Malinis na malinis