"SINO BA talaga si Leon, Karrim." pag-uumpisa niya ng tanong dito. Kahit alam na niya ang sagot ay gusto niya makasiguro. Gusto niya na rito mismo manggagaling ang sagot. Nagbuga ng hangin si Karrim. "Umh... Before I tell you the truth, gusto kong malaman mo na this is a very confidential case. Walang pwedeng lumabas at lalong walang pwedeng makaalam." Tumango siya bilang pagtugon. "Siya 'yun." anito na nagpabilis sa t***k ng puso niya. "S-si L-La-" "Hindi mo pupwedeng banggitin ang pangalang 'yan." agad nitong pigil sa kanya. Natutop niya ang bibig at walang ingay na umiyak. "P-paano?" "Si Aaric ang nagplano ng lahat. Pinalitan niya ng gamot ang lason na dalat na ipapainom sa kanya. Aaric asked him first kung pipiliin pa nitong mabuhay, at sa ibang katauhan nga lang na kailang