"Oh, my gosh! Totoo nga ang sinabi ni Daniel. Tingnan mo Jada, may mga lalaking nagtatangkang pumasok sa bahay ninyo." Hindi magkandamayaw si Dahlia sa pagturo sa laptop ni Jada. Nakakonekta kasi sa laptop ni Jada ang lahat ng cctv sa bahay nila at ito ang pinanonood ngayon ni Dahlia. Hinintay nilang sumapit ang alas diyes ng gabi at nag-abang sila sa mga mangyayari sa oras na iyon na sinabi ni Daniel. Natutop ni Jada ang kaniyang bibig sa labis na pagkabigla. Limang lalaki na naka-mask na itim ang nakita niyang sinusubukang buksan ang gate nila, ang iba ay sumampa sa bakod. Dahil naniwala si Jada sa mga sinabi ni Daniel, bago pa lang sumapit ang alas diyes ay nakatawag na siya sa mga pulis at na-i-report ang mangyayari. Samantalang, matapos maihatid ni Daniel ang mag-inang Jada at J