PAGOD na inihilata ni Tori ang katawan sa malamig na higaan. Panalo na naman siya sa ika-sampung laban niya, pero kahit na ganoon hindi pa rin maiiwasan na magkatamo siya ng sugat sa katawan. "Kumusta ang laban?" mahinang tanong ni Caliber na nakaupo sa higaan nito. "Hindi ka nanood." may pagtatampong sabi niya. Ito ang kauna-unahang laban niya na hindi nito pinanood. "Edi sana nakita mo kung paano ko patumbahin ang jasper na 'yun." buong pagmamayabang niyang sabi. Sa loob ng isang buwan, masasabi niyang malaki na ang ipinagbago niya. Sa ugali, kilos, pananalita at lalong-lalo na sa pakikipaglaban. He is no mercy it comes to the fight. Sa tuwing lumalaban siya sa underground fight, pinapatay niya ang mga nakakalaban niya. "Alam kong kaya mo na." sagot ni caliber sa pagod na boses.