Five

1571 Words
HINDI naging madali kay Tori ang bawat araw na lumilipas. Pagtatanim, pagbubuhat at pag-papalakas ang ginagawa niya sa luob ng limang araw. Hindi siya nakakakain o nakakainom ng tubig kapag walang natatapos na trabaho. Nasaksihan na din niya ang kalupitan ng lugar na ito. Tama ang sinabi ni Celeb, isang impiyerno ang lugar na ito. May namamatay mula sa underground fight, o kaya may mga namamatay mula sa awayan ng bawat grupo. At ang mga omega namang dinadatnan ng heat ay ginagalaw ng mga bantay o kaya ginagalaw ng mga rogue na dati ring Alpha na napapadpad sa lugar na ito. Sa totoo lang, sukang suka na siya sa lugar na ito. Hindi niya maatim o masikmura ang mga pinagagagawa nila sa mga katulad niya na bago sa mundong ito. Naaawa siya sa mga omegang pinaglalaruan, gusto man niyang tulungan ang mga ito ay hindi niya magawa dahil alam niyang wala pa siyang laban, kung hindi lang dahil kay Caliber siguradong pinag-interisan din siya ng iba. Dahil may kaalaman na siya sa pakikipaglabanan, hindi siya ganoong nahirapan sa pag-iinsayo, pero ayon kay Caliber, ibang-iba daw ang labanan sa loob ng arena. Malalaman niya na lang daw kapag siya na ang dinala sa lugar na 'yun. Sa bawat araw na naghihirap siya, hindi mawala sa isip niya si Mask. Umaasa siya na isang araw darating ito para kunin ulit siya, pero walang Mask na dumarating, walang mask na gusto siyang ialis sa impiyernong lugar na ito. Araw-araw, nasasaktan pa rin siya sa pagbitaw at pagkalimot sa kanya ni Mask. Pero ang laki pa rin niyang tanga, dahil patuloy pa rin niya itong minamahal. Napahinto siya sa pagsubo nang marinig niya ang pangalan niya. "X!" Bigla siyang napatayo. May bisita ba siya? Dumating ba si Mask para kamustahin siya o para kunin na siya? "Maghanda ka, may practice match ka!" muling sigaw nito na ikinatitig niya kay Caliber. Nakita niya ang takot sa mga mata nito para sa kanya, pero agad din iyong naglaho. Marahan siyang bumalik sa pagkakaupo at mariin na kinuyom ang kamao. Gagamitin niya ang mga natutunan niya mula kay Mask at mula sa pag-iinsayo sa kanya ni Caliber. Pero hindi niya mapigilang matakot. Hindi na niya ulit nagalaw ang pagkain niya hanggang sa matapos ang oras ng tanghalian. Pagkabalik nila ni Cliber sa selda niya ay agad siya nitong kinausap. "Isa lang ang ibibilin ko sa iyo. Patayin mo ang kalaban, bago ka pa niya magawang patayin." mariin nitong sabi. Hindi niya alam kung bakit ganito na lang malasakit nito sa kanya. Nayuko siya at ipinagsalikop ang nanginginig na mga kamay. "Alam kong natatakot ka, pero hindi ito ang oras para panghinaan ka ng loob!" "P-pero... natatakot talaga ako." Galit siya nitong hinawakan sa braso at iniharap siya nito rito. "Kung hindi mo ipagtatanggol ang sarili mo, sino pa ang magtatanggol sa iyo?! Tandaan mo, talo ang mahina, malalakas ang siyang nagwawagi!" tiim-bagang sabi nito. "Oras na!" sigaw ng bantay na nagputol sa pag-uusap nila. "Umayos ka, panonoorin kita." anito na nauna ng lumabas. Nayuko siya at mataimtim na nagdasal, na sana makayanan niya ang laban. Matapos magdasal ay lumabas na siya. Agad siyang kinaladkad ng burdadong lalaki papunta sa maliit na arena. Pagkapasok nila doon ay agad siyang sinalubong ng malakas na hiyawan. Tinulak siya ng lalaki papasok sa ring. "Siguradong katapusan mo na!" sigaw sa kung saan. "Sigiradong hindi ka magtatagal!" sigaw naman ng iba pa. Hinanap ng mga mata niya si Caliber pero hindi niya ito makita. Lalong lumakas ang hiyawan ng pumasok sa ring ang isang lalaking may takip sa isa nitong mata. Sa pagkakaalam niya isa ito sa miyembro ng Palakol. Ngumisi ito at pinatunog ang leeg at balikat nito. "Handa ka na bang mamatay?" tanong nito. Hindi niya ito sinagot. Hinanda na lang niya ang sarili sa maaaring mangyari. May pumasok pa na isang lalaki sa loob ng ring. "Walang rules sa laban na ito. Kung sino ang unang makapatay siya ang panalo. X laban kay wancho, Umpisahan na!" muling naghiyawan ang mga manonood at pagkalabas ng announcer doon tumunog ang bell hudyat na umpisa na ng laban. Nanlaki ang mga mata niya nang walang salitang sinugod siya ni Wancho. Mabilis siyang umiwas, pero laking gulat niya nang mabilis itong napunta sa gilid niya at malakas na umigkas ang kamao nito sa tagiliran niya. "Urrh!" malakas siyang dumaing. Napaluhod siya habang sapo ang nasaktang tagiliran. "Mahina!" sigaw nito na sunod-sunod siyang sinipa hanggang sa mapahiga siya. Huminto lang ito nang tumunog ang bell. Matalim na tingin ang iniwan nito sa kanya bago siya tinalikuran. Sapo ang sikmura na bumangon siya at nagpunta sa base niya. May pumasok na seksing babae at may iniabot ito sa kanya na isang patalim ganoon din kay Wancho, kasunod ni 'yun ay tumunog na ang bell hudyan na umpisa ulit ng laban. Humugot siya ng hangin at marahan iyong binuga. He use to fight but he never kill his enemy. Pikit ang mga matang humakbang siya papunta sa gitna habang mariing hawak ang patalim. Inimagine niya na si Mask ang katunggali niya, iniisip niya na ineemsayo siya nito sa pakikipaglabanan. Ang bawat pagwasiwas ng patalim nito ay mabilis niyang naiilagan ganoon din ang suntok at sipa nito. I'm now rejecting you as my mate... Umalingawngaw iyon sa isipan niya. Natigilan siya at tila nawalan ng balanse sa ginawang pag-iwas niya rito. Malakas siyang napasigaw nang himiwa ang talim ng patalim nito sa kanyang braso. Dahil may wolfsbane 'yun agad na kumapit sa laman niya ang kamandag ni'yun dahilan para mabawasan ang lakas niya. Shit! Naging malalim ang bawat paghinga niya at bahagya na rin siyang nahihilo. Dito na ba siya mamamatay? Hahayaan na lang ba niyang tapusin siya nito? Tama, para matapos na rin ang lahat mg paghihirap niya. Nang muli itong sumugod sa kanya, ipinikit na lang niya ang mga mata at hinintay ang pagbaon ng patalim. Inalala na lang niya ang pamilya niyang nagtakwil sa kanya. Ma, pa, Saito, mahal na mahal ko kayo... Sunod na pumasok sa isip niya si Mask. Ang lalaking pinangarap niya, ang lalaking inalayan niya ng lahat... Mask... mahal na mahal kita... Handa na siyang mamatay. Handa na siyang iwan ang lahat... Dito na natatapos ang lahat... Ipangako mong mabubuhay ka, Torichiro... narinig niya ang boses ni Celeb sa kanyang isipan. Mapait siyang ngumiti. Sorry Celeb, hindi ko ata magagawa ang gusto mo. Mangako ka, Tori. Mangako kang mabubuhay ka! Muling sigaw ng boses ni Celeb sa kanyang isipan. "Tori! Torichiro!" isang tinig na nagpagising sa kanya. Mabilis siyang lumingon sa kanyang kaliwa. Si Caliber sumisigaw ito mula sa kinauupuan nito. "Lumaban ka!" Lalaban pa ba siya? Dapat pa ba siyang lumaban? "Lumaban ka! Lumaban ka para sa sarili mo!" muling sigaw nito. I only love, Fanxieli. You can't replace him in my heart! Basura ka lang kumpara sa kanya! Sunod na umecho sa isip ni Tori ang mga sinabi sa kanya noon ni Mask. Basura ka lang! Doon biglang nabuhay ang pinagsamang galit at hinakit niya kay Mask. Mariin niyang nahawakan ang patalim. Naramdaman niya ang pagbago ng kulay ng mga mata niya. Ang tingin niya ngayon sa kalaban ay mukha ni Mask. Matalim niya itong tininganan habang mariin pa rin ang hawak niya sa patalim. Wala siyang ibang iniisip kundi ang patayin ito, ang mamatay ito. Hindi na niya hinintay pa na tuluyan itong makalapit. Sinalubong niya ito at nang akma siya nitong sasaksakin ay mataas siyang tumalon at sa pagtalon niya ay ang pagbago ng anyo niya. He shift into wolf form. Mabilis niyang sinakmal ang ulo nito at walang awang hinila iyon mula sa katawan nito. Ang Lahat ay napasinghap sa nasaksihan. Kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Wancho ang pagbalik niya sa katawang tao. Nanginginig ang katawan na napaupo siya. Hindi makapaniwala sa nagawa. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Takot, kaba, peo higit na nangingibabaw ang kaginhawaan na tila nailabas niya ang kinukubling galit. Pero hindi niya napigilan ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata. Napatingala siya kay Caliber nang huminto ito sa harapan niya. "Ginawa mo lang ang tama. Kung hindi mo siya pinatay, ikaw ang mapapatay niya. Kalimutan mo na kung sino ka. Magpalakas ka, at mabuhay. Gamitin mo ang galit na yan para makaligtas ka sa malupit na lugar na ito. Magpalakas ka para makahanap ka ng Alpha na magkakainteres sa iyo para makaalis ka na sa lugar na ito. Hindi siya darating para kunin ka, kay itigil mo na yang kahibangan mo!" mahaba nitong litanya. Inabot ni Caliber ang kamay nito sa kanya. "Iyan na ang huling pag-iyak mo. Ipangako mo sakin na hindi mo na ipapakita ang mga luha na iyan sa iba. Gagamitin nila 'yang sandata laban sa iyo." Tama ito. Wala ng dahilan para iyakan ang taong ni katiting walang malasakit sa kanya. Oras na para sa bagong bubay panahon na tumayo siya para sa sarili. Panahon na para sarili naman niya ang mahalin niya. At tama din ito, walang lugar para sa mahihina. Inabot niya ang kamay nito at hinila siya nito patayo. Simula ngayon patay na si Torichiro. Wala ng mahina, wala ng iiyak. Simula ngayon tatawagin at kikilalanin siya bilang X. Ito na ang huling iiyakan niya si Mask. Itinatapon na niya ang pagmamahal niya para rito. Dito na nagtatapos ang lahat-lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD